Chapter 7

1K 32 4
                                    

7

Natigilan sandali si Zandro. Tila bumagsak ang mga panga niya. Tama ba ang pagkakarinig niya ngayon lang? She's saying he can have her, but in one condition they'll end their marriage? Napakurap siya at kumunot ang noo sa harap ni Rose. Damn this woman. She is really testing his patience.

Agad naningkit ang mga mata niya at pabagsak na inabot sa mesita ang baso ng alak. This woman, hawak na ba siya nito sa leeg at ito pa ang may lakas ng loob mag demand sa kanya? Mautak ito, manang-mana sa ama nitong tuso rin pagdating sa mga negosyong pinagkasusyuhan nila. Pwes! Hindi siya magpapatalo dito. She started this cold war so be it!

Mabilis na napatayo si Zandro sa kinauupuan niya. He shouldn't bargain his desire over her favor dahil alam niyang matatalo siya.  He can control this wanton feeling. Negosyante siya kaya alam niyang how risky it looks like. Ngayon napatunayan ni Zandro mukhang may komunikasyon pa rin ito sa ama nito.

Naalala niya noon naawa siya sa babae dahil basta-basta nalang itong inialok sa kanya ni Gonzalo Flores. Nasa casino sila ng mga oras na iyon at natatalo na niya ang matanda pero nung nilabas nito ang picture ni Rose nakaramdam siya ng kakaibang kaba na kailangan niyang tanggapin ito sa pamamahay niya. Noon paman hindi ugali ni Zandro ang magtiwala kaagad sa ibang tao. He choose only few and the best people to be on his circle. Kaya hindi niya inakala na ganon-ganon nalang at mahahawakan siya ni Rose sa leeg ngayon. That couldn't happened. Lakas naman ng loob nito.

He cursed! Pabalibag niyang naisara ang pinto. Malamang pinampain ni Gonzalo si Rose para baliwin siya. Para makautang na naman ito ng pera sa kanya. He shouldn't have trusted that ashole!

Sa salas Rose tried to redeem herself. Hindi niya maikubli ang kaba. Kabang kanina pa niya kinikimkim. Kapag pumayag si Zandro it will be good. Good in the sense na makakaalis siya sa pagkakabilango kay Zandro. Kahit ang kapalit nun ay ang katawan niya. Puri lang naman ang mawawala tao parin naman siya pagkatapos nun.

Inaasahan na niya ang mangyayari, una palang ay ramdam na niyang aalukin na naman siya nito. Kung kaya ginamit na niya ang advantage niya. Mahirap siyang malasing, kahit ilang alak pa ang ipapainom sa kanya. That won't affect her. Hindi niya rin alam kong bakit but it is her charm. Madalas siyang isama dati ni Gonzalo sa mga pagtitipon bilang baet upang makakuha ng matitinong negosyante na maaring mautangan dahil patapon at malulugi na ang negosyo ng matanda. Madalas siyang iuwi dati ng mga mayayamang negosyante pero marahil sa kakayahan niyang hindi tamaan ng kalasingingan nagagawa niyang masagip ang sarili.

Napahinga siya ng malalim ng maalala ang mga kahindik-hindik niyang karanasan. Naiintindihan niya naman si Zandro alam niyang sarap lang ang hanap nito sa kanya. Kaya ipampapain na niya rito ang katawan niya. Kailangan na niyang makalayo dito. Sa tuwing nakikita niya si Zandro nanginginig ang mga tuhod niya. Halatang kusa ng bumibigay ang katawan niya rito. Hindi niya hahayaang puso ang manaig sa kanya.  Hanggang sa huli dapat utak ang pagaganahin niya.

Una sa lahat wala siyang kamuwang-muwang sa mga ganyan. First time niya ring may makasama at nakakausap na lalake na may saltik sa utak at gusto ng honeymoon. Tarantado talaga.

Napahigit ng mahabang hininga si Rose ng maramdaman ang maiinit na titig ni Zandro sa kanya. Naka coat ito mukhang aalis. Saan na naman kaya ang lakad nito? Halos limang araw ding pumirme si Zandro dito sa bahay niya. Which is madalang lang talaga nitong ginagawa.

Napatikhim siya ng dumaan ito sa gilid niya. Naramdaman niya ang pagbukas sara ng main door. At ang sunod-sunod na rebolusyon ng sasakyan nito. Napahinga na lamang siya ng malalim at nag simulang linisin ang mga nakakalat na bote ng alak.

Nagising si Rose ng bandang madaling araw. May naririnig kasi siyang mahihinang ungol. Napatingin siya sa orasan sa dingding. Alas dos palang ng madaling araw. Huwag naman sanang may multo dito at ngayon ay nagpaparamdam sa kanya? Naalala tuloy niya ang kwento ng mga kababalaghan na nangyayari tuwing alas dos ng madaling araw. Kasi ito daw yong oras kong saan malakas ang energy nilang magparamdam.

Owning a Perfect Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon