Chapter 39: Spirit Of Vengeance

250 8 3
                                    

Dumating si Hina habang nasa dehado na sitwasyon si Amihan dahil sa patuloy nitong pakikipaglaban kay Alon. Ginamitan niya ng impera eques ang luntaei upang palakasin ang nanghihina nitong pisikal na lakas. Ngunit hindi ito naging sapat para maitulak ng husto ni Amihan ang kanyang luzin-ga o bola ng liwanag, at maibalik kay Alon ang dambuhalang bola ng tubig nito na kung tawagin ay tsunami atenti. Dahil dito, iminungkahi ni Hina na palusutin sa bola ng tubig ang luzin-ga para manaig ito. Subalit nagmamatigas si Amihan dahil ayaw niya tumanggap ng mungkahi o tulong mula sa iba. Pero wala na siyang magagawa sa sandaling ito dahil dudurugin siya ng bola ni Alon kung hindi siya kikilos agad. Kaya napilitan siyang sundin ang sinabi ni Hina, at may naisip siya na paraan kung paano gawin ang mungkahi nito.

Amihan: "kapangyarihan ng hangin, balutin mo ng ihip ang bola ng liwanag" (as she command the swirling wind to completely wrap the luzin-ga)

Dahil sa hangin na nakabalot sa bola ng liwanag ay naging sphere ito na umiikot, at unti-unting bumabaon sa dambuhalang bola ng tubig. Pagkatapos ay inutusan ito ni Amihan na tumagos sa gitna papunta kay Alon.

Amihan: "luzin-ga, lumusot ka!" (the ball of light has slowly get through, then it disintegrate the tsunami atenti from within)

Direktang tinamaan ng napakalakas na luzin-ga si Alon at nagkalasug-lasog ang katawan nito dahil sa matinding pagsabog. Ngunit mabilis itong nag-regenerate sa tulong ng tubig dahil sa mahika na regnerum, at dahan-dahan itong gumalaw muli.

Hina: Ang mahika na yan. Kusa nalang gumagana kung kinakailangan para pigilan ang napintong pagkasawi. (as she point out Alon's magical regeneration)

[ regnerum - ito ay nangahulugang near death self-regeneration. Isang high-level ekrohan majik na may kakayahang paghilumin ang naputol o nagkalasug-lasog na katawan, at maibalik ang kalahating porsyento ng lakas nito. Ngunit mangyayari lamang ito kung parehong functional pa rin ang utak at puso ng isang enchantè. Isa itong hidden magic na ang kapalit ay mabawasan ng sampung taon ang buhay ng nilalang na nagtataglay at nailigtas nito. ]

Amihan: Talagang napakatibay mo. Pero sa susunod na gagawin ko, tiyak hindi ka na makakaligtas.

Hina: Ipaubaya mo nalang sa akin ang isang ito. (then she bring forth the fulgora sword on her right hand)

Amihan: Huwag kang makialam! Kaya kong tapusin ang laban na wala ang iyong tulong. (as she flail her sword in front of Hina's chest to stop her)

Hina: Hindi mo maipagkaila ang kasalukuyang estado ng iyong sarili. Dahil batid ko, huling tira mo na yun.

Amihan: Ssheda! Makikita mo na kayang-kaya ko pa. (then she attempt to use esintra, but her golden wings has shattered as she lost her zelta mode)

Dahil tuluyan ng naubos ang lakas ni Amihan, bumalik siya sa kanyang default na anyo bilang luntaei.

Amihan: Masama ito! (as she kneel down mid-air while deeply breathing due to exhaustion)

Hina: Kailangan mong tanggapin na hanggang diyan ka nalang. At sa ayaw mo din o gusto, mapasaakin ang susi sa brashta na yan gaya ng ating napagkasunduan. (then she use flashing evictus to disappear)

Amihan: Pashnea! (as she felt dismay to herself)

Sumulpot si Hina 50 feet ang taas mula sa kinaroonan ni Alon habang dahan-dahang tumayo ang huli, at itninuon niya ang kanyang espada sa makapal na ulap para magsamo ng kidlat.

Hina: "blitz of thirty-seven lightning, rai-gurè!" (then a devastating thunder bolts unleash from the dark clouds)

Tumama kay Alon ang tatlumpu't-pitong mapaminsalang kidlat na may lakas na 5,000 volts ang bawat isa. Kaya hindi na ito nagkaroon pa ng pagkakataon na lumaban muli dahil natusta ng husto ang kanyang buong katawan, at bumagsak siya sa ibabaw ng tubig na wala ng buhay.

Encantadia: The Revival Of AmihanWhere stories live. Discover now