Chapter 6

1K 39 6
                                    

6

Nag iiwasan! Yan ang unang pumapasok sa utak ni Rose ng hindi sinasadyang mapadpad ang paningin niya kay Zandro. Naisipan kasi niyang maglinis sa sulok ng gym dito sa mansyon. At mukhang mali ata ang kanyang pinasukan dahil kasalukuyang nag wowork-out si Zandro. Lantaran ang kapawisan nito sa matipunong likod at bakat na bakat din ang maskels nito sa tuwing binubuhat nito ang mabigat na barbell.

Isang madiing lunok ang pinakawalan niya. Masyado na ring mahigpit ang pagkakahawak niya sa dalang walis tambo at sa bit-bit niyang dust pan. Naghihiwalay na ata ang utak niya yung isang bahagi sinasabing ituloy ang paglilinis at isa naman sinasabing lumayas na sa lugar.

Pero hindi maikurap ni Rose ang mga mata niya ng makitang nakatingin na pala si Zandro sa kanya. Ngayon lang niya naalala ang malawak na salamin sa harap na sakop ang buong silid. Nanlaki ang mga mata niya. Para siyang natuklaw ng ahas at parang in an instant nakakita siya ng napakaraming alikabok sa loob ng gym at panay ang pagwawalis niya.

Siya na talaga ang tanga. Bakit ba kasi hindi niya naisip na nandito si Zandro sa mansyon. Dapat lumabas na lang siya kaagad. Nahuli na naman ba siya? Panay yuko lang siya hanggang sa maramdaman niyang nasa harap na siya ng salamin naalala niya may dala din siyang pamunas kaya dinamay niya na rin ang salamin.

"What are you doing? "

Napatingin kaagad siya kay Zandro na ngayon ay nakataas ang isang kilay at manghang-mangha sa gagawin niya.

"Naglilinis. Hindi mo ba nakikita?" Asik niya dito at iniwasang mapatingin sa mata nito.

"I know your cleaning, but you can do that when I'm done. "

Agad niya itong binalingan at saka inirapan wala sa sariling napahigit ng hininga at pinagpatuloy ang ginagawa. Hindi niya pinansin si Zandro. Patuloy lang siya sa pag spray ng water sprayer at pupunasan.

"Akin na nga yan,"

Nataranta si Rose ng biglang awatin siya ni Zandro at agawin ang pamunas sa kamay niya.

"Ano ba, Akin yan," saka binawi niya sa kamay ni Zandro ang pamunas.

"Wala kang kwenta mag punas eh, ako na." Angil naman ni Zandro sa kanya. Na halatang mas mataas ang naabot sa pag pupunas. Inirapan nalang niya ito ng wala na siyang magawa dahil tuluyan na nitong naagaw ang pamunas sa kanya.

Natutop din niya ang bibig ng taasan siya ng kilay ni Zandro. Parang sinasabi nitong, tanga-tanga mo diyan. Kaya mabilis siyang nag spray at ito naman ang nagpupunas. Spray lang siya ng spray ng maramdaman niyang nakarahap na pala si Zandro sa kanya.

Nakakunot na ng subra ang noo nito. Bumakat din ang abs ni Zandro gawa ng basa nga ito dahil sa walang puknat na pag spray niya.

Nanlaki ang mga mata niya. Saka napunta sa sprayer ang paningin niya naubos na nga laman kaka spray niya na inakala niya ay sa salamin parin nakatutuk nakay Zandro na pala. Pahiyang-pahiya si Rose. Parang gusto nalang niyang kainin ng lupa ngayon na.

Mabilis naman nagtanggal ng damit sa katawan niya si Zandro. Oo na siya na talaga ang gaga.

"Sorry, hindi ko sinasadya." Nakatakip sa mukhang hingi niya ng paumanhin.

Sabay yuko ni Rose. Hindi niya magagawang tingnan o salubungin man lang ang klase ng titig nito. Inaantay niya nalang bulyawan siya ni Zandro dahil sa galit.

Napaangat siya ng tingin dito ng makitang hindi ito kumibo. Agad nagtama ang mga paningin nila. Huling-huli niya ang pagyuko ni Zandro sa kanya na kinagulat niya ng husto kaya napa apak siya sa walis dahilan kong bakit bigla siyang nawalan ng balanse.

Owning a Perfect Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon