Chapter 10

1K 37 5
                                    

10

Mabilis ang naging kilos niya ng mga sandaling yon. Agad siyang nag impake ng mga gamit niya. Kailangan niyang makaalis dito kaagad bago makabalik si Zandro. Tama nga siya mautak si Zandro at hinding-hindi ito makakapayag na maisahan ng kaniyang ama. Kaya marahil hindi nito pina rehistro ang marriage contract na kapwa pinirmahan nila. Ang civil wedding na ginanap mismo sa mansyon na ito.

It was one of the most amazing day kong saan naisipan ng ama niya na ipasyal siya at isama sa mga paboritong lugar nito. Nandun rin ang pinamili siya nito ng lahat ng damit na napupusuan niya. Ang saya lang ni Rose nung araw na yon. Inakala niya maayos na ang gusto sa pagitan nila ng ama. Matapos umatras ng isang kasusyo nito na gustong kunin ang kamay niya.

Pero naiba ang sitwasyon ng mapag-alaman niya kong saan siya dinala ng ama. It was somewhere in Forbes Park Makati. Napalunok si Rose ng sandaling mapagmasdan ang mga mamahaling mansyon na milyones ang maaring presyo. Hindi na bago dahil tinagurian nga ang lugar na iyon bilang Beverly Hills of Manila. Samantala ang isipan naman niya ay kasalukuyang nagtatalo dahil hindi naman sila dito umuuwi. Maliban nalang kong may kausap ang ama niya at kailangan na dito makipagkita. Rose calmed her senses. Tama okay lang siya she can handle this. A matter of fact maraming beses na nangyari sa kanya ito, at sa pagkakataong ito ay hindi maaring matatalo siya. Magagawa niya ulit ang matakasan o malusutan to.

Kagaya ng ginawa niya kay Joe, isang Amerikanong Hilaw na may madilaw na ngipin na ubod ng katabaan at abot hanggang likod nito ang hair line. Balak sanang ipagkasundo sa kanya ng ama. He's age is times two kong ikukumpara sa kanya. Kong saan naging kasusyo rin ng ama niya at madalas nga itong bumisita noon sa village nila. Madalas siyang yayain nito noon sa mga sinasabi nitong mamahaling resto. Which is hindi naman kaaya-aya sa paningin niya not even a five star restaurant sa sapantaha niya. Hanggang sa maramdaman niya ang pinaplano ng mokong na lasingin siya at para makuha nito ang gusto nito sa kanya. Pero taliwas iyon sa totoong nangyari dahil wala siyang balak magpakalasing kasama ang matabang may madilaw na ngipin. Mas nauna pa itong nalasing sa kanya at mahimbing na nakatulog. Tch.

"Ano pong gagawin natin dito?" Mamaya ay tanong niya sa ama.

"Mamaya kana magtanong kapag nakita mo ang pakay natin dito. " Nakangisi nitong tugon sa kanya. Mabilis umakyat ang kilabot niya sa katawan. Alam na alam niya ang ganitong pakiramdam.

Huminga siya ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili. Hindi naman kaila sa kanya ang gawain ng ama niya ginagawa nitong kumikitang kabuhayan siya. Sa totoo lang masakit na ganito siya kong ituring ng ama na kinagisnan niya. She was always disregarded. Yong anak na parating nanlilimos ng pagmamahal at awa, na kahit anong paghihirap niya ay hindi parin nito iyon nakikita.

Naramdaman niyang huminto sila sa isang magarang mansyon. Agad siyang pinagbuksan ng personal driver nila.

Hindi niya mapigilan ang mapanganga sa nakikitang ganda ng buong paligid ng makalabas siya ng kotse nila.

"Nagustuhan mo ba?"

Agad siyang napalingon sa lalaking nagmamay-ari ng baritonong boses na yon. Nakapamulsa ito at mukhang kanina pa nito sinusuri ang buong itsura niya.

Napataas ang isang kilay niya ng suyurin ng paningin ang matikas na pagkakatayo ng lalake. Mula sa mamahaling makinang na sapatos nito na mukhang kinuha pa mula sa bansang Italya. Sa slacks na wala man lang gusot, papunta sa white long sleeves na nakalukot hanggang braso nito.

Nagtagpo ang paningin nila di niya inaasahan ang makakita ng ganon ka gwapong nilalang, from his almond eye's, to the tall high bridge of his nose, hanggang sa mapulang labi nito na tinalo pa ang lip balm niya at sa buhok nitong messy dark copper colored hair.

Owning a Perfect Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon