Chapter 4: The Pirena's Dark Soul

937 28 0
                                    

Nang makabalik na sina Hara Alena, Danaya at Mira sa palasyo ng Lireo ay nandun na rin sina Muros at Aquil. Pinauna ni Hara Alena sina Danaya at Mira sa loob ng silid ni Pirena dahil may inasikaso pa siya sandali sa may bulwagan.

Muros: Ano ang nangyari sa mga kawal na yan, mahal na reyna?

Alena: Napatay sila habang hinarap namin ang argona na naminsala sa mga bukirin. Pero maiba lang ako Muros, kumusta na ang inutos ko sa inyo?

Muros: Maayos na po ang lahat, mahal na reyna. Labis nilang ikinatutuwa ang mabilis mong pagtugon, at malaki din ang kanilang pasasalamat sa mga tulong na ipinagkaloob natin sa kanila.

Alena: Mainam kung ganun. Ngunit may isa pa akong ipapagawa sa inyo ni Aquil.

Aquil: Ano yan mahal na reyna?

Alena: Gusto ko pangunahan ninyong dalawa ni Muros ang paghatid ng mga nasawing kawal sa kani-kanilang pamilya. At ibigay ninyo kung ano mang tulong na kakailanganin nila.

Aquil: Masusunod mahal na reyna.

Alena: Kung ganun. Makakalis na kayo.

Muros/Aquil: Ngayon din. (they bow down to Hara Alena before leaving)

Pagkatapos ay pumunta na si Hara Alena sa loob ng silid ni Pirena, kung saan naroon sina Danaya, Mira, Imaw at ilang mga dama.

Alena: Kumusta na si Pirena?

Danaya: Matapos ko na siyang gamutin. Subalit kailangan niyang magpahinga para makabawi ng sapat na lakas.

Alena: Mabuti naman kung ganun. Pero ano ba talaga ang nangyari sa kanya, aking hadeya?

Imaw: Yan nga mismo ang tanong ko sa kanya kanina.

Mira: Ganito kasi ang nangyari, ashti hara..

Ipinaliwanag ng mabuti ni Mira sa kanyang mga ashti at Nuno Imaw ang naganap sa kanila ng kanyang ina.

Danaya: Kung ganun ay sinubukan lang pala ng kanyang brilyante si Pirena.

Mira: Yan ang binanggit ni ina sa akin bago siya nawalan ng malay.

Alena: Sinusukat siguro ng kanyang brilyante kung hanggang saan ang kayang ibigay ni Pirena para hindi na muling malihis ng landas.

Imaw: Tama. Dahil ang bawat brilyante ay may sarili din silang katauhan at kakayahan na alamin ang saloobin ng kanyang tagapangalaga. Napansin siguro ni Alipato na may pagdududa pa rin si Pirena tungkol sa kanyang sarili, kaya minarapat nito na siya ay subukan.

Alena: Ako'y labis na natutuwa sapagkat wala ng ibang laman ang puso't isipan ni Pirena kundi purong kabutihan na lamang.

Imaw: Syang tunay, mahal na hara.

Danaya: Binabati ka namin, apwe. (she speaks to sleeping Pirena while looking at her)

Alena: Mahimbing ang tulog ni Pirena. Mas mabuti pa siguro, kung iiwan nalang muna natin siya dito para makapagpahinga ng husto.

Danaya: Buti pa nga. Kaya Mira, hayaan nalang muna natin magpahinga ang iyong ina, at sabay na tayo lumabas.

Mira: Susunod ako, ashti.

Lumabas na sina Hara Alena, Danaya at Imaw patungo sa bulwagan ng Lireo, at sumunod rin agad si Mira doon kaya si Pirena nalang ang naiwan mag-isa. Ngunit di nagtagal ay pumasok si Arde bilang isang itim na usok sa loob ng silid ni Pirena bago siya bumalik sa tunay niyang wangis.

Arde: Ito na ang tamang oras para humiwalay ka sa katawan na yan. Itim na bahagi ng ivtre at diwa ni Pirena. Lumapit ka sa akin. (while he uses his power to extract the dark fragment of Pirena's soul)

Encantadia: The Revival Of AmihanWhere stories live. Discover now