Meet Zandro Monteclaro mayaman, strict at moody! A dashing bachelor successful business owner, running his own chain of stores, micro, medium and small enterprise nationwide.
Hanggang sa mapasakamay ang isang Rose Flores. Ang anak ng isang ka-sosy...
Parang sasabog na sa kaba ang dibdib ni Rose. Gawa ng pagkakasabi nito ay mabilis siyang napaangat ng tingin sa lalake. Hindi niya inaasahang kanina pa pala ito nakatingin. Hindi siya sigurado kung ilang sigundo o minuto na itong nakatitig sa kanya.
Magsasalita sana siya ng biglang yapusin si Zandro ng kung sino mula sa likod nito. Napatakip si Rose sa bibig niya ng sumaktong pag lingon ni Zandro sa likod nito ay salubungin ito ng halik ng isang babae. Saktong-sakto at akmang-akma ang pagkakalingon nito.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dahlia Ramirez ~
Hindi makapaniwala si Rose sa nasaksihan niya. Napatakip na lamang siya sa kanyang bibig. Bakit ganito kahabulin si Zandro? Kahit saang lugar sila mapunta may babaeng nakabuntot rito? May balat kaya ito sa pwet?
"Hi baby. "
Hindi nakaligtas sa pandinig ni Rose ang malutong na tinig mula sa smack kiss na ginawad ng babae kay Zandro.
"What the hell? " saka dahan-dahang binalingan siya ng tingin ni Zandro. Mukhang inaalam nito kong nakita niya ang sandaling yon.
"I know you'll like this place kaya ko nga sayo ito binigay. " Magarbong pahayag ng babae na sinabayan nito ng pagkaka-akbay kay Zandro. As if marking her territory!
Aba! Hindi maiwasang mapaikot ng mata niya si Rose habang nagmamasid sa dalawa.
"I bought this to you, Dahlia. Stop saying ibinigay okay!" Giit ni Zandro na medyo nagpa gaan ng kaunti sa dibdib niya. Pero yung halik talaga ng babaing Dahlia kay Zandro ang inaantay niyang pupunahin nito, pero di man lang nito pinansin.
"Kahit na, kong di ko sayo binigay malamang napunta na sa iba ang haciendang to na pinaghirapan-"
Mabilis namang natakpan ni Zandro ang malapwet ng manok na bibig nito sa kakadaldal.
Napapailing nalang si Rose sa nasasaksihan niya. May LQ pa ata. She just stayed so quiet at pinapanood ang bardagulan ng dalawa. Base sa nakikita ni Rose mukhang matagal nang magkakilala si Zandro at Dahlia. Di naman masyadong halata sa closeness nilang dalawa.
Napansin niya ang pagtikhim ni Zandro sa tabi niya. "Ah nandito pala ako kala ko taga ibang planeta ako. " wika niya, wala siyang pakialam kong maranig man nilang dalawa.
Ramdam niya ang paglapit ni Zandro sa kanya. Lalo na ang pagkaka-akbay nito sa kanya ni Zandro. Nararamdaman niyang humihingi na naman ito ng saklolo. Lalo na sa ganitong sitwasyon.
Iismiran niya sana ito. Pero she decided to play along.
"Dahlia meet my fiancee, Rose. Rose meet Dahlia my childhood friend."
She was distant para siyang foreign antibodies sa dalawang kaharap niya.
"Hi, ako nga pala si Rose Zandro's fiancee, yung nakatayo dun kanina. Habang naghalikan kayong dalawa. "Hindi nakapagsalita ang dalawa. Si Zandro naman ay napakamot sa ulo niya. Habang si Dahlia ay umiwas ng tingin sa kanya.