Nakabalik na si Amihan sa Encantadia bilang luntaei at buhay na diwata upang iligtas ang mundo mula sa masamang propesiya. Pagkatapos ay agad naman silang nagkita ng kanyang mga kapatid na sang'gre nang iniligtas niya ang mga ito mula sa dambuhalang kubur.
Alena: Amihan! Totoo ba ito? (as she can't totally believed what's in front of them)
Danaya: Sabi ko na nga ba. Ikaw ang luntaei na tinutukoy ni Bathalumang Cassiopea na bababa mula sa Devas.
Pirena: Maligayang pagbabalik sa Encantadia, aming kapatid.
Amihan: ... (she look at her sisters' faces, but she couldn't feel the same excitement as them)
Dahil sa sobrang tuwa ay isa-isang niyakap nina Hara Alena, Pirena at Danaya si Amihan. Ngunit napansin nilang tatlo na hindi man lang ito gumanti ng akap sa kanila na tila ba hindi ito lubos na nagagalak.
Pirena: Bakit kapatid, hindi ka ba masaya na muli kaming makita?
Amihan: Mayroon pa akong mas mahalagang bagay na dapat gawin. (then she turns back, and walk faster away from her sisters)
Danaya: Amihan. Sandali lang!
Sinubukan ni Danaya na habulin si Amihan ngunit bigla itong gumamit ng evictus at mabilis na naglaho.
Danaya: Pashnea! Wala man lang siyang gaanong sinabi sa atin o nangamusta man lang.
Alena: Hayaan mo na, Danaya. Kung ano man ang nangyari sa ating kapatid. Tiyak mayroon siyang mabigat na dahilan. Kaya intindihin nalang natin.
Pirena: Ang mahalaga ay bumalik siya. Kaya dapat tayong matuwa kahit pa sabihing may nagbago na sa kanya.
Alena: Kung hindi ako nagkamali. Iba ang ating misyon, sa misyon ni Amihan. Kaya siguro minarapat niya na humiwalay sa atin.
Danaya: Pero hindi ko pa rin lubos maisip na nagbago na talaga ang ating kapatid. Pakiramdam ko ang layo niya sa Amihan na kilala natin.
Pirena: Napansin ko rin yan. Ngunit umaasa nalang tayo na babalik din siya sa dati.
Alena: Tama na yan, Danaya. Kailangan na natin umalis dito.
Patuloy pa rin sa kanilang paglalakbay ang tatlong magkakapatid. Ngunit ngayon ay medyo panatag na ang kanilang loob dahil sa pagdating ni Amihan sa Encantadia. Kahit na may nagbago pa sa sariling katauhan nito.
Lupain Ng Hathoria
Ilang oras ang lumipas simula nang iniwan ni Amihan ang kanyang mga kapatid, nakarating siya sa mala-disyertong bahagi ng Hathoria sa gabay ni Lumina.
Lumina: Limampung hakbang pakaliwa mula dito ay marating mo na ang isang tribu na naging biktima ni Celestia Sanctre. (she speak from domain of light located at Amihan's subconscious)
Amihan: Nakita ko na. (then she double up his walking speed to reach the said area)
Lumina: Sandali lang, Amihan. Nakaramdam ako ng malakas na kapangyarihan malapit sa lugar na yan. Mas mabuti pa seguro ay mag-iba muna tayo ng landas.
Amihan: Hindi ako duwag para umiwas. (as she continue to move forward)
Bago pa man narating ni Amihan ang lugar na tinutukoy ni Lumina ay gumalaw ng napakabilis ang mga ulap sa kalangitan, at biglang nagbago ang lagay ng panahon. Hindi nagtagal ay kumulog ng napakalakas at isang mapaminsalang kidlat ang tumama sa harapan ni Amihan. Kaya napuno ng usok at mga alikabok ang daraanan.
Amihan: ??... (she can see nothing but a swirling dust)
Nang unti-unting mawala ang mga alikabok sa kanyang harapan ay dahan-dahang tumambad kay Amihan ang isang nilalang. Ito ay kawangis at kamukhang-kamukha ni Minea noong ito ay diwani pa lamang. Ngunit iba ang taglay nitong gayak sapagkat meron itong pinaghalong kulay lila at puting kasuotan na nagsilbing baluti sa buong katawan - katulad ng isinuot ni Minea noong nagbalat-kayo siya bilang kalaban ng mga sang'gre sa paligsahan.
YOU ARE READING
Encantadia: The Revival Of Amihan
AventuraAfter her relative absence during the remaining part of the TV series, Amihan is back to save the Encantadia from advancing apocalypse. In ancient times, seeress Erenia had transferred all her visions of the future inside the magical artifact called...