Chapter 16

1.3K 35 5
                                    

Chapter 16

Nang makarating sa ospital ay kaagad kong pinuntahan ang silid ni Lola. Kahit masakit pa ang buo kong katawan ay tiniis ko na lamang upang malaman kung bakit atat na atat si Tiff na papuntahin ako ng ospital.

Naabutan ko si Tiff at Tito Yuan na nasa tabi lamang ng upuan at parehas nakayuko.

"Tiff," hinihingal kong sambit.

Napalingon naman siya sa akin kaagad kaya di na ako nagpatumpik-tumpik pa.

"Anong nangyari?" tanong ko.

She has a sad and worried face and it actually roam around her aura. Siguro nga ay ganun na lang yun kaseryoso dahil sa lakas ng pagsigaw niya sa akin kanina.

"Something happened to Lola. She was 50/50 earlier and I was scared because the doctor said that Lola is only using those apparatus to actually live. Nauubusan na tayo ng pera at sobrang hina na niya Syden." halos mangiyak-ngiyak na sambit niya.

Kinalma ko muna ang sarili ko dahil ayaw kong parehas kaming mag-breakdown ni Tiff. We were like this before. One should stay sane while the other was crazily weeping.

"How much money do we need for the operation?" kalmado kong sambit.

"To be honest Sy, Lola already decided that she wanted to be mercy killed. Ayaw na niyang mahirapan pa. She said that she's too old already. All she wanted is to see us both having our own man that we will introduce to her." umiiyak niyang sabi.

Nakaramdaman ako ng habag nang makita ang mga luha ni Tiff. She's not like this often. It's rare to see her cry. Lumapit ako sa kaniya upang yakapin siya ng mahigpit. Niyakap naman niya ako pabalik at umiyak sa aking balikat. At this point of time, I know that she needed comfort like how she comfort me even though I'm not telling her what's the problem.

Lumipas ang isang buwan na abala ako sa pag-aasikaso kay Lola. Palagi akong naghahanap ng oras upang dalawin siya kahit na minsan ay muntikan na kaming magpang-abot ni Mama. Lola is happily telling us her stories with Lolo before like she always brag how lucky she is because it is Lolo.

Pinagpapasalamat ko na din na kailangan ako ni Stax palagi dahil kailangan ko talaga ng pera para kay Lola. Umaabot pa sa punto na inaaraw-araw ako kaya nakakapag-ipon ako para panggastos at bills ni Lola. Nadadalas na din ako sa OB Gyne Clinic dahil mahirap na ang maaksidente ng wala man lang proteksiyon sa sarili. He doesn't use protection while I use contraceptives.

Ang relasyon namin ni Stax ay nanatiling sikreto dahil ayaw ko rin naming kalabanin si Heidi kahit na obvious naman na sooner or later ay malalaman din niya ang mga lihim ko na pilit kong itinatago para sa kaniya. Minsan nakukunsensya na talaga ako sa mga pinaggagagawa namin ni Stax. Inosente si Heidi dito at ayaw ko talaga ng gulo pero kung gulo ang lalapit sa akin ay baka, baka sakaling magpaapi na lang ako. Dahil alam ko na ako ang mali dito.

Kasalukuyan akong nag-aayos ng sarili dahil ngayon ang punta namin ni Kuya Daryl sa isang event. Pinilit lang ako ni Kuya na gawin niyang kasama dahil ayaw niyang maissue kapag ibang babae ang kasama niya. Naiintindihan ko naman yun dahil itong taon na ito ay sandamakmak na issue sa pamilya ang mayroon kami. Sinubuksan din niyang kumbinsihin si Tiff na siya ang maging muse ngunit alam ko na kaagad kung saan nanggaling ang tinamo niyang black eye nung mga araw na iyon.

"Sigurado ka ba kuya na hindi darating si Mama at Papa doon?" tanong ko.

"I'm sure Sy. Mom is with Dad today for a honeymoon and as for Tito, I believe today is the death anniversary of his wife." aniya.

Napatango naman ako at nakumbinsi na parehas silang wala mamaya. Ayaw ko ng gulo dahil pagtapak ko pa lang sa lugar na iyon ay issue na agad ang kakaharapin ko. Mabuti na lamang at masquerade party iyon kaya safe din ako. Yun ang idinahilan ni Kuya upang mapapayag ako. Aniya'y masquerade naman daw kaya walang makakakilala sa akin dahil mata at bibig lamang ang nakikita.

Amidst the RageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon