Chapter 2: Old Pirena Is Gone

1.2K 28 8
                                    

Kusang lumabas mula sa palad ni Pirena ang brilyante ng apoy kasama ang kambal diwa nito na si Alipato, at agad niyang inatake si Mira. Kaya ganun nalang katindi ang pagnanais ni Pirena na lumaban upang protektahan ang kanyang anak.

Pirena: Simulan na natin 'to. (she initiate the attack)

Nilabanan ni Pirena si Alipato gamit ang dalawa niyang sandata. Ngunit di nagtagal ay na off-balance si Pirena kaya naisaklay niya sa lupa ang espada na nasa kanang kamay niya, at bumaon ang dulo nito. Pagkatapos muntik pa matamaan ni Alipato ang kanang kamay ni Pirena, kaya naiwan ng huli ang isa niyang espada na nakatarak sa lupa habang napaatras siya para makaiwas.

Pirena: Pashnea ka!

Mabilis na sumugod muli si Pirena gamit ang isang espada ngunit nahawakan ni Alipato ang kaliwang kamay niya na may hawak nito. Pagkatapos ay wasiwasan na sana niya ang katawan ni Pirena pero ginamit ni Mira ang kanyang espada.

Mira: Ssheda! (she slam her sword in the ground)

Kumawala ang isang shockwave na sanhi ng puwersang nagmula sa espada ni Mira. Kaya tumilapon si Alipato at bumagsak sa lupa.

Mira: Ina, pulutin mo na ang iyong sandata. (she drag her sword back from the ground)

Kumilos agad si Pirena at pinulot niya ang isa niyang sandata bago siya nag-evictus patungo sa tabi ni Mira.

Pirena: Magaling ang ginawa mo, Mira. (then she reunify her two swords)

Mira: Sabi ko naman sa'yo ina, hindi ako maging pabigat sa'yo.

Pirena: Alam ko naman yan. Pero hindi mo maiaalis sa akin ang mag-alala sa'yo.

Mira: Batid ko yan, ina. Avisala eshma. Subalit kailangan ko rin patunayan sa'yo na kaya din kita ipagtanggol.

Pirena: Kung ganun, mag-iingat ka.

Mira: Masusunod, ina.

Pirena: Estasectu!

Alipato: Kahanga-hanga talaga ang ugnayan ninyong mag-ina sa kabila ng inyong mga pinagdaanan. (while he slowly pick himself up)

Pirena: Nauntog ka siguro ng husto kaya naisipan mo ng magsalita.

Alipato: Ang dami mong satsat, Pirena.

Pirena: Tinatawag mo ako sa aking ngalan? Baka nakalimutan mo, ako ang iyong panginoon.

Alipato: Hindi na ngayon.

Pirena: Tanakresha! Bakit hindi mo na ako kilalaning panginoon kung hawak ko pa rin ang brilyante na iyong tahanan?

Alipato: hahaha. Hanggang sa mga sandali na ito ay hindi mo pa rin napansin na wala na sa iyong pangangalaga ang brilyante ng apoy.

Pirena: Niloloko mo ba ako? (she open up her right palm)

Mira: Walang brilyante na lumalabas sa iyong palad, ina.

Pirena: Pashnea! Anong uri ng kaganapan ito? Saan napunta ang brilyante ng apoy?

Alipato: Ginamit ko ang aking tahanan bilang aking katawang lupa. Kaya pwede ako pansamantalang mabuhay ng malaya na walang sinusunod na tagapangalaga kagaya ng isang likas na nilalang. Ako mismo, ang brilyante ng apoy! (he wrap his entire body with blazing fire)

Gem Transfiguration - ang pagwawangis nilalang ng isang brilyante sa pamamagitan ng kambal diwa nito.

Pirena: Sabihin mo sa akin. Paano mo nagawa yan, Alipato? (she gets intimidated)

Alipato: Hindi mo na kailangan malaman pa. (he disappear from Pirena's sight to attack)

Sumulpot si Alipato sa blindspot ni Pirena, at sinuntok niya ito gamit ang fire punch kaya tumilapon ang huli.

Encantadia: The Revival Of AmihanWhere stories live. Discover now