15
Sakay na sila ng sasakyan ni Zandro ng maalala ang mga bagay na ginawa nila kanina sa loob ng elevator. Ramdam niya pag-iinit ng buong mukha niya pati ata ingrown niya sa paa nag blush din.
Ipinilig niya ang mukha sa side ni Zandro at dahan-dahang binuksan ng kaunti ang mga mata. Nasa kotse na nga pala sila ngayon. Napapikit siya bigla ng mamataan ang pagtingin nito sa side niya. Simula kasi kanina ng matapos sila sa loob ng elevator ay wala na silang imikan. Lalong-lalo na at hindi niya magawang maglakad.
Kaya ang pagkukunwaring tulog nalang talaga siya kumakapit. Bakit naman kasi ang lake nung ano ni Zandro. Sa utak ni Rose at wala sa sariling naikuyom ang mga palad niya. Sana naman hindi abutin ng dalawang linggo at makalakad na siya ulit.
Naramdaman niya ang paghinto ng sasakyan. Mabilis nitong naigilid ang kotse at ilang sandali ay bumaba ito agad para umikot sa side niya. Nagkunwari ulit siyang tulog.
Para kay Zandro, napaka gaan ng mood niya ngayon. Isa na marahil ang dahilan dito ay si Rose. Hindi nga siya nagkamali alam niyang sa sariling may puwang na siya sa puso ng babaeng ito. Napapangiti siya na parang ingot tanaw ito sa mula sa labas ng kotse.
Mabilis siyang umikot sa side nito para, kuhanin si Rose. Dahil siguro sa pagod. Di na niya napigilan pa ang sarili kanina lang habang nasa loob ng elevator. Wala naman problema dahil private at sa siya lang naman ang gumagamit ng elevator na yun.
Ang problema ay mukhang hirap itong maglakad. Hindi naman niya maipagkakailang may ipagmamalaki talaga siya. Hindi niya rin namalayan ang oras at ginabi na rin sila.
Agad niyang sinablay sa batok ang braso ni Rose at sinampa sa mga braso niya ang mahahabang legs nito. Hanggang sa magawa niyang mailabas sa kotse niya si Rose dahan-dahan niya itong kinarga sa mga bisig niya.
Hindi niya napigilang kintalan ng halik sa noo si Rose. Just looking on her while sleeping is so godly. It boasted his mood.
Papasok na siya ng mansyon ng mamataan si Cherry. Agad siya nitong nilapitan ng makitang karga niya si Rose.
"Sir Zandro ano pong nangyari kay Ma'am? "Napalaki ang mga mata nito habang sinusuri si Rose.
Napatingin siya kay Cherry at tinanguan,"She's just exhausted, but she's fine. "Saka nilagpasan na niya ito.
Na sumabay sa paghakabang niya,"Naku salamat naman kong ganon. "
"How's Great Grandma? "Tanong niya sa pinagkakatiwalaang kasambahay.
Agad umasim ang pagmumukha ni Cherry sa tanong niya at napahinto sa paghakbang.
"What-"Napansin niyang hindi na pala nakasunod si Cherry sa kanyang likuran. Napaangat ang kanyang tingin sa lalakeng ngayon ay kababa lang ng hagdan.
"Oh your here, so you misses the shareholders meeting? "Si Demetri na nakangisi habang nasa magkabilang bulsa ang mga kamay.
Napakunot siya. "Kung ganon dumalo ito sa shareholders meeting?"wika niya sa isip. Magkaharap at may isang metro ang pagitan nila ngayon sa isat-isa.
Hindi naman mapigilan ni Zandro ang pagtagpuin ang mga bagang. "Kapal talaga ng mukha na magpakita sa mansyon" wika niya sa isip.
Huminga siya ng malalim,"Why do you care? "
"I'm just concerned boy, I might snatched away your throne! " may pangungutyang sambit nito na may kasamang mapait na ngiti sa labi. Sabay umiling-iling at sunod na kumamot sa ulo.
"Sige mauna na ako, may bibisitahin pa kasi ako. " nagsindi muna ito ng sigarilyo bago siya tinalikuran.
Kung hindi lang dahil kay Great Grandma matagal na niyang pinatikim ng kamao si Demetri. Pero hindi niya dudungisan ang dangal dahil dito.
BINABASA MO ANG
Owning a Perfect Wife [COMPLETED]
Художественная прозаMeet Zandro Monteclaro mayaman, strict at moody! A dashing bachelor successful business owner, running his own chain of stores, micro, medium and small enterprise nationwide. Hanggang sa mapasakamay ang isang Rose Flores. Ang anak ng isang ka-sosy...