24
Ilang sandali ring nabusy si Rose sa mga putahing naiisip niyang lutuin hanggang sa maisipan niyang pumunta sa Manor upang kausapin si Aling Pasing na siyang taga pangasiwa sa kusina ng buong Manor nila Candice. Ito at ang asawa nitong si Mang Tupe ang nakakasama niya noong apat na araw na wala si Zandro. Mababait at palakaibigan naman kasi ang mga ito kaya hindi siya nababagot sa mga mumunting kwentuhan nila.
Palabas na siya ng Villa nila ng mamataan niya ang may katabaan na Ginang na sa tansya niya ay nasa singkwenta na ang edad.
"Aling Pasing, " tawag niya rito para maagaw ang pansin nito.
"Oh Ma'am Rose. "
Napakurap siya. "Ano ka ba Aling Pasing Rose nalang. "Pagtatama niya rito.
Napangiti naman ang ale.
"Nakakabagot po doon sa villa, dito nalang muna ako Aling Pasing. " Nakangiting sagot niya.
"Naku pasaway ka talagang bata ka, okay kana ba? Kamusta yung sinat mo? "
"Ay yun ba, okay na po, ako pa ba?" Aniya habang pinagmamalaki ang maliit na maskels niya.
"Aysus, hito oh magmeryenda ka muna. Sa liit ng braso mong yan baka di mo kayanin si Sir Zandro." Sambit nito sabay humagikhik ng tawa at may pag-abot ng pagkaing dala nito mula sa bilaong bit-bit nito. Hindi niya nakaliktaan mapasimangot bago tinanggap ang bibingka na paborito ata nito. "Malamang sa laki ng katawan ni Sir Zandro. " Nakikiliting dugtong pa nito.
"Kayo talaga Aling Pasing, baka mag selos si Mang Tupe sa inyo niyan." Pagbibiro niya rito sabay kumagat sa bibingka na nagiging paborito narin niya simula nung makilala niya ang Ginang. Palagi itong may gawang kakanin na masasarap.
Mang Tupe stands for Cristopher ang asawa ni Aling Pasing may labinlimang taon ng kasal ang mga ito. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi sila nabiyayaan ng anak.
"Aling Pasing paano nyo po napapanatiling masigla ang relasyon ninyo ni Mang Tupe?" Maya-maya tanong niya.
"Ay naku Rose, dasalan mo lang, "
Napakunot naman siya. "Dasal po? "
"Oo hija tiyak. Lahat ng mga kahilingan mo tutuparin niyan. " Napansin niya ang pag ngisi ni Aling Pasing indikasyon na binibiro na naman siya nito.
"Aling Pasing naman eh, " nakasimangot na turan niya. Alam niyang inaasar siya nito.
"Natutuwa lang ako sayo Hija, napaka inosente mo, kaya siguro mahal na mahal ka ni Sir Zandro. "Kamuntik na siyang mapangiwi sa sinabi nito. "Kung alam nyo Aling Pasing" wika niya sa kanyang sarili.
"Ay naku iba nalang po pag-usapan natin wag lang mahal mahal na yan. Teka saan pala ang punta natin?"Pag-iiba niya ng usapan. Pansin niya ritong gayak na gayak ito ngayon. May suot kasi itong sombrero at medyo naka pustora.
"Ay oo nga pala, mabuti at natanong mo aba'y mamalengki kami ni Tupe, malamang naniinis na yon ngayon, inaantay na ako nun. "
Napangiti naman siya sa sinabi nito, naantala pa pala ito dahil sa malutong na kwentuhan nila,"Ay ganun ho ba, pwede po bang sumama? "
"Ay oo naman halika na dali. " at nagmamadaling naglakad.
Agad-agad na siyang sumunod dito. Isa pa gusto niya ring makita ang bayan rito. Nakwento rin kasi ni Aling Pasing sa kanya na may kalahating oras ang papuntang palingke ng bayan ng San Andres. Isang tahimik na bayan sa Batangas.
Tahimik lamang siyang nagmamasid sa mag asawa mensan sa labas nakatuon ang pansin niya sa backseat siya at sa harap naman ang mga ito.
Nang marating nila ang sentro ng bayan ay nautusan siyang bumili ng sandamakmak na bulaklak ewan niya kung para saan ito. Pero natutuwa siya dahil mahilig rin talaga siya sa mga bulaklak lalo na partikular na bulaklak ang Rose. Na siyang inutos sa kanya na bilhin niya. Bali lahat ng kulay ng Rosas ay kailangang makumpleto niya. Hanggang sa di sinasadyang mapansin ang isang pulumpon ng mga Lilies. Hindi niya kung bakit pero may nagsasabi sa kanya na kunin ang mga iyon. Gusto rin niya ang bulaklak na ito. Kaya lumapit na siya sa cashier at binayaran na niya lahat ng kukunin niya.
BINABASA MO ANG
Owning a Perfect Wife [COMPLETED]
General FictionMeet Zandro Monteclaro mayaman, strict at moody! A dashing bachelor successful business owner, running his own chain of stores, micro, medium and small enterprise nationwide. Hanggang sa mapasakamay ang isang Rose Flores. Ang anak ng isang ka-sosy...