13
Spg 🔞
Masyadong madilim ang buong paligid na nakikita niya. Salamat sa maliit na siwang na nagsisilbing ilaw sa loob ng may kalumaang bodega kong saan siya ngayon nakakulong. Pilit niyang inalala kong bakit siya nasa lugar na iyon. Nakaramdam siya ng labis na takot dahil sa ginawa ng taong yon sa kanya.
Nilapitan niya ang maliit na butas, sigurado siyang makikita niya ang pangyayari mula sa labas. Pero ganon na ang takot niya ng makita ang napakalaking lagablab ng apoy! Kasalukuyan nitong nilalamon ang mismong mansyon. Hanggang sa nakita niya ang isang paslit na pinagmamasdan ang malaking apoy.
Hindi maaring magkamali ang mga mata niya. Siya ba yon? Nakikita niya ang sarili niyang nakatayo hindi kalayuan sa nasusunog na malaking pamamahay habang nakangiting pinagmamasdan ang pagkasunog ng malaking bahay na yon.
Hindi niya maalala kong paano siya napunta sa bodegang yon. Hanggang sa ilang sandali ay biglang kumalat ang apoy papunta sa bobong ng bodega! Tumayo siya para hanapin ang pinto. Pero kahit anong pagpupumilit na itulak ito ay hindi niya mabuksan dahil nakakandado ito mula sa labas.
Isa-isang bumabagsak ang bobong ng maliit na bodega hanggang sa maramdaman niya ang isang marahas na yog -yog— mula sa balikat niya.
"Haaaaahhhh! " pabalikwas na napabangon si Rose.
"Hey are you okay?"
Hingal na hingal at hapong-hapo ang pakiramdam niya. Halos parang nanggaling siya sa isang nakakahilong roller coaster ride dahil sa nakita niya sa panaginip na yon.
Palagay niya kong hindi siya nagising sa panaginip hindi na siya magigising at tuluyan ng makukulong sa nakakatakot na panaginip na yon.
Kinakalma niya ang sarili. Ramdam niyang pawis na pawis siya. Tinalo pa ata niya ang tumakbo ng 21 km sa isang Olympic.
Matagal na niyang hindi napapanaginipan ang bagay na yon. Alam niyang masalimuot ang naging nakaraan niya pero, bakit sa ganitong paraan niya pa ulit maalala ang bagay sa nakaraan?
Akala niya ay nalampasan na niya ang masakit na nakaraan.
"Hey are you okay? "Pansin niya ang pagkurap ni Zandro ng dalawang beses ng usisain siya nito kong anong nangyayari sa kanya.
"Okay lang ako. " turan niya dito nang mahimasmasan. Saka, inayos ang roba niya mula sa pagkakausli nito sa balikat niya.
"You look pale,are you really okay? Should I call the family doctor? " Nahimigan niya ang pag-aalala nito. Tatayo na sana ito ng mahagip niya ang kaliwang braso nito.
"I'm okay! Binangungot lang ako. Wala naman masakit sa akin. " She assured him.
"Okay," Sambit nito na ngayon ay napakamot sa batok nito gamit ang kanang kamay.
Kasalukuyan itong napatitig sa pagkakaawak niya sa kaliwang braso nito.
Napapasong agad na nabitawan niya kaagad ang braso nito.
"Bakit ka nga pala naparito? " pag-iiba niya ng usapan.
Tumikhim muna ito. "About yesterday I got some important appointments so I completely forgot na may pupuntahan pala tayo. "
Pansin niyang ready to go na nga ang porma nito. A casual outfit for a bachelor like him. White long sleeve na pinatungan ng coat ang naiba ay wala na ngayon yung necktie at hinayaang nakabukas ang dalawang botunes nito sa harap.
Napahinga siya ng malalim ng maalala. Naghintay naman kasi siya na dumating si Zandro. Kaso gumabi nalang ay kahit anino nito ay hindi nagpakita sa kanya.
BINABASA MO ANG
Owning a Perfect Wife [COMPLETED]
Fiksi UmumMeet Zandro Monteclaro mayaman, strict at moody! A dashing bachelor successful business owner, running his own chain of stores, micro, medium and small enterprise nationwide. Hanggang sa mapasakamay ang isang Rose Flores. Ang anak ng isang ka-sosy...