Chapter 43: The Familiar Foe

278 6 0
                                    

Matagumpay na nakapasok sina Lira, Mira at Hina Lodia sa dungeon of burning sun. Ito ay matapos matalo ng huli ang mga dambuhalang alakdan na nakabantay sa labas ng lagusan. Subalit naubusan ng lakas si Hina dahil sa paggamit niya ng terram inpulsa – isang mataas na antas ng ekrohan na mahika na may matinding balik sa enchantè user nito. Kaya muli siyang nakaranas ng astral projection at paulit-ulit siyang bumagsak sa loob ng dungeon.

Lira: Sabi na nga ba. Hindi maayos ang lagay mo eh.

Mira: May katwiran si Lira. Kaya hayaan mo, na tulungan ka na namin.

Inalalayan nina Mira at Lira na makatayo si Hina mula sa pagkakabagsak nito.

Hina: Gaya ng sabi ko. Huwag kayong mag-aalala dahil napagod lang ako sa ginawa ko kanina.

Lira: Sigurado ka talaga jan?

Hina: Oo naman. Konting pahinga lang ang kailangan, makakabawi na ako ng lakas.

Lira: Okay.

Hina: Pero may isang bagay lang akong hihilingin sa’yo, Lira.

Lira: Ano po yan?

Hina: Ipasok mo ako sa aklat ng ekrohan na hawak mo.

Lira: Hu?! Delikado yan baka hindi ka na makakalabas. Dahil hindi ko pa alam kung paano yan gawin.

Hina: Baka nakalimutan mo na taglay ninyo ang marka ng nyansapo. Yan ang magtuturo sa’yo kung paano ako palalabasin mula sa loob ng aklat sa sandali na nanaisin mo.

Lira: Kung sa bagay. Ngunit bakit mo naman naisipang gawin yan? (as the wisdom knot on her shoulder glows)

Hina: Sapagkat wala na akong sapat na lakas para makipaglaban pa. Kaya ito nalang ang tanging paraan para hindi ako magiging sagabal sa inyo.

Mira: Subalit paano kung hindi kami makakaligtas sa kakaharapin naming laban?

Lira: Oo nga. Kung mangyayari yan. Habambuhay kang makukulong sa loob ng aklat.

Hina: Halos pareho lang naman ang sasapitin nating tatlo kung mabigo kayo. Dahil hindi din kayo makakaalis dito ng buhay. Pero bakit naman ako mag-alala sa bagay na yan? Malaki ang tiwala ko sa kakayahan ninyong dalawa. Hindi ba may nais kayong patunayan sa inyong mga sarili? Ito na ang oras na yun. Ipakita ninyo sa kalaban kung ano ang kaya ninyong gawin. Huwag kayong matakot masugatan at masaktan. Isipin niyo nalang na buhat ng inyong katawan ang alaala ng mga mahal ninyo sa buhay. (while she touches their shoulders as she motivate them)

Lira: Maraming salamat po sa pagpapalakas mo sa aming loob. Gagawin namin ang lahat upang manaig sa laban.

Mira: At asahan mo na hindi ka namin bibiguin.

Hina: Basta tandaan ninyong dalawa. Kahit ano ang mangyari, huwag kayong susuko sa laban. At huwag din ninyong kalimutan na magsilbing liwanag at anino para sa isa’t-isa. Kung patuloy kayong manalig sa inyong kakayahan at palaging lalaban bilang isa, hindi kayo basta madaig ng kahit sino. Naintindihan niyo ba ang nais kong ipabatid? (as she sincerely looking at their eyes)

Mira: Malinaw ang mga sinabi mo sa amin. Tiyak na hindi namin yan kakalimutan.

Hina: Mainam. (as she genuinely smile at them)

Lira: Pero talaga bang buo na ang loob mo sa gagawin natin?

Hina: Ganap na ang aking pasya.

Lira: Ikaw ang masusunod. (then she bring forth the book of magic in her right hand, then let it float in front of Hina)

Lumaki ng limang beses ang aklat at bumuka ang pahina nito na tila isang pintuan.

Hina: Isagawa mo na, Lira.

Encantadia: The Revival Of AmihanWhere stories live. Discover now