18
Kahit naguguluhan ay parang walang naririnig si Rose sa mga kaganapan. Nanatiling nakatingin lamang siya sa harap niya ngayon. Parang nawalan siya ng buhay at hindi parin bumabalik si Zandro. Naisipan niyang umalis sa kinauupuan dahil nakaramdam siya ng sobrang hiya.
Naisipan niyang doon dumaan sa back stage. Tatakbuhin na sana niya ang daan palabas ng may kung anong bagay siyang napatid na ikinahinto niya. Agad siyang nagulantang at napahinto sa kadahilanang biglang nawalan ng ilaw sa buong lugar. Saka lang rumehistro sa isip niyang ang kable pala ng kuryente ang napatid niya.
Kahit madilim ay minadali niyang ibalik ang kable pero nagkamali siya sa dahilang ang wire pala ng mga dekorasyon ang nahila niya, agad bumagsak ang mga palamuti sa harap.
Sunod-sunod ang hiyawan ng mga bisita. Kasabay nun ay agad sumiklab ang kaba at takot ni Rose ng marealize ang nangyari.
Hanggang sa maramdaman nalang niya ang isang marahas na pagkakahila sa kanya ng kung sino mula sa likuran niya. Unti-unti siyang pinulot nito sa kinalalagyan niya at binuhat.
Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan niya ng maramdaman niyang safe na siya. Amoy palang nito ay kabisadong-kabisado na niya kaya hindi siya pweding magkamali.
Dahan-dahan siya nitong dinipusito sa isang bench. Malayo sa magulong sitwasyon, malayo sa lahat. Napansin niyang nasa malawak na Harden pala sila ngayon ng Villa. Klarong-klaro ang buong paligid kahit alas otso na ng gabi dahil sa maliwanag na malaking buwan.
"Anong ginagawa mo? "Untag niya na may kasamang panlilisik ng mga mata dala ng inis ng maalalang naka angkla ang mga kamay ni Dahlia sa braso nito.
Huminga ito ng malalim, "Helping you, I guess. " nakatungong tugon nito sa kanya habang nasa bulsa ang mga kamay.
Nangunot ang noo niya sa bruskong dating nito. Hindi man lang ba nito napansin na selos na selos na siya?
"Helping me? Pwede ba Zandro, tama na paglalaro, di mo na ako mapapaikot. " singhal niya.Saka padabog na humalukipkip. Nangigil talaga siya sa asar!
"Why did you do that? "Pag iiba nito ng usapan sa isip ni Rose. Na siya niyang kinagulat lalong-lalo na sa klase ng pagtitig nito sa buong mukha niya.
Kalmado lang itong nakatayo sa harap niya habang nasa bulsa parin ang parehong mga kamay.
"Pwede ba bumalik kana nga dun." Asik niya dito.
"Sa alin? Kanino ako babalik?" May sarkasmong tanong tanong nito.
Maybe this guy is playing dumb. Umaastang walang alam na dalawa sila sa buhay nito. Siya at si Dahlia. At mukhang si Dahlia pa ata ang napili nitong papakasalan. Masaklap mukhang siya pa ang gagawing mistress nito. Kaya ganon na lang ang inis niya ng harapin ulit ito.
"Hindi mo ko mapapasakay sa pagiging babaero mo Zandro ha. Kilalang-kilala na kita. Mula ulo hanggang paa. " naiiritang turan niya. Saka inikutan niya ito ng mata.
"Really? " hindi naman mapigilan ni Zandro ang matawa sa mga ikinikilos ni Rose. Ewan ba niya at amused siya sa mga gestures na ginagawa nito.
"Tell me my future wife, gaano mo na nga ba ako kakilala? " na sinabayan ni Zandro ng pagtaas baba ng magakabilang kilay niya. Kasabay nun ang dahan-dahang pagbaba ng mukha kay Rose. He even move closer that his now smelling her innocent scent and that makes him want her even more.
Kay Rose naman hindi na niya maunawaan kong lulunok o magtatago sa likod ng naglalakihang halaman. Parang nakakapanghina ng loob na magalit kay Zandro. Sa lakas ng loob nito ay talong-talo na siya. Mula sa mga matang nanghihikayat na wag niyang lubayan, pati sa mga labi nitong nang uuyam na sa palagay niya ay kanina pa niya gustong-gustong patakan ng halik.
BINABASA MO ANG
Owning a Perfect Wife [COMPLETED]
General FictionMeet Zandro Monteclaro mayaman, strict at moody! A dashing bachelor successful business owner, running his own chain of stores, micro, medium and small enterprise nationwide. Hanggang sa mapasakamay ang isang Rose Flores. Ang anak ng isang ka-sosy...