Nang makaalis si Amihan mula sa isang ilusyon ay muli siyang namulat sa loob ng mirage castle, at nakaharap siya sa trono ni Jinra kasama ang ivtre ni Ades.
Jinra: Maligayang pagbabalik, Amihan. Binabati kita sa iyong ginawa. Sa nakita ko ay handang-handa ka na upang gampanan ang misyon na nakaatang sa'yo bilang isang luntaei. (she stand, then step down from her throne as she walk closer to Amihan)
Amihan: Salamat sa lahat, kamahalan. Lalo na sa ilusyon na iyong ginawa.
Jinra: Huwag ka ng magpasalamat. Ang ilusyon na yun ay batay sa iyong hinahangad noong ikaw ay nabubuhay pa. Sa makatuwid, yun ang huwad na katuparan sa matayog mong pinapangarap.
Ades: Naalala mo pa ba ang sinabi mo sa akin noon - ang tungkol sa pangarap mo bilang isang reyna?
Flashback:
Ito ay nangyari sa mga panahon na humarap sa matinding suliranin ang Lireo sa pamumuno ni Amihan. Pagkatapos naipatapon si Danaya sa mundo ng mga tao. Nag-uusap sina Ades at Amihan sa may balcony ng Lireo habang nakatingin ang huli sa malayo na malalim ang iniisip. * (not happened in actual show) *
Amihan: Ang gusto ko lang naman Ades ay magiging patas at mabuting pinuno na may malaking pangarap. Hindi lang para sa aking sarili, kundi para sa lahat ng aking nasasakupan.
Ades: Maaari ko bang malaman ang pangarap na yan, mahal na reyna?
Amihan: Ang pangarap ko'y isang mapayapa at masaganang Encantadia na magkakaisang mamumuhay ang bawat nilalang. Siguro kong darating ang araw na yan, hindi na kakailanganin pa ng mga diwata ang isang reyna, at makakalaya na ako sa aking katungkulan. Sana rin ay mabuo muli kaming magkakapatid at masayang magkasama dito sa loob ng aming tahanan - ang Lireo. Suntok sa buwan ang aking mga pangarap, hindi ba Ades? Pero kung matutupad ang mga yan, ako na marahil ang pinakamasayang nilalang at wala na akong mahihiling pa.
Ades: Walang imposible, mahal na reyna. Basta pagsikapan mo ito, magtiwala ka sa iyong sarili, at huwag kang mawawalan ng pag-asa. Balang araw ay tiyak na makakamit mo rin ang iyong hinahangad kahit gaano pa man kahirap itong abutin.
Amihan: Sana nga, Ades.
Flashback, End!
Amihan: Oo, Ades. Natandaan ko pa. Hindi man yun nagkatotoo. Subalit ako'y nagpapasalamat kay Empress Jinra dahil pinaranas niya sa akin ang katuparan ng dati kong pinapangarap kahit na, sa isang ilusyon lang.
Jinra: Tama na yan, Amihan. Oras na para ibalik kita bilang isang ivtre. Handa ka na ba? (as she positioned herself at the backside of Amihan)
Amihan: Gawin mo na, kamahalan.
Nilagay ni Jinra sa may likod ni Amihan ang kanyang nakabukas na kaliwang palad, at binigkas ang isang enkantasyon.
Jinra: "Separation enchala, whims of reality!"
Naiguhit sa likuran ni Amihan ang isang magic seal, at muling humiwalay sa kanya si Blue Amihan. Pagkatapos ay unti-unting naging transparent ang katawan ng huli.
Blue Amihan: Hanggang sa muli. (as she talked farewell to Amihan with a smile)
Tuluyan ng naglaho si Blue Amihan at sumanib ang bahagi ng diwa nito sa ivtre ni Amihan.
Amihan: Maraming salamat, dati kong sarili. (as she whispered while closing her eyes and holding her chest)
Jinra: Ngayon. Bago kita ipadala ni Ades kay Emre sa anyo ng isang sshedi-vi ay may mga bagay ka na dapat malaman. Ito ay tungkol sa iyong misyon at ekrohan majik. (as she appeared in front of Amihan)
YOU ARE READING
Encantadia: The Revival Of Amihan
AdventureAfter her relative absence during the remaining part of the TV series, Amihan is back to save the Encantadia from advancing apocalypse. In ancient times, seeress Erenia had transferred all her visions of the future inside the magical artifact called...