Chapter 26

913 24 13
                                    

26

Hindi naging madali ang unang linggo ng makabalik si Rose sa mansyon ni Great Grandma. Dahil narin sa kagustuhan ng matanda na alagaan siya ay wala siyang nagawa.  Pinagpaubaya nalang niya ang sarili. Kahit na gustong-gusto na niyang lumayas magpaka layo-layo at magsimula ng panibagong buhay. Pero wala siyang magawa matapos magmakaawa ni Great Grandma sa harap niya.

Nahihirapan siyang tanggapin ang buong katotohanang siya pala ang isa sa direct heir nito. Pero sa totoo lang wala siyang pakialam sa kayamanan o sa anumang bagay maaaring mamanahin niya sa takdang panahon. Magulo na ang buhay niya para sumawsaw pa sa anumang gulong nagbabadyang dumating.

Higit sa lahat wala na siyang balak ituloy ang alinman sa nasimulan nila ni Zandro. He's in the past na gusto niyang ibaon habang buhay.

Dahil sa tuwing nakikita at nagmamakaawa ito sa kanya ay mas naninikip at dumidiin ang sakit na gusto na sana niyang kalimutan.

Naninibago din siya sa tatlong maids na kinuha nito para sa kanya. Iba ang nakatuka sa pagliligo niya. Lalo na nung unang araw na makabalik siya sa mansyon. Nag iisa siyang naliligo nang maisipan niyang lumusung sa bath tub. Wala naman siyang balak patayin ang sarili ng mga oras na yon kaso hindi niya namalayang ilang oras na rin pala siyang nakalublub doon.

Yun ang araw kung saan may nagbabantay na sa kanya tuwing naliligo, may isa rin siyang nag-aasikaso sa mga gamot at pati narin sa pag kain niya ay may nakabantay. Ayawan man niya ang mga ito ay wala siyang magawa. Hinayaan nalang rin niya ang mga ito.

Past 6pm naghahanda na siya sa pagtulog ng hindi niya makita ang paborito niyang damit pantulog. Kaya sinubukan niyang halunkatin ang cabinet niya ng may makapa siyang plastic na supot.

Wala sa sariling napatitig siya sa laman ng supot. Nakita niya ang dalawang pares ng baby socks at mittens. Wala sa sariling napaupo nalang siya sa kama at unti-unting nanubig ang mga mata. Wala siyang maintindihan sa sobrang hapdi ng puso niya. Iyak lang siya ng iyak hanggang sa nahihirapan na siyang makahinga. Sa ganoong sitwasyon siya naabutan ni Zandro.

"Rose? Anong nangyayari? " anito at agad ay dinaluhan siya nito.

Pansin nito ang hawak niyang gamit ng baby. Unti-unting napaluhod si Zandro. Para sa kanya sobra-sobrang pasakit na ang idinulot niya kay Rose.

"Rose patawarin mo 'ko." Agad ay niyakap siya nito ng mahigpit. Hindi siya kumibo. Hinayaan nalang niya ito habang impit siyang lumuluha.

"Patawarin mo ako sa mga nagawa ko." Garalgal na ang boses nito. Punom puno ng hinagpis at pagdurusa.

"Inaamin ko ang mga kasalanan ko Rose. Hindi ko makakayang pati ikaw ay mawala rin sa akin pakiusap patawarin mo na ako. " namamaos na ang boses nito sa pagmamakaawa pero ni katiting na awa ay wala siyang maramdaman.

"Bitawan mo ako. "

"Rose pakiusap, anong gagawin ko upang mapatawad mo lang ako? "

"Sabi ko bitawan mo ako. "

"Mahal na mahal kita Rose, hindi ko na kayang nakikita kang gabi-gabing umiiyak ng ganyan. Inaamin ko lahat ng naging kamalian ko. Naging gago ako dahil hindi ko kayang harapin ang galit mo. Dahil natatakot akong lalayuan mo ako. Dahil natatakot akong isusumpa mo ako. Pero Rose hindi lang naman ikaw ang nawalan ng anak, ako rin. Pareho lang tayong nagdadalamhati at nasaktan. Patawarin mo na ako please. " halos nilunok na nito lahat ng pride sa katawan nito para lang mapatawad niya.

Sa kabilang banda napakuyom naman si Rose dahil sa mga pinagsabi ni Zandro. Naging manhid na nga siguro siya dahil hindi niya makuhang patawarin si Zandro. Kinamumuhian niya ito. Kaya hahayaan niya itong magdusa sa kanyang galit.

Owning a Perfect Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon