27
Dalawang linggo na ang lumipas. Magmula ng huling makita at makausap ni Rose si Zandro. Kahit anong bagay ang gusto niyang gawin ay paulit-ulit na nagpapakita si Zandro sa utak niya.
Lalo na ang mga sinabi nito tungkol sa bodega. Tungkol sa nakaraan niya. Hindi pa siya bukas sa kaalamang siya nga ang apo ni Great Grandma na matagal ng hinahanap nito.
May ilang bisis na ring hinanap niya si Zandro sa buong mansyon sa isiping baka nandun lang ito. Pero ni anino nito wala siyang nakita.
Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Rose kung totoo ngang bumitaw na ito sa kanya. Pero diba ito ang gusto niya? Ang magkalimutan dahil kapag nagkakasama sila at nakikita nila ang isat-isa mas lumalalim ang sugat?
Huminga siya ng malalim. Naisipan niyang pasyalan ang dati ay silid nilang mag asawa dito sa mansyon ni Great grandma at ng naglaon ay ang naging silid nito. Dahil narin bumukod siya ng kwarto.
Agad bumungad sa pagpasok niya ang pamilyar na halimuyak ng pabangong panlalake nito. It was so masculine tama lang at hindi masakit sa ilong. She missed his musk scent. Naiisip rin niya ito ang nagligtas sa kanya sa mga umampon sa kanya sa pang aabuso nito sa kanya.
Hanggang sa maisip niyang bumalik sa silid niya magbibihis lang siya kailangan niyang makita si Zandro. May kailangan siyang sabihin sa lalake. Naglagay lang siya ng kaunting make up at naka pustora na siya.
Palabas na siya ng main door ng makita ang gwardiya doon. May kausap ito sa walke talkie nito. But she ignored. Para sa kanya walang oras na dapat sayangin. She was about to pass through ng biglang humarang ang lalake sa daraanan niya.
"Good morning po Ma'am, may bibilhin po ba kayo?"
Isang maginoong tanong nito sa kanya. Tinanguan lamang niya ang guard na may malaking pangangatawan na naka razor glasses.
"Ah may pupuntahan lang ako. Sige nagmamadali kasi ako."
Pansin niya ang nakakailang na pagkamot nito sa batok. Na tila may nakalaang utos na dapat sundin.
"Naku ma'am, huwag po pala kayong umalis pinagbabawal po kayong umalis. Pasensya na po ma'am napag-utusan lang po."
Nakakunot ang noong humarap siya dito, "Ano? Sino nag utos sayo yong asawa ko ba?"
Napatda ang Guard. Napamaang ito sandali, naghahanap ng maisagot o may pinagtatakpan? " Ah pasensya na po talaga ma'am napag utusan lang ako ng supervisor ko na dito mag bantay sa araw na ito. Trabaho ko po ang nakasalalay pag umalis po kayo." Sabay ngumiti ng alanganing ngiti.
Sa nakataas na kilay huminga nalamang siya ng malalim habang tinaas baba ang tingin sa guard.
Paano siya lalabas eh nakagwardiya pala buong mansyon paano niya hahanapin si Zandro?
Nagkulong lang sa loob ng silid niya si Rose buong araw. Habang pinagmamasdan ang gwardiya mula sa bintana niya. Nakakapagtatakang may umalis at pumapasok parin na sasakyan. Umalis ito ng umaga at bumabalik din naman tuwing gabi. Imposible namang sasakyan iyon ng gwardiya niya. Napasabunot nalang si Rose sa buhok niya at nagdisisyong lumipat sa veranda. Naisipan niyang lumanghap ng sariwang hangin bago matulog.
She decided to sat down on a large sofa set and comfortably lie down. Hanggang sa napansin niyang gumagawa na pala siya ng mga hugis mula sa stars sa kalangitan. Di man niya akalain pero nagawa niyang makita ang mukha ni Zandro sa mga bitwin na yon. Hanggang sa makatulugan nalang niyang tinitingnan ang mga bitwin.
Hindi niya alam kong dahil ba nais lang niya talagang makita si Zandro o sadyang nananaginip lamang siya. She heard him. Its him talking to someone asking if she didn't skip her meal. She blink twice when she see's him standing infront of her. She saw him, stayed still. Hindi siya nagsalita nanatiling nakapikit lang siya dahil mas nangunguna ang antok. She thinks it is one of her mesmerizing dreams about Zandro kung saan ramdam niya ang dahan-dahang pag angat niya mula sa malambot na sofa papunta sa mga braso nito. It was enchanting being held into his muscled arms she couldn't stop herself smelling him. Damn if its real sana gisingin na siya ng kung sino. She wanted to talk to him. Kaso parang dinuduyan at hinihila talaga siya ng malakas na antok niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/243428670-288-k566157.jpg)
BINABASA MO ANG
Owning a Perfect Wife [COMPLETED]
General FictionMeet Zandro Monteclaro mayaman, strict at moody! A dashing bachelor successful business owner, running his own chain of stores, micro, medium and small enterprise nationwide. Hanggang sa mapasakamay ang isang Rose Flores. Ang anak ng isang ka-sosy...