Chapter 8: The Erenia's Prophecy

788 21 3
                                    

Umabot na sa sundulan ang pagsubok at pagsasanay na iginawad para kina Mira at Lira. Ngayon ay kailangan nilang harapin ang sampung air shuriken na pinakawalan ni Sa-era.

Mira: Gumawa ka ng ipo-ipo, at palalakasin ko ng aking kapangyarihan.

Lira: Ano?

Mira: E-nai!

Wala ng maraming tanong ay sinunod ni Lira ang sinabi ni Mira nang walang pag-aalinlangan.

Lira: “Ipo-ipo ng hangin, isinasamo kita!” (while swinging her hand counterclockwise)

Napalibutan ng mga ipo-ipo sina Lira at Mira habang patuloy na lumilipad ang mga shuriken patungo sa kanilang kinalagyan.

Mira: Tingnan natin kung gagana ito. (then she flail her blazing sword to ignite the whirlwind with fire)

Lumiliyab ng husto ang apoy sa espada ni Mira at kumakapit ito sa ipo-ipo na ginawa ni Lira kaya nabuo ang isang firenado.

Sa-era: Sadyang ang lakas ng loob ninyo na subukan ang isang bagay na lubhang mapanganib para sa inyo. Pero hindi na rin masama.

Dahil sa lakas ng firenado ay nagawa nitong tupukin ang mga shuriken na tumama nito kaya nakaligtas sina Mira at Lira. Subalit..

Lira: Anong nangyari? Hindi ko na kayang kontrolin ang aking kapangyarihan.

Mira: Tanakreshna. Hindi ko rin kayang patigilin ang aking apoy.

Sa-era: Hindi pa kayo bihasa sa paggamit ng inyong mga kapangyarihan. Kaya nahihirapan kayong kontrolin ang malakas na bugso nito na maaaring ikakapahamak ng bawat isa sa inyo.

Nawalan ng kontrol sina Mira at Lira sa kanilang mga kapangyarihan na naging mitsa para sumabog ang firenado na ginawa nila. Kaya sobrang pinsala ang natamo ng kanilang mga katawan at pareho silang bumagsak sa lupa na walang malay.

Sa-era: Ang masasabi ko lang ay kahanga-hanga ang lakas ng pinagsama ninyong kapangyarihan. Ngunit ang nakakalungkot ay hindi niyo pa ito kayang kontrolin sa ngayon. (as she walks closer to Mira and Lira)

Patuloy na lumapit si Sa-era sa kinalagyan nina Mira at Lira nang biglang dumating si Bathalumang Cassiopea.

Sa-era: Mahal na Bathaluman. (as she bow down to Cassiopea)

Cassiopea: Sa-era, ang pinagsamang katauhan nina Sari-a at Aera. Salamat sa inyong ginawa.

At binuwag nina Sari-a at Aera ang kanilang fusion habang nasa harapan sila ni Bathalumang Cassiopea.

Aera: Isang karangalan na maging instrumento sa adhikain ng Devas.

Sari-a: Ikinagagalak ko rin na tulungan ang dalawang yan para mapalabas ang taal nilang kapangyarihan.

Cassiopea: Kaya pinupuri ko kayo sa inyong ginawa. Ngayon ay maaari na ninyong puntahan si Danaya nang sa gayon ay makabalik na kayo sa inyong mga tahanan na brilyante.

Aera: Ngunit paano na ang dalawang yan?

Cassiopea: Ako na ang bahala sa kanila.

Sari-a: Kung ganun ay lilisan na kami.

Cassiopea: Humayo na kayo.

Aera/Sari-a: Avisala Mieste, mahal na bathaluman. (then they both leave)

Nang makaalis na sina Aera at Sari-a ay nilapitan na ni Bathalalumang Cassiopea sina Mira at Lira.

Cassiopea: Matindi ang pinsala na inyong natamo dahil sa pagsabog ng inyong mga kapangyarihan. Pero huwag kayong mag-alala mga sang’gre dahil pagagalingin ko kayo agad. (then she uses her divine power to heal the two)

Encantadia: The Revival Of AmihanWhere stories live. Discover now