Chapter 28: Adhara Redemption

318 12 0
                                    

Nahirapan si Amihan sa kanyang pakikipaglaban kay Adhara dahil sa taglay nitong shadow crest – isa sa apat na marka ng kadiliman o dark power tattoo na nakaukit sa kanyang kaliwang palad. Kaya may kakayahan itong gumawa ng mga clone, shadow teleportation, manipulahin ang mga anino o ikubli dito ang kanyang sarili. Subalit, nang dahil sa sensura ability ay nagawang tukuyin ni Amihan ang kinaroonan ng tunay na Adhara, at natamaan niya ng limang palaso ang katawan ng huli.

Amihan: Hangga’t ramdam ka ng hangin. Hindi mo maikubli ang iyong sarili. (as she opened her eyes)

Adhara: Inakala mo ba ay wagi ka na? Pwes mali ka! (she remove the arrows from her body while she catches her breath)

Amihan: Tanggapin mo na ang iyong pagkatalo. Dahil kung hindi..(she get interrupted)

Adhara: Kung hindi ano? (as her body perform black regeneration itself to fix her wound)

Amihan: Mapilitan akong gawin ang dapat gawin – ang paslangin ka nang sa gayon ay tuluyan ng maglaho ang buo mong pag-iral.

Adhara: Isa akong ajinde brashta, Amihan. Kaya hindi ako magawang paslangin ng isang buhay na nilalang – kahit isa ka pang luntaei. (as she pick herself up)

Amihan: Kaya kong taglayin ang katangian ng isang ivtre para magawa kitang paslangin.

Adhara: At sa palagay mo ay magagawa mo yan ng ganun-ganun lang?! (then she throw the umbra sword to Amihan)

Napahakbang ng tatlong beses paatras si Amihan para iwasan ang espada ni Adhara na ngayon ay nakatayo sa lupa.

Adhara: “Umbra trinity, unifier dark circles! (as she put her left palm in the ground)

Lumitaw ang tatlong dark circles sa ilalim ng mga paa ni Amihan, Adhara, at sa kinatayuan ng espada.

Amihan: Tanakreshna! Hindi ako makagalaw. (as the dark circle pinned her down)

Magkasabay na hinigop ng itim na sirkulo ang anino ni Amihan at ang poot na nagmula sa puso ni Adhara. Tapos ay naisalin ang mga ito sa loob ng umbra sword, at bumigkas ng mga kataga ang huli.

Adhara: “Nilalang mula sa hibla ng kadiliman, buuhin mo ang iyong sarili, Zelda!” (as she fully activate the dark circles using her crest)

Amihan: Ang kanyang sandata! (as she can move again, then use reverse air dash to pull back)

Biglang nagbago ang wangis ng umbra sword, at unti-unting nabuo sa kanilang harapan ang itim na nilalang na kapareho ang hubog sa katawan ni Amihan. Tulad ng isang anino ay di maaninag ang kanyang mukha maliban sa mga mata nito na kulay pula, at taglay niya ang isang napakasamang aura ng kadiliman.

Amihan: Hindi ito maganda. (then she quickly pull her bow to shoot two arrows of light toward the sky)

Lumipad ang mga palaso sa ibabaw ng maiitim na ulap kung saan maaliwalas ang kalangitan, at pinanatili niya ito roon upang humigop ng mga positibong enerhiya.

Adhara: Mali ang pinatamaan mo, Amihan.

Amihan: Sinubukan ko lang alisin ang nakakadismaya na mga ulap sa itaas. Pero tila kaakibat sila ng iyong kapangyarihan. (then she revert her weapon back to anima sword)

Adhara: Mabuti alam mo. Ngayon, harapin mo ang materyalisasyon ng aking poot at galit sa mga diwata. Zelda! (as she command her to attack)

Zelda: Hahahaha. Humanda ka, anak ni Minea! (she laugh sadistically, then use air dash to attack)

Amihan: Yan ang..! (as she noticed the dark entity used her speedy move – air dash)

Zelda: …! (as she reached in front of Amihan, then smash her sword made of dark energy)

Encantadia: The Revival Of AmihanWhere stories live. Discover now