28
Kasalukuyang inihahanda ni Zandro ang mga gamit nilang mag-asawa. Matagal na niya itong napagplanuhan. Kinailangan niya lang talagang tapusin ang mga importanting papeles na natingga sa opisina. Kailangan niyang bumawi rito. Marami siyang naging pagkukulang sa asawa.
"Asawa ko? " Napatalon sa gulat si Zandro ng biglang lumitaw si Rose sa kanyang likuran at yakapin siya ng mahigpit. Naging ugali ito ni Rose magmula noong makauwi matapos madischarge sa ospital. May apat na linggo narin ang nakaraan.
Napakurap siya at kaagad niyang tinigil ang pag iimpaki ng gamit at hinawakan ang braso nito na nahihimlay sa kanyang bewang.
Sinubukan niyang alisin ang mga kamay nito mula sa kanyang bewang ngunit umaayaw ito.
"Rose, " dinala niya ito sa bench na upuan sa malapit.
"May gusto lang akong malaman. "
Nagtatakang napatingin naman ito sa kanya. "Ano iyon mahal ko? "
"Ano ang unang nagustuhan mo sa'kin? " Saad niya.
"Hmmm, dahil minahal mo si Rose ng totoo. " tugon nito na pawang anlayo ng tingin.
Napahinga siya ng malalim. "Gusto mong malaman sa paanong paraan kita minahal? "
Napatda ito sa pag-iisip. "Ano? " Tila nababatid niya ang interes na malaman ang dahilan kong paano niya binuksan ang puso kay Rose.
"Ah Mahal 'wag mo na palang alamin ang sagot. "
Napakunot si Rose. Interesado pa naman sana siyang marinig iyon,"Bakit di ko dapat alamin? "
Napatikhim si Zandro, at sumilay ang malalim na dimple sa gilid ng pisngi,"Dahil ikaw lamang nakakaalam ng sagot. " Sabay sinagi ng mahina si Rose.
Pansin niya ang pagsilay ng ngiti mula sa mga labi nito. "Kung kaya't ihanda mo na ang mga dadalhin natin. Baka abutan tayo ng masamang panahon."
Tumango lang si Rose at umalis na sa kanyang tabi.
Kasalukuyang inaayos ni Zandro ang mga gamit ng marating nila ang lugar na pagbabakasyunan nila. Naalala niya ang property na ito na siyang iminungkahi sa kanya ni Rose. Nakita lang daw niya ito sa isang sikat na travel magazine. Ngunit lingid sa kaalaman nito ang Casa Esperanza ay ay pag mamay-ari ng pamilya. Ito ay kinuha sa ngalan ng kanyang ina.
Kitang-kita niya ang galak at kasiyahan sa mukha ni Rose. Nang gabing iyon ay sigurado siyang nasa tabi niya natulog si Rose. Ngunit ng malimpungatan siya ay pansin niya wala na ito sa tabi niya.
Kaagad siyang bumangon at hinanap si Rose. Sa buong silid ng Casa Esperanza. Gulat siya ng matagpuan ito sa nag iisang silid na alam niyang pagmamay-ari ng mag asawang Lorenzo at Esperenza.
Natatangi ang silid na iyon ayon sa kwento ng mga naglingkod sa Casa Esperanza. Madalas kasi doon magbakasyon ang mag asawa. Si Lorenzo ang nakatatandang anak ni Great Grandma.
Madalas silang dumalaw sa Casa at dalhin at nag iisang anak nito na si Rose.
Napangiti si Zandro. Dahil ang sarap ng tulog ni Rose. Naisip niyang hayaan nalamang ito doon.
Ilang araw narin kasing nahihirapan itong makatulog. At madalas niyang magisnan sa ibang silid lalo na pag nagigising siya sa umaga. Nakakapanibago simula nung lumabas ito sa hospital.
Pero pinagkibit balikat nalamang niya ito. Malamang ay nag aadjust parin ito. Ang important ay napatawad na siya nito.
Naisipan niya rin kasi talagang gumising ng maaga ngayon. Gusto niyang isurprise si Rose. Mahigit isang taong na sila ngunit puro pighati na lamang ang pinaparamdam niya rito.
BINABASA MO ANG
Owning a Perfect Wife [COMPLETED]
Ficción GeneralMeet Zandro Monteclaro mayaman, strict at moody! A dashing bachelor successful business owner, running his own chain of stores, micro, medium and small enterprise nationwide. Hanggang sa mapasakamay ang isang Rose Flores. Ang anak ng isang ka-sosy...