Ginamit ni Hinami ang magical ranta ability para makipagpalit ng lugar kay Zelda sa gitna ng kanilang laban. Kaya natamaan ang huli ng sarili niyang sibat na siya mismo ang humagis, at napuruhan siya sa pagsabog ng el crusada spearhead nito. Ngunit habang napalibutan siya ng makakapal na usok, isinasagawa ng katawan niya ang black regeneration sa pamamagitan ng mga itim na retre, at may napansin siya sa kanyang kaliwang palad.
Zelda: Sandali lang! Kung tama ang aking hinala. Tila alam ko ang sirkulong ito. (she wondering, as she noticed the glowing ranta seal on her left palm)
Naalala ni Zelda ang unang pagkakataon nang naramdaman niya na may hinagis na bato si Hinami sa likod ng kanyang leeg. Tapos natandaan din niya ang pangalawang pagkakataon ng nasalo niya ang enovi stone, ngunit tumama ito ng malakas sa kaliwa niyang palad. Kaya nakabuo siya ng isang tumpak na konklusyon.
Zelda: Tsssk! Akala ko ginawa lang niya ang paghagis ng bato para mas lalo akong inisin. Ito pala ang tunay na dahilan (while tightly looking at the diminishing ranta seal). Ngayon, naintindihan ko na ang nangyari kung bakit kami biglaang nagkapalit ng lugar. (then she rise up while manifesting the tres ordù spear)
Tuluyan ng nawala ang mga usok at alikabok sa buong paligid kaya natatanaw na muli nina Zelda at Hinami ang isa't-isa.
Hinami: Tatlong beses na kitang napabagsak, at heto ka pa rin, walang galos at malusog na nakatayo sa aking harapan. Pero inaasahan ko na ito batay sa katangian na taglay ng iyong kapangyarihan.
Zelda: Ano man ang iyong ginawa kanina. Sigurado ako na hindi mo na mauulit pa. Dahil batid ko na ang paraan na iyong ginamit para makipagpalit ng lugar sa iba.
Hinami: Napag-alaman mo na pala. Subalit...depende pa rin yan kung gaano ka kabilis! (then she quickly throw another enovi stone using her left fingers)
Zelda: Wala na yang silbi! (while pointing her left index finger to the incoming stone)
Kumawala mula sa hintuturo ni Zelda ang laser-liked lightning bolt, at winasak nito ang enovi stone bago pa man ito tumama sa kanya.
Hinami: Tanakreshna! Huling bato na yun na pwede kong gamitin sa labang ito. (she whisper)
Zelda: Ginamit mo ang kakaibang bato para ipuslit sa katawan ng iyong kalaban ang sirkulo ng mahika. At paganahin ito sa akmang sitwasyon upang makipagpalit ka ng lugar.
Hinami: Taliwas sa aking paghusga. Magaling kang mag-isip para matuklasan mo ang sekreto ng ranta.
Zelda: Kung dalawang beses man akong nahulog sa walang kwenta mong paraan at mahika. Natututo na ako kaya hindi mo na pwede ulit-ulitin pa!
Hinami: Marahil ay kailangan ko na baguhin ang aking taktika sa pakikipaglaban.
Zelda: Wala ka ng magagawa. Tapos ka na, Minea! (then she quickly throw the tres ordù spear)
Direktang tumama kay Hinami ang sibat at sumabog ito sa kanyang katawan. Kaya umaapaw ang mga usok at alikabok sa kanyang kinatayuan. Subalit...
Hinami: "all resistances and defenses up, armis impera!" (as she used empress armor enchantment to repel the impact)
Zelda: Pashnea! Paano mo nagawang makatayo pa rin diyan na wala man lang natamo na pinsala?! (as her eyes got bigger in disbelief)
Hinami: Ang aming pinagsamang lakas, kapangyarihan at mahika bilang luntaei at enchantė ng kidlat - ay halos kapantay sa isang bathaluman. (she speak with dual voice again)
Zelda: Kasinungalingan! (she manifest her spear, then angrily flail it sideward)
Hinami: Halika at kami ay iyong muling subukan, nang matikman mo ang tunay na bangis ng pinagsama naming kapangyarihan. (while pointing her orama sword to Zelda)
YOU ARE READING
Encantadia: The Revival Of Amihan
AdventureAfter her relative absence during the remaining part of the TV series, Amihan is back to save the Encantadia from advancing apocalypse. In ancient times, seeress Erenia had transferred all her visions of the future inside the magical artifact called...