Chapter 30

694 19 2
                                    

30

Maagang pumasok sa opisina niya si Zandro.

Agad niyang ipinatawag si Raf. Dahil nine-am na at wala parin ito. Kailangan niya ang minutes ng lahat ng nangyaring meetings nung nawala siya.  Kababalik lang niya from vacation.

"Oh bakit ngayon ka lang?  You're late for two hours bro? Sino ba secretary satin dalawa ako o ikaw? Nauna pa ako sayo dito. " Sabay umiling-umiling.

"Aba, talaga Boss?"

Tumango naman siya na siyang pagnguso rito. "Alam nyo po boss ilang araw po kayong nawala? "

Napakunot siya. "Tatlong araw. "Wika niya na tila nagbibilang sa pamamagitan ng mga daliri sa kamay.

"Oh di sino ang abala dito sa office?  Sino ang walang Vacation Leave? Pati holidays kinalimutan ko na para sa inyo. Pati pag aasawa isinantabi ko na tatanda na ata akong mag isa." Sabay sinabunutan nito ang sarili.

Napakunot siya sa inasta nito,"Oo na ako na ang pakawalang boss huwag kanang dumaldal at magdrama dyan. Di bagay sayo! "Aniya na naalibadbaran narin rito. Sino ba ang boss ito o siya?

Naalala tuloy niya a few years ago paano niya nakilala si Raf.

He's doing his master's that time ng makilala si Prof Atty. Rafael Santos. He's a professor sa isa pinasukan niyang university. Di niya akalain nung una na ito pala ang Professor ng klase nila.

Habang papunta sa room assignment niya ay nakita niya ang lalake binublly ito ng mga estudyante. Wala itong ginawa kundi ay hinayaan ang mga ito na saktan ito

Gustuhin man niyang makialam ay wala siyang oras para pumasok sa gulo ng ibang tao. They have to settle it on their own.

Pero pinaka ayaw niya talaga ay ang mang argabyado ng tao.

Napatikhim siya.

Agad naman napatingin sa kanya ang dalawang lalake. Mukhang magkasama ito sa iisang brotherhood. Hindi nakapagtataka. Kahit siya may natatanggap na offer. Na sumama sa isang sorority. Pero hindi niya ugaling sumama sa isang grupo. Wala naman kasi siyang kinatatakutan.

"At sino ka naman? "Untag ng lalakeng may mahabang pagmumukha sa kanya.

"Yung pen ko naapakan mo. " sabay turo niya sa ballpointpen na favorite niya.

Pupulutin na sana niya ng wala itong inaksayang oras at apakan ang ballpen niya. Wala sa loob na napaangat siya ng tingin. Pansin niya ang pagsingaw ng nakakaasar na ngiti nito.

"Bakit ganyan ka makatingin may problema ba? " Singhal nito sa kanya.

"Ah kasi, "sabay inismiran ito at sinalubong ng isang malakas na suntok sa sikmura. Agad itong napaubo at napayuko hawak ang tiyan.

Napangiti siya dahil hindi pa siya tapos.

Agad itong sumugod sa kanya hawak nito sa kabilang kamay ang isang paddle.

Ayaw naman sana niya makipag sapakan kaso- mabilis ang kanyang galaw at inilagan ang paghampas nito ng dos por dos umikot siya sa may likod. Mabilis niyang nahawakan ang kaliwang braso nito na may hawak na pamalo. Pinihit niya ito patalikod ramdam niya ang pag crack ng buto nito. Kaya hinayaan na niya nalang ito mamilipit sa sakit.

Agad niyang dinaluhan si Prof Rafael Santos. Kitang-kita niya ang takot nito mukhang wala naman itong galos na natamo.

Napahinga nalang siya at aalis na sana sa lugar na iyon.

Owning a Perfect Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon