Nakarating na sina Raquim at Amihan sa tarangkahan ng realidad at oras para sa isang pagsasanay.
Raquim: Nandito na tayo.
Amihan: Ngunit paano natin ito mabubuksan?
Raquim: Minsan na akong nakapasok dito, kaya alam ko.
Amihan: Sa labas palang ng tarangkahang ito ay naramdaman kong may kakaiba sa loob nito.
Raquim: Isa nga itong kakaiba at mahiwagang silid kaya huwag kang magugulat sa mangyayari kung nasa loob na tayo.
Amihan: Nakahanda na ako, ama.
Bumigkas si Raquim ng mga kataga para buksan ang tarangkahang hindi na kailangan pang gamitan ng susi.
Raquim: "Tiempo Balhala, Voyanazar!"
Ilang sandali lamang ay bumuka na ang pintuan ng realidad at oras kung saan sumalubong kina Amihan ang napakatalas na liwanag. Pagkatapos ay namulat sila sa isang kakaibang lugar na iba na ang kanilang kasuotan.
Raquim: Ito ang Balhala, Amihan - ang silid ng realidad at oras.
Amihan: Isa ba itong mundo ng panaginip, ama?
Raquim: Bakit mo naman nasabi yan?
Amihan: Ang aking asul na gayak pandigma bilang tagapangalaga sa brilyante ng hangin ay taglay ko dito, at ang pakiramdam na ito ay katulad na katulad noong ako ay nabubuhay pa.
Raquim: Hindi ito isang panaginip. Kundi ang realidad ng iyong katauhan noong ikaw ay nabubuhay pa.
Amihan: Pero paano ito nangyari?
Raquim: Pagkatapos nating nakatawid sa tarangkahan ay napunta tayo sa lugar na ito, at sumanib ka sa dati mong katauhan bilang asul na sang'gre. Ang lahat ng pangyayaring ito ay kagagawan ni Jinra.
Amihan: Jinra?
Raquim: Si Jinra - ang Empress of Time & Reality, ang namahala sa lugar na ito.
Amihan: Hindi ba siya magpakita sa atin?
Raquim: Magpapakita lang siya kung kailan niya gusto.
Amihan: Noong una kang pumasok dito. Nakaharap mo ba siya, ama?
Raquim: Hindi. Pero ayon kay Bathalang Emre, magpapakita lang daw si Jinra sa mga mandirigma na magsasanay dito kung may taglay itong lakas at kapangyarihan na nararapat sa kanyang paghamon.
Amihan: Ganun ba. Pero kung ito nga ang realidad na yun. Hindi na nakapagtaka kung bakit hawak ko ngayon ang arkrey. At dapat taglay ko rin ang brilyante ng hangin. (she tried to bring forth the air gem)
Raquim: Anong problema, Amihan?
Amihan: Bakit wala sa akin ang brilyante ng Hangin? Batid ko naman na hindi siya nawalay sa akin noong ako ay nabubuhay pa.
Raquim: Marahil ay kagustuhan din ni Bathalang Emre na magsasanay ka na wala ang brilyante ng hangin.
Amihan: Siguro ay tama ka, ama. Pero talagang kakaiba ang lugar na ito. Kahit hindi ko taglay ang brilyante ay kaya ko pa rin kontrolin ang kapangyarihan ng hangin. (as the wind swirl around her)
Raquim: Ang kaibahan lang ay hindi ka pwede gumawa ng isang incantation para sa isang kahilingan kung hindi mo hawak ang brilyante ng hangin.
Amihan: Hindi bale na. Ang mas mahalaga ay kaya ko pa rin utusan ang hangin na umatake at protektahan ang aking sarili. Isa pa, ang daming spirit particle na bumabalot sa lugar na ito.
Raquim: Tama ka. Tiyak na mapakinabangan mo sa pagsasanay ang mga spirit particle na nasa ating paligid.
Amihan: Anong ibig sabihin ng mga buhanging orasan na yan?
YOU ARE READING
Encantadia: The Revival Of Amihan
AdventureAfter her relative absence during the remaining part of the TV series, Amihan is back to save the Encantadia from advancing apocalypse. In ancient times, seeress Erenia had transferred all her visions of the future inside the magical artifact called...