Natagpuan nina Hara Alena at Danaya ang mapaminsalang argona sa hilagang bahagi ng Lireo. Subalit nahirapan silang labanan ito dahil sa bilis nitong lumipad, kaya umisip sila ng paraan.
Danaya: Ano ang naisip mong paraan para matalo natin ang argona na ito.
Alena: Ang kambal diwa sa brilyante ng hangin na si Aera, tiyak matutulungan niya tayo.
Danaya: Sigurado ka jan, hara?
Alena: Nakakatiyak ako, at kung mamarapatin mo ay pahiram sandali sa brilyante ni Amihan.
Danaya: Heto na. Ipaubaya ko sa'yo. (she handed the air gem to Hara Alena)
Patuloy na umatake ang argona para wasakin ang pananggalang na gawa sa tubig. Kaya nang mapasakamay ni Alena ang brilyante ng hangin ay agad niyang isinamo ang kambal diwa nito na si Aera.
Alena: "Ikumpas mo ang espada ng hangin, lumabas ka Aera!"
Lumitaw ang magic circle ng hangin sa harapan ng brilyante na nakatutok sa kanang bahagi ng katawan ni Alena, at lumabas si Aera.
Aera: Isang magandang araw sa'yo, aking panginoon.
Danaya: Ano ang ikinagaganda ng araw kung nasa panganib ang aming mga buhay?
Aera: Ang sungit naman ng isang ito.
Alena: Aera, batid mo naman siguro kung bakit kita isinamo?
Aera: Mautak kaya ako. Kaya alam ko na may ipapagawa ka sa akin. Gusto mo akong ipain sa argona na yan, hindi ba?
Alena: Ssheda. Pero kailangan namin ang iyong tulong dahil alam namin na ikaw lang ang may kakayahan na lumaban sa ere.
Aera: Ganyan naman kayong mga Sang'gre, palagi nalang umaasa sa aming kapangyarihan. Kailan pa kaya kayo matututo?
Danaya: May ugali talaga ang kambal diwa na'to. (she whispered)
Alena: Pakiusap Aera. Pakinggan mo ang aking hiling. Labanan mo ang argona na yan.
Aera: Nakakatakot ang nais mong ipapagawa sa akin. Bakit ba kasi kung sino ang may hawak sa aking tahanan ay palagi nalang nasasangkot sa kaguluhan?
Danaya: Ang dami pang reklamo ng isang ito. Hindi naman lang sumunod. (she whispered again)
Alena: Sundin mo ang aking iniutos. Huwag na matigas ang ulo.
Aera: Sya. Palabasin mo na ako mula sa pananggalang na ito, panginoon. Turuan ko ng aral ang isang yan.
Hinarap ni Aera ang isang mabangis na argona, at agad siya nitong binugahan ng apoy. Kaya gumawa siya ng ipo-ipo para protektahan ang kanyang sarili.
Aera: Gusto mo talaga ng laban. Pagbibigyan kita. (she levitate upward)
Muling nag-ipon ng enerhiya sa kanyang bibig ang argona para bumuga ng apoy, kaya ginamit ni Aera ang atmospheric pressure sa hangin para makabuo ng isang bola ng kidlat. Sinabayan ni Aera ang pag-atake ng argona ngunit dinaig ng fireball ang kanyang atake. Kaya gumamit ng evictus si Aera para hindi siya matamaan sa bola ng apoy, at sumulpot siya sa ibabaw ng argona sabay pakawala ng whirlwind kick na naging dahilan para mauntog ang ulo nito. Pagkatapos ay umatras si Aera palayo sa argona.
Aera: Nagustuhan mo ba ang aking ginawa?
Danaya: Gaya ng inaasahan, matibay talaga ang argona na yan batay sa kanyang wangis.
Alena: Dahil hindi siya pangkaraniwang argona, Danaya.
Danaya: Yan din ang unang tingin ko sa kanya.
YOU ARE READING
Encantadia: The Revival Of Amihan
AdventureAfter her relative absence during the remaining part of the TV series, Amihan is back to save the Encantadia from advancing apocalypse. In ancient times, seeress Erenia had transferred all her visions of the future inside the magical artifact called...