Chapter 35: The Sunken Gateway

259 9 0
                                    

Isinakripisyo ni Hina Lodia ang walumpung taon ng kanyang buhay nang ginamit niya kay Mira at Lira ang universo me imperium – isa sa ipinagbabawal na ekrohan majik. Kaya nagawa ng dalawa na kontrolin ang kanilang mga taal na kapangyarihan, at nailabas ang nakatago nilang mga kakayahan sa pakikipaglaban. Yan din ang dahilan kung bakit natalo nina Mira at Lira ang serbero, ang dambuhalang halimaw na isinamo ni Mithara mula sa Balaak.

Lira: Nakakatuwa naman ‘to. Hindi na tayo napahamak sa ating mga kapangyarihan. Bagkus nagawa na natin itong kontrolin ng lubusan. (as she consciously looking her left open palm)

Mira: Ibig sabihin ay gumana ang mahika na ginamit ni Hina sa atin. (as she reverted back to her original armor form)

Lira: Tumpak.

Subalit matapos ang ilang sandali, isa na namang itim na lagusan ang lumitaw sa kanilang harapan.

Mira: Huwag mo sabihin na..

Lira: Isa na namang kalaban!

Lumabas si Mithara mula sa itim na lagusan hawak ang kanyang mahabang tungkod na hugis letrang-U ang itaas nito.

Mira: Ang nilalang na’to, Lira. (as she quickly recognized Mithara’s identity)

Lira: Teka nakita ka na namin ah. Ikaw yung sumugod at muntik ng nakapaslang sa mga ashti namin.

Mithara: Mabuti at naalala niyo pa ako. Kahit saglit lang tayo nagkaharap sa mga oras na yun.

Lira: Sino ba ang makakalimot sa pananakit mo sa ashti namin. Pashnea ka. Tiyak na pakana mo rin ang pag-atake ng mga yeshra at asong ulol na may tatlong ulo.

Mithara: Ako talaga ang nagpadala sa kanila dito. Pero tila hindi nila kayo kinaya. Nagkamali ako sa aking akala, malakas pala kayo.

Lira: Bumahag nga ang buntot mo nung huli nating paghaharap. Lalo ng wala kang laban sa amin ngayon. Tsugi lang ang aabutin mo.

Mithara: May kayabangan ka din pala magsalita. (she calmly replied)

Mira: Ano ba ang kailangan mo sa amin nilalang, at ikaw ay naparito? (she asked)

Mithara: May hawak kayong isang bagay na nais kong bawiin - ang aklat na nakuha ninyo mula sa enchantè ng apoy.

Mira: Ang ibig mong sabihin ay ang aklat ng mahika na hawak ni Lira.

Mithara: Tama. Kaya ibigay niyo na sa akin at hahayaan ko pa kayong mabuhay.

Lira: Ano ka sinuswerte. Hindi mo makukuha ang aklat ng ekrohan mula sa aking mga kamay.

Mira: Tama si Lira. Hindi namin maaring ibigay sa’yo ang aklat ng mahika na ipinagkatiwala ni Hina sa kanya.

Mithara: Yun bang binabangit mong Hina ay ang enchantè ng kidlat na tumulong sa inyo para labanan si Tana? (she calmly asked)

Mira: Siya nga. Kakilala mo ba siya?

Mithara: Hindi. Pero nagiging balakid na rin siya sa adhikain ng Balaak.

Lira: Para malaman mo. Siya din ang nagbigay ng ganitong marka sa amin. (as she flaunt the wisdom symbol at her right shoulder)

Mithara: Yan ang nyansapo! Kaya pala nagawa nilang talunin ang serbero, at hindi umaayon ang dapat mangyari sa aking inaasahan. Isang malaking kapalpakan ang nagawa mo, Tana. (she whisper as she felt dismayed)

Lira: Bakit bigla kang natigilan jan? Nagbago na ba ang iyong isip at binalak mo nalang umalis?

Mithara: Hmp. Bakit ko naman gagawin yan? Kukunin ko ang aklat ng sapilitan sa ayaw o gusto ninyo. (as she cast 8 gravity balls circling around her staff’s U tip, then she disappear)

Encantadia: The Revival Of AmihanWhere stories live. Discover now