16
Umaga na ng magising si Rose. Nakakahiya mang aminin ay inamin niya sa sariling napasarap ang tulog niya. Very unusual sa kagaya niya.
Mabilis siyang napabangon ng mapansin ang ibang istilo ng pagkakaayos ng buong silid hindi naman ganito ang ayos ng kwarto ni Zandro sa mansyon?
Gulat si Rose. Kaya agad siyang umalis sa kama at lumapit at binuksan ang window blinds. Hindi nga siya nagkamali nasa ibang lugar na siya. Pero paano? Marahil hindi lang niya napansin pero dito na nga siya inuwi ni Zandro kagabi hindi siya nito ibinalik sa mansyon ni Great Grandma. Natutup ni Rose ang sarili ng marealize ang kaisipang yun.
Ano ang ibig sabihin nito? Itinanan na ba siya ni Zandro?
"Good morning, "
Napakurap siya ng dalawang beses at mabilis na binalingan ang pinagmulan ng boses.
"Zandro—"Natahimik siya sa mga sasabihin pa sana niya ng makita ang mga dugo sa bawat parte ng damit ni Zandro. Agad siyang sinalakay ng takot.
Agad niya itong nilapitan at sinuri kong saang parte ito napuruhan. "Anong nangyari? " Wika niya. Yung talbog ng puso niya ay wala na sa wastong ritmo. Ang importanti ay kailangan nito kaagad malapatan ng paunang lunas.
"Asan ang first aide kit niyo dito?" Nenerbyos niyang turan dito.
Parang tangang pinag hahawakan niya ang buong katawan ni Zandro hanggang sa mahawakan nito ang mga kamay niya para pigilan siya."Anong ginagawa mo? Kailangan natin mahanap yung sugat. " naiinis na siya sa pagiging kalmado nito. Sa dami kasi ng dugo nito mukhang sa may hita pa ito napuruhan. Napapaisip tuloy siya sayang ang future.
"I'm fine,"
Napatingin siya sa mukha nito,"Fine?" paggaya niya dito. Kahit hawak na nito ang mga kamay niya ay hinahanp niya parin kong saan maaring nagmula ang dugo.
Hindi niya maintindihan, hanggang sa maisipan niyang bawiin ang mga kamay niya mula dito.
"Bitawan mo nga ako. "
"No. Baka kong ano pa makapa mo dyan. " nakangising turan nito sa kanya na naging hudyat ng pamumula ng pagmumukha niya. Alam niyang nagmumukha na siyang hinog na makupa.
"Ano ba kasing nangyayari sayo bakit—"
Mabilis nitong nahawakan ang magkabilang balikat niya. "I'm fine. But for now... Let's go. I have something to show you. "Nakangisi ang buong pagmumukha nito habang titig na titig sa kanya.
"Ano? " yan lang talaga ang nasabi niya. Ayaw niyang malaglag ang panty niya sa klase ng ngiting pinapakita nito sa kanya.
"Come. "Saka hinila na siya nito sa kabilang kamay niya. Hindi niya maiwasang magpahila nalang rin dito. Dahil wala naman siyang alam kung saang lugar sila.
Narating nila ang isang farm house. Tangan sila ng golf cart na siyang gamit-gamit ng mga tauhan nito dito.
Ipinaliwanag din ni Zandro na nasa Zambales pala sila ngayon. Ganun kalayo ang narating niya habang tulog na tulog. Kahit siya hindi makapaniwala parang gusto nalang tuloy niyang himatayin sa gulat.
Mabilis itong bumaba ng maiparada ang cart. Mabilis itong lumipat sa side niya upang alalayan siyang makababa. Kahit na alam niyang parang sinisilaban na ang pwet nito sa pagmamadali ay nagagawa parin nitong unahin siya.
Nakakaintriga tuloy kong ano ang gustong-gusto nitong ipakita sa kanya. Mabibilis ang naging hakbang ni Zandro ng makapasok sa loob ng naturang barn house. May mga naglalakihang kabayo na sa sapantaha niya nasa bilang na sampo. Hanggang sa marating niya ang kinarorounan ni Zandro sa may pinakadulong parte.
![](https://img.wattpad.com/cover/243428670-288-k566157.jpg)
BINABASA MO ANG
Owning a Perfect Wife [COMPLETED]
Genel KurguMeet Zandro Monteclaro mayaman, strict at moody! A dashing bachelor successful business owner, running his own chain of stores, micro, medium and small enterprise nationwide. Hanggang sa mapasakamay ang isang Rose Flores. Ang anak ng isang ka-sosy...