Chapter 20
Dalawang buwan ang nakalipas at narito ako sa tabi ni Lola habang masaya kaming nagkekwentuhan. Napakalaki ng ngiti niya sa akin na animo'y walang iniindang sakit. Sobra na siyang namayat at hindi ko alam ngunit tila ba ay sobrang kabado ako ngayong araw na ito.
"Apo, ibili mo muna ako ng prutas sa labas. Gusto ko yung ubas at peras." aniya.
Nag-alangan naman akong sunurin si Lola dahil iba ang pakiramdam ko rito. Ginamitan naman ako ng paglingkis ni Lola sa aking braso kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lamang. Gusto kong sabihin sa kaniya na magkakaapo na siya ngunit gusto ko ay may pasurpresa ako.
Agad naman akong umalis sa ospital nun upang bilhin ang gusto ni Lola. Masaya akong naglalakad sa mall nang makasalubong ko si Stax at Heidi na walang pakialam sa mundo nila. Napayuko ako nang maramdaman ang pait at sakit dahil magkasama sila. Habang sila ay masaya, heto ako at miserable ang buhay.
Napahinto ako sa paglalakad nang makita silang naghahalikan sa gitna ng daan. Isa-isang nagbagsakan ang luha kong pilit na pinipigilan. Kay sakit makita na nagmamahalan sila. Gusto ko silang paghiwalayin ngunit tila ay natulos lang ako sa aking kinatatayuan. Wala nga pala akong karapatan dahil dati lamang akong parausan ni Stax. Bakit ko naman sila paghihiwalayin 'di ba?
Tuloy-tuliy lamang ang luha kong pinagmamasdan sila. Ang sakit! Tangina! Sobrang sakit! Naramdaman ko ang pagtakip ng kung sino man sa aking mga mata.
"Kapag masakit, pumikit ka." malalim na boses na sabi ni Link.
Napakagat ako ng labi hanggang sa napahagulgol na lamang ako. Nasa mata ko pa din ang kaniyang mga kamay hanggang sa pinaharap na niya ako sa kaniya. Tahimik lang akong humahagulgol dahil sa dagok ng katotohanang nasaksihan. Hindi nga pala ako ang mahal ni Stax, bakit na naman ba ako nagfi-feeling na may halaga ako sa kaniya? Ilusyunado ka, Syden. Wala ka ng pag-asa.
Nang araw na iyon ay sinamahan ako ni Link na mamili ng prutas na para kay Lola. Pinatahan niya ako na ikinasalamat ko. Nang nasa counter na kami ay halos manghina ako sa aking nakita. Si Papa at Kendra na magkasamang nagsasaya dito sa mall. Si Papa na may oras para kay Kendra ngunit sa akin ay wala. Ako na hindi niya kinikilalang anak. Ako na gusto niyang mawala sa paningin niya.
Nakita kong napatingin sa gawi ko si Papa at Kendra ngunit sa huli ay inignora lamang nila ako na para bang hindi nlila ako kilala. Sobrang sakit na makita silang masaya habang ako ay simula bata pa lang ay hindi na masaya.
Nang makapagbayad na kami ay inofferan ako ni Link na siya na lamang ang magda-drive sa akin ngunit tinanggihan ko siya. Hindi na siya nagpatalo pa at hinintay na lang ako na makasakay sa jeep.
Habang nasa biyahe ay di ko maiwasang isipin kung gaano kapait ang araw ko ngayon. Dalawang dagok ng katotohanan para ngayong araw. Naluluha akong napayuko sa jeep at hindi inalintana ang mapanghusgang tingin ng iba. Siguro'y kinakaawaan na nila ako dahil umiiyak ako sa jeep. Gusto kong humingi ng pasensya ngunit hindi ko na rin nagawa dahil sa paglusob ng sakit sa aking dibdib. Hinayaan lamang ako ng ibang pasahero na umiyak.
Nang makababa sa ospital ay bumuntong-hininga muna ako upang palakasin ang sarili. Narito pa naman si Lola kaya kakayanin ko pa. Kaya ko pa kahit masakit ay kakayanin ko hangga't narito pa si Lola.
May malaking pilit na ngiti ako sa mukha upang maibigay na kay Lola ang request niyang prutas. Lahat ng dadaanan kong silid ay parang kay bigat ng paligid.
"Lola nandito na ang prutas mo!" masaya kong sabi pagkabukas ko ng silid niya.
Ngunit tila nga malas ang araw ko ngayon nang makita ang diretsang linya na nagsisilbing gabay upang malaman ang tibok ng puso ni Lola. Nabitawan ko ang supot na dala ko habang nakatingin sa malamig na bangkay niya.
BINABASA MO ANG
Amidst the Rage
Romance(Casa Klara Series #2) Syden grew up in a not-so-perfect family. Her biological parents are both separated and already have their own new families. She was left in the care of her sick grandma, Lira. Her parents don't want her anymore, so neither do...