Tatlong taon na ang nakalipas mula noong napabagsak ng mga diwata si Hagorn at Bathalumang Ether sa tulong ng mga ivtre mula sa Devas. Kaya muling namayani ang kapayapaan sa Encantadia, at naging maayos na ang pamumuhay ng mga nilalang sa buong kalupaan. Pero sa kabilang banda, may mga pusong kahit sa tagal ng panahon ay tila hindi pa rin naghilom ang marka ng mga sugat nito, at mga alaala na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin naiwawaglit.
Pirena's First Person POV
Bata palang ako ay ipinunla na ni Gurna sa mura kung kaisipan ang ideolohiya ng kasakiman, at pagiging makasarili na nagbigay sa akin ng baluktot na pananaw. Iginiit niya sa akin na wala ng iba pang mas karapatdapat na magmana sa trono ng Lireo maliban sa akin dahil ako daw ang panganay sa apat na magkakapatid. Kaya nang itinanghal ng aming ina si Amihan bilang bagong reyna ay ganun nalang kalaki ang pagkamuhi na aking nararamdaman, at ipinangako ko sa aking sarili na gagawin ko ang lahat para bawiin kung ano man ang nararapat para sa akin.
Hindi nagtagal ay napabagsak ko ang aking kapatid na reyna sa tulong ni Hagorn, ang mapaniil na hari ng Hathoria na sa kalaunan ay nalaman ko na siya pala ang tunay ko na ama. At sa wakas ay nakuha ko rin ang aking inaasam gamit ang sining ng paglinlang at pagtataksil, kaya naging reyna din ako ng Lireo ngunit ito ay panandalian lamang. Ayon sa banal na kasabihan, ang sino mang pumatay gamit ang espada ay mamamatay rin sa pamamagitan ng espada. Sa madaling salita, nawala sa akin ang pagiging reyna dahil pinagtaksilan din ako ng sarili kong ama at inagaw niya ang lahat ng kapangyarihan mula sa akin.
Sa kabila ng lahat ay patuloy pa rin akong kumikilos laban sa aking mga kapatid. Hanggang sa nabatid ko mula kay Nuno Imaw ang isang liham na hinahabilin ng aking ina para sa akin bago siya namatay. Nang makuha ko ang liham mula kay Gurna at binasa ang nilalaman nito ay doon ko napagtanto ang lahat ng aking pagkakamali. Dahil sa pagkamulat sa katotohanan ay agad akong nagbalik-loob sa aking mga kapatid at humihingi ng isang kapatawaran. Subalit kung sino pa sa kanila ang nakaranas ng sobrang pasakit at pagtataksil mula sa akin, ay siya pang unang nagbukas ng kanyang bisig para ako ay muling tanggapin. Siya si Amihan, ang aking kapatid na dati ay labis kong kinamuhian at inagawan ng karapatan bilang reyna ng Lireo. Ganun din ang ginawa ni Alena ngunit natagalan pa bago ako tuluyang napatawad ni Danaya at ng aking anak na si Mira.
At gaya ng matagal na hiling ng aming yumaong ina ay muling nagkabuklod-buklod kaming magkakapatid ngunit ito ay pinutol agad ng isang masaklap na sitwasyon. Sapagkat isa sa amin ang kailangan magsakripisyo ng kanyang buhay para malabanan ang mga Hadezar na pinamunuan ng aking ama. Bilang karapatdapat na reyna ay walang pag-atubiling ibinuwis ni Amihan ang kanyang buhay para iligtas ang buong Encantadia. Isang bagay na hindi ko kayang gawin para sa aking nasasakupan sa mga panahong iyon.
Dahil sa naganap ay nawalan ako ng pagkakataon para makabawi man lang sa lahat ng aking mga kasalanan kay Amihan. Kaya hinihiling ko na sana ay pwede ko ibalik ang mga sandaling kumpleto pa kaming apat na magkakapatid nang sa ganun ay maitama ko ang lahat. Subalit lumipas na ang mga araw na yun at hindi na kailanman maibabalik pa. Sa ngayon ay tuluyan ko nang nabago ang aking sarili sa gabay ng aking anak at natitira na dalawang kapatid. Ngunit paminsan-minsan ay inuusig pa rin ako ng aking konsensya at masamang nakaraan.
Palasyo Ng Lireo
Naabutan ni Danaya si Hara Alena sa may silid dasalan ng Lireo habang nakatingin ito sa hologram ni Amihan.
Danaya: Ideya Alena, bakit tila pinagmamasdan mong maigi ang rebulto ng ating yumaong kapatid? (while she walk closer to her sister)
Alena: Wala Danaya. Naalala ko lang si Amihan at ang lahat ng kanyang mga nagawa para sa Encantadia.
Danaya: Matagal-tagal na rin simula ng huling dumalaw ang ivtre ni Amihan dito sa Lireo. Kumusta na kaya siya?
Alena: Siguro masaya na siya ngayon sa Devas kasama ng iba nating yumaon na mahal sa buhay.
YOU ARE READING
Encantadia: The Revival Of Amihan
AdventureAfter her relative absence during the remaining part of the TV series, Amihan is back to save the Encantadia from advancing apocalypse. In ancient times, seeress Erenia had transferred all her visions of the future inside the magical artifact called...