Sa wakas ay nagkita na ulit ang mag-ina na Amihan at Lira kasama ang inaanak nito na si Mira. Ito ay matapos nailigtas ng luntaei ang dalawa mula sa hagupit ng Enchantè Brashta ng hangin na si Habagat. Dahil sa labis na pananabik at pangungulila sa ina, parehong niyakap nina Mira at Lira si Amihan nang napakahigpit habang napaluha pa ang mga ito sa sobrang tuwa. Kaya lang pawang rebulto ang luntaei na niyakap ng dalawang sang'gre, at hindi man lang ito gumanti ng akap sa kanila. At di nagtagal, itinulak ni Amihan sina Mira at Lira ng dahan-dahan palayo sa katawan niya.
Amihan: Tama na. Hindi kayo dapat umiyak dahil nagpapakita lang yan ng inyong kahinaan. (then she stand up in front of them)
Lira: Bakit may kakaiba sa'yo, nay? Tila ba nanglalamig ka na ngayon sa amin ni Mira, na para bang hindi ka masaya na muli kaming makita. (as they shed some tears and stand together)
Mira: Gayon din ang nadarama ko ina. May bumabagabag ba sa'yo?
Amihan: Wala. Pero hindi kayo dapat nandito. Masyadong mapanganib. (then she turns back)
Lira: Nay, lumakas na po kami ni Mira. Sa katunayan ay may nadiskubre na po kaming mga bagong kapangyarihan na makakatulong sa pagliligtas ni itay.
Mira: Totoo yan, Ina. Kaya na namin makipagsabayan sa labanan.
Lira: At tiyak na matulungan ka namin sa iyong misyon, Nay.
Amihan: Ssheda! Mga sarili niyo nga hindi ninyo kayang ipagtanggol sa brashta na sumugod sa inyo. Paano pa kaya kung papasok kayo sa mga dungeon. Kung saan di hamak na mas malakas sila doon kaysa dito. (then she take 5 steps forward and stop)
Lira: Pero, Nay.
Amihan: Bumalik nalang kayo ng Lireo kaysa ipagpilitan ninyong gawin ang mga bagay na hindi niyo kaya.
Mira: Ina?
Gumuhit ng pintuan si Amihan sa kanyang harapan gamit ang banal na brilyante ng liwanag. Pagkatapos ay bumukas ang isang lagusan sa loob nito. Tapos humarap siya ulit sa kanila.
Amihan: Sa pag-alis ko. Pumasok kayong dalawa sa pintuan at dadalhin kayo nito ng ligtas pauwi sa Lireo. (as she put the anima sword at her back)
Lira: Nay. Gusto naming sumama para makatulong sa'yo.
Amihan: Huwag na! Magiging sagabal lang kayo pareho sa aking misyon. (then she quickly fade in thin air)
Lira: Bakit ganun? Kung kailan inakala natin na matamasa muli ang mainit na yakap niya, at madama ulit ang taimtim na pagmamahal ng isang ina. Hindi ko lubos akalain na nagbago na si Inay. Ibang-iba na ang pakikitungo niya sa atin. Tapos kasalukuyan pang nasa panganib ang buhay ni itay. Ang saklap-saklap naman nito. (as she drown with tears and sadness)
Mira: Maging ako hindi ko lubos maisip na magkaganun si Ina. Kung sino pa yung mahal natin, sila pa yung madalas na nakapagdulot ng kalungkutan sa ating mga puso. Pero huwag kang mag-alala Lira, nandito lang ako palagi sa tabi mo. Hindi kita iiwan at pababayaan. Pangako yan. (then she comfort her with warmth and tight hug)
Makalipas ang isa at kalahating minuto...
Lira: Salamat beshie, huh. Di mo lang alam kung gaano mo binawasan ang lungkot na nadama ko ngayon.
Mira: Huwag mong isipin yan. Ginawa ko lang ang ginawa mo sa tuwing malulungkot ako. Isa pa, pareho lang tayo ng naramdaman dahil siya din ang kinalakihan kong ina na unang nagmahal at nag-aruga sa akin. Kaya labis din akong nalungkot sa pagbabago na naganap sa kanya. (as she gently rub Lira's back)
Lira: Okay na ako, beshie. Maraming salamat. Ei corrie diu. (as she gently smile)
Mira: Ei corrie diu, Lira.
YOU ARE READING
Encantadia: The Revival Of Amihan
AdventureAfter her relative absence during the remaining part of the TV series, Amihan is back to save the Encantadia from advancing apocalypse. In ancient times, seeress Erenia had transferred all her visions of the future inside the magical artifact called...