4
"Oh, Demetri anak napadalaw ka?"
Napakurap si Rose ng mamataan ang ang anyo ng isang matangkad na lalake. Mukhang kanina pa pala nagmamasid sa kanila ni Great Grandma. Abala kasi sila sa pag aayos ng buong salas ng mansyon. Buong akala niya siya lang ang nagulat sa presensya nito pero pati din pala ang matanda.
Di maipagkakailang gwapo ang Demetri noong kabataan nito, sa sapantaha ni Rose ay nasa mid 40's na ito ngayon ngunit halata parin ang kakisigan na parang si Ian Veneracion lang ang itsura.
"Hey Mom, Surprised? " nakangising bati nito kay Great Grandma.
Matangkad rin ang tindig nito at magaling magdala ng damit. Katulad kay Zandro nakatupe hanggang braso nito ang suot na White long Sleeve. Tiyak pinagkakaguluhan rin ito ng mga kababaihan.
Agad nitong nilapitan si Great Grandma at humalik sa pisngi.
"Ofcourse, syempre alam ko naman mensan ka lang dumalaw sa'kin. "
"Common son let's have a sit. "Kayag nito sa malapit na sofa set.
"I drop by, di kasi masyadong busy sa hospital ngayon." Saad nito ng maupo sa kalapit na sofa kaharap ni Great Grandma. Napapagitnaan nila ang maliit na glass coffee table.
"Ah, ganon ba hijo? Gusto mo ba ng kape o tsaa. "Usisa nito.
"No need Mom, I just want check you out here. Mukhang naglilinis kayo? Oh and you've got company here? You hired a new Nanny? " Magiliw nitong tanong. Na tila matagal ng walang nababalitaan sa mga kaganapan sa buong mansyon.
Nagulat si Rose sa sinambit ng ni Demetri. Sa totoo lang may naalala siyang ka tono nito. Parang si Lily lang, nung mapagkamalan din siyang bodyguard ni Zandro nung araw na 'yon. Napatingin tuloy siya sa sarili niya. Malamang, nakasuot kasi siya ng apron. Kaya siguro napagkamalan siyang katulong.
"No, Demetri. Come, follow me, doon tayo sa kusina may ipapakita ako sayo. Alam mo nag bake ako'ng cake, wanna have some? " sabik na gayak ni Great Grandma sa bagong dating.
"Really? Wow I never thought you gonna do that again? "
Takang napalingon si Great Grandma kay Demerti,"What? " Umasim rin ng kaunti ang mukha nito.
"Cooking! " he said without stuttering dahilan kong bakit natawa si Great Grandma.
"Ofcourse son! But I cooked with caution now, alam mo na I don't wanna burn this house again. "Saad nito at inilibot ang buong paningin sa Mansyon.
Demetri chuckles,"Yeah, I know. "
Saka nawala na ang mga ito sa likuran ni Rose. Doon lang siya nakahinga ng maluwag. Hindi niya kasi mapanatag ang kalooban niya kanina. Habang nasa tapat niya yong Demetri. Pakiramdam niya ay bilang na bilang nito ang bawat galaw niya. Hindi naman sa pinag-iisipan niya ito ng masama pero, ayaw niya sa Demetri'ng yon. Inignora nalang niya ang kakaibang pakiramdam at pinagpatuloy ang pag aayos niya ng mga bagay sa salas at ang pag-pagpag ng iilang alikabok.
Matapos kasi nung unang araw na pinakilala siya ni Zandro kay Great Grandma ay inaway niya ito. Lahat na nang klasing masasamang salita ay sinabi niya dito. Kung saan nakarating pala iyon kay Great Grandma. Hindi niya lang alam kong nakatanggap nga ng sermon si Zandro mula dito. Kung kaya ay lumipad kaagad ito papuntang site at may limang araw na nga itong hindi umuwi.
Kaya binababad niya ang sarili sa sa pagtulong ng mga Gawain dito sa mansyon ni Great Grandma. Syempre she's part of the family now. Wala namang masama doon diba?
Five days ago nagpahatid lang naman siya sa mansyon dahil sobrang bagot na bagot na siya sa pamamahay ni Zandro. As per Great Grandma she is always welcome to visit itong mansyon at isiping kanya rin yon. Kasi she's part of the family now. Hanggang ngayon nga hindi parin siya makapaniwala. Ewan ba niya kinikilig siya kapag naalala at kung paano iyon sinabi sa kanya ni Great Grandma. Napangiti siya sa tagpong yon.
BINABASA MO ANG
Owning a Perfect Wife [COMPLETED]
General FictionMeet Zandro Monteclaro mayaman, strict at moody! A dashing bachelor successful business owner, running his own chain of stores, micro, medium and small enterprise nationwide. Hanggang sa mapasakamay ang isang Rose Flores. Ang anak ng isang ka-sosy...