Chapter 12

1K 25 5
                                    

12

Nasa salas ng pamamahay si Rose habang inaantay niya matapos makapag usap si Zandro at Great Grandma. Gulat siya ng tawagin nito si Zandro sa library nito para maliwanagan diumano. Pero mahigit isang oras na ata ang nakakalipas at hindi parin sila natatapos.

Kinakabahan siya dahil baka kong ano-ano na ang pinagsasabi ni Zandro sa matanda.

Huminga siya ng malalim ng tawagin siya at papasukin ni Great Grandma sa loob ng library ang nag sisilbing opisina nito sa pamamahay.

Naupo siya sa upuang nag aantay sa kanya na kaharap ngayon kay Zandro. Amoy na amoy na niya ang pagkatalo ng dumako ang paningin niya kay Zandro na ngayon ay prente ang pagkaka upo. Mukhang nakaisip na ito ng pambala sa kanya.

Asar na asar siya sa klase ng pagkakatingin nito sa kanya. Kala ba nito hindi niya nababasa ang nasa utak nito. Nakakurus ang mga braso nito sa dibdib nito.

"Rose hija, alam ko na ang buong pangayayari. Ipinaliwanag na sa akin ni Zandro ang lahat." Masiglang sambit ni Great Grandma.

Napakunot siya at nagtatakang binalingan si Zandro sa pamamagitan ng nagtatanong na mukha.

"Hija naiintindihan kita. Kaya kailangan natin ituwid ang pagkakamali. "

Pagsasalita ulit ni Grandma. Natiim ang labi niya sa tinuran nito. Hindi niya alam kong ano tinutumbok ni Grandma.

Tumikhim muna siya at binalanse ang mga pangyayari, sa klase kasi ng pananalita ni Great Grandma pakiramdam niya nakahanap siya ng kakampi. Parang tuloy gusto niyang magtaas ng bandera dahil pareho silang kabaro ni iba. Kaya sa malamang siya ang papanigan ni Great Grandma ng sa gayon ay hahayaan nalang siya nito at ng sa ganon makakalaya na siya kay Zandro.

Yes! Hiyaw niya sa utak niya.

Dahan-dahang napangiti si Rose at masiglang tinapunan ng tingin si Great Grandma. "Kong ganon... "

Agad namang inabot ni Great Grandma ang isang palad niya at hinaplos. "Hangad ko lang kabutihan mo hija. Kahit sa sandaling panahon ay apo na ang turing ko sayo kaya...."

"....kaya?.." Usal niya.

"Sumasang ayon ako sa iminungkahi ni Zandro na isang church wedding. Na magaganap isang linggo mula ngayon..."

Napakurap ng dalawang beses si Rose. Parang sa isang iglap ay sunod-sunod ang mga batong dumagan sa dibdib niya.

Tinapunan niya ng masamang tingin si Zandro na ngayon ay poker face lang at walang kaimo-emosyon ang pagmumukha.

Tsk!

She grinned her teeth in dismay. Pakiramdam niya ay napapalibutan siya ng malaking pader na kay hirap tibagin. Inirapan niya ang lalake dahil sa pagkaasar. Buong akala niya makakatakas na siya. Buong pagiisip niya lalaya na siya sa pang-aapi ni Zandro. Pero hito at nagawa na naman nitong baliktarin ang sitwasyon.

Pero hindi siya agad-agad susuko. Kung kaya dahan-dahan siyang napatayo sa kinauupuan niya.

"Teka! Church wedding po? " She asked calmly. Bago binalingan si Zandro na ngayon nga ay nakadikwatro na naman.

"Oo hija. May iba ka bang gusto aside sa church wedding? "

Parang gustong umatras ng dila niya sa mga pinagsasabi ni Great Grandma. Seryoso? Ganon ito ka atat makasal kami at magka-apo?

Napahilamos nalang siya sa pagmumukha ng maalala kong gaano ka disidido ang itsura ni Great Grandma kanina.  Wala na nga talaga siyang lusot. Kahit anong atras ang gawin niya wala na siyang maaatrasan pa. Kahit pinanlakihan na niya ng mata si Zandro kanina. Panay lang ang pananahimik nito.

Owning a Perfect Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon