23
Tanghali na ng magising si Rose she just check the time herself. Sa pamamagitan ng orasan sa ding-ding.
Napahinga siya ng malalim.
Simula nung dumating sila nung lunes ay napapadalas na tinatanghali na siya ng gising at may apat na araw na ring di niya nakikita si Zandro. Nagpapasalamat narin siya dahil talagang masama ang pakiramdam niya. Narinig niyang may inaasikasong proyekto si Zandro kasama si Candice.Pero kahit na di parin niya maiwasang mainis dahil para bang wala man lang itong pakialam or paramdam man lang sa kanya. Pag nakita niya talaga ito ulit ay panigurado masusuntok niya talaga ito sa sikmura.
Tatayo na sana siya ng may napakabahong amoy ang nasinghot niya. Malamang hindi ang karne ng baka yun dahil naubos naman niya iyon, kahit siya lang mag isa. Ayaw na niyang isipin sa paanong paraan niya naubos.
Pupungas-pungas na napabangon siya sa higaan at hinanap ang pinanggalingan ng hindi maipaliwanag na amoy. Mabilis niya pinihit ang pinto pabukas at kitang-kita niya ang kumikislap na mga mata ni Zandro ang agad na sumalubong sa kanya at ang napakabahong amoy na bit bit nito.
"Hi sweety! Breakfast in bed? " Excited na bati nito sa kanya. He's grinning ear to ear na parang wala itong atraso sa kanya.
Pinanood niya bawat kilos at galaw nito. Hindi niya maipagkakailang mas gumwapo si Zandro sa paningin niya silmula noong nakalipas na araw na hindi niya ito nakita. Pero pinigilan niya ang sarili at nagkibit balikat.
Hanggang sa hindi sinasadyang kamuntik na siyang mapatakip sa kanyang ilong, mabuti nalang at napigilan niya ang sarili. Parang agad ay nasira ang umaga niya ng makita ang mga pagkaing dala nito. Garlic shrimp , tsorizo, fried rice at special galunggong na favorite niya noon. Pero dahil sa kasalukuyang sitwasyon niya ay hate na hate niya dahil sa napakabaho at malansang amoy.
Hanggang sa dumaan sa harap niya ang lalake ni hindi man lang niya nagawang bigyan ito ng puwang para makapasok. Ito na mismo ang nagkusang gumawa ng puwang sapagitan niya at nang pinto para tuluyang makapasok sa loob.
Nakangusong napapadyak siya na sinundan si Zandro. Papasok papunta sa mismong kama niya at nilapag doon ang bit-bit nitong agahan niya.
May apat na araw kasing hindi umuwi si Zandro kaya minarapat niyang dito sa kabilang room mag stay. Ayaw niyang mamiss ang lalake. Masasaktan lang siya. Ayaw niyang makaepekto iyon sa pagbubuntis niya.
Napatingin siya kay Zandro na abala sa mga pagkaing dala nito. Tuluyan na pala nitong nailatag sa harap niya ang almusal niya. Na hindi niya talaga magawang tingnan. Umalingasaw ang amoy sa buong kwarto niya. Ayaw niyang mag-isip ito ng masama pero gustong-gusto na niya itong palayasin para umayos ulit ang paghinga niya.
"Are you okay? " nakakunot ang noong tanong nito. Napansin niyang kanina pa pala ito nakatunghay sa kanya. Hindi niya rin alam kong ilang minuto na ba ito nakatitig sa kanya. Sabay sinalat ang noo niya checking kong mainit ba siya. Bakit hindi niya ginagalaw ang pagkaing dala nito.
"I heard your feeling unwell this past few days. I hope your doing fine now. I've been counting days para makabalik agad. "Napaka thoughtful na usisa nito sa kanya. Na nagpa tambling ng puso niya.
Pero mabilis niyang kinontra ang sarili at inalis ang kamay nito sa noo niya. Ayaw niyang maflutter. Pero pinabantayan ba siya nito? Paano nito nalamang nagka sinat siya?
Magsasalita na sana siya ng biglang nalanghap niya ang mabahong amoy mula sa shrimps! Na akmang ikinaduwal niya mabuti nalang at wala sa kanya ang atensyon ni Zandro.
"By the way have your breakfast first."Utos nito sa kanya na kinalaki ng mga mata niya. "Ako ang nag prepare niyan lahat. Baka hindi ka na nakakain sa tamang oras." Dagdag nito.
BINABASA MO ANG
Owning a Perfect Wife [COMPLETED]
قصص عامةMeet Zandro Monteclaro mayaman, strict at moody! A dashing bachelor successful business owner, running his own chain of stores, micro, medium and small enterprise nationwide. Hanggang sa mapasakamay ang isang Rose Flores. Ang anak ng isang ka-sosy...