Lumikha ng isang duplesi o kambal-wangis ni Amihan ang guardian of prophecy na si Rujia gamit ang oracle crystal ayon sa nais ni Bathalang Arde. At binigyan din niya ito ng sapat na kaalaman mula sa kristal kung paano gamitin ang kanyang sibat at kapangyarihan. Siya ay tinaguriang makina ng pagpaslang, black Amihan at tagatugis ng mga diwata.
Samantala, naramdaman ni Amihan na may kakaibang nangyari sa kanyang sarili na di niya maipaliwanag, dahilan kaya naging transparent ang buo niyang katawan.
Amihan: Bakit unti-unti akong nanghina, at ano ang nangyari sa aking katawan, Lumina? (she asked her spirit-guide)
Lumina: Sapagkat hinayaan mo na higupin ng sandata ni Adhara ang iyong anino.
Amihan: Anong sabi mo?
Lumina: Wala ka bang naalala sa mga nangyari noong huling bahagi ng laban ninyo ni Adhara?
Amihan: Huh. (then she recalls what happened)
{ Flashback:
Adhara: At sa palagay mo ay magagawa mo yan ng ganun-ganun lang?! (then she throw the umbra sword to her)
Napahakbang ng tatlong beses paatras si Amihan para iwasan ang espada ni Adhara na ngayon ay nakatayo sa lupa.
Adhara: “Umbra trinity, unifier dark circles! (as she put her left palm in the ground)
Lumitaw ang tatlong dark circles sa ilalim ng mga paa ni Amihan, Adhara, at sa kinatayuan ng espada.
Amihan: Tanakreshna! Hindi ako makagalaw. (as the dark circle pinned her down)
Magkasabay na hinigop ng itim na sirkulo ang anino ni Amihan at ang poot na nagmula sa puso ni Adhara. Tapos ay naisalin ang mga ito sa loob ng umbra sword, at bumigkas ng mga kataga ang huli.
Adhara: “Nilalang mula sa hibla ng kadiliman, buuhin mo ang iyong sarili, Zelda!” (as she fully activate the dark circles using her crest)
Amihan: Ang kanyang sandata! (as she can move again, then use reverse air dash to pull back)
Biglang nagbago ang wangis ng umbra sword, at unti-unting nabuo sa kanilang harapan ang itim na nilalang.
Flashback, End! }
Amihan: Tanakreshna! Ang nilalang na yun na tinawag ni Adhara na Zelda. Nabuo ang kanyang katawan sa loob ng dungeon dahil sa aking anino, at nakita ko, hinila siya ng isang itim na lagusan bago siya tuluyang napuksa ng aking hemel pfeile. Pero bakit hindi ko agad ito napansin at naramdaman?
Lumina: Dahil nasa loob ka pa ng dungeon nang mangyari yun, at ngayon ay nasa Encantadia na rin ang masamang diwa ni Zelda na nagnakaw ng iyong anino. Kaya kailangan mo siyang hanapin.
Amihan: Yan mismo ang aking gagawin.
Lumina: Bilisan mo Amihan. Bago pa mahuli ang lahat.
Lumipad si Amihan para hanapin ang sarili niyang duplesi na kumuha ng kanyang anino. Ang dahilan kaya unti-unting humina ang kanyang pisikal na lakas at katawan.
North-Eastern Adamya
Nakaharap na ni Zelda ang tatlong magkakapatid na sang’gre sa lugar na malapit sa hangganan ng Lireo at Adamya. Ito ay isang isolated desert na napalibutan ng mga bundok sa silangan at kanluran, masukal na kagubatan naman sa timog at malawak na sakahan sa hilaga na alternatibong daanan mula Lireo papasok ng Adamya. Samantala, matapos ang palitan ng malulutong na salita ay magsisimula na ang kanilang laban.
Zelda: Humanda kayong lahat! (as she descend too fast while pointing her tres ordù spear forward)
Pirena: Alena, ang kalasag ng tubig! (she told her)
YOU ARE READING
Encantadia: The Revival Of Amihan
AventuraAfter her relative absence during the remaining part of the TV series, Amihan is back to save the Encantadia from advancing apocalypse. In ancient times, seeress Erenia had transferred all her visions of the future inside the magical artifact called...