29
Nang matapos makaligo si Rose ay hinayaan na muna ito ni Zandro na makapagbihis. Hihintayin na lang muna niya hanggang sa makapagbihis ito. He decided to wait for her sa dining table na inihanda niya.
After twenty minutes na pag aantay ay naramdaman na rin niya ang mga yabag nito papunta sa kinarorounan niya. He is excited to see her smile. Alam niyang matutuwa ito sa inihanda niyang paborito nito.
"Come here, " tawag niya sa asawa.
"Mahal ko." Nakangiting tugon kitang-kita ang kapormalan ng pananamit nito at ang eleganting kilos at lakad.
Napalunok siya sa napaka sophisticated aura nito. Hindi niya alam pero parang may mali. Tumikhim siya at agad napatayo upang salubungin ito at ipaghila ng upuan. Nang makaupo ay dinampian lamang niya ito ng halik sa pisngi.
Bumalik na si Zandro ng upo sa silya niya, kaharap niya si Rose,"Saan mo nakuha ang mga damit na iyan? " nakangiting tanong niya, mukhang bago kasi lahat ng damit nito.
"A-ah ito ba binigay ni Lily. Alam mo na babalik na pala ito ulit sa States." Balita nito.
Napakurap si Zandro. "Nagkausap pala kayo? " nakakagulat dahil hindi naman pala kibo si Lily sa kanyang asawa.
"A-ah syempre naman we're friends naman dati pa. "Matipid na tugon nito. Saka kinuha ang orange juice at sumipsip mula doon.
Ipinagkibit balikat nalang ni Zandro. "Sabi mo eh, ito nga pala adobo alam kong paborito mo yan. " Nakangiting alok niya sa pagkaing pinaghirapan niya.
Pansin niya ang pag tiim ni Rose na tila ba ay pinag iisipan nito kong kukuha ng adobo o hindi. "Ako na maglalagay ng kanin at itong paborito mong adobo. " pinagsalin niya ito ng kanin at adobo sa plato nito.
"Alam kong masasarapan ka dyan ilang oras ko ring niluto yan. Para special,"
Napangiti naman si Rose at unti-unting tinikman ang luto niya. "Ano lasa? " Excited na tanong niya.
"Masarap kuhang-kuha mo talaga templang tinuro ko sayo." Saka ngumuya at uminom ulit sa orange juice na hinanda niya.
Napangiti lang si Zandro kaso napaisip siya hindi niya kasi maalala na tinuruan siya ni Rose gawin ang adobo.
Kumarap-kurap siya habang pinagmamasdan si Rose. Na ngayon ay mahinhing ngumunguya ng karne ng manok na pinaghirapan niya.
Napahinga ng malalim si Lily ng makabalik sa kanyang silid. She is now Rose Flores-Monteclaro pero kahit na ganoon hindi parin mapanatag ang kaniyang loob kahit nasa kanya na ang mukha at pangalan ni Rose. Twelve years rin ang hinintay niya to reclaim her real name.
Isa ito sa pinakaminimithi nila ng kanyang Tito Demetri. May ilang na pinagtangkaan nila ang buhay ni Rose noon, dahil napag-alaman nilang buhay pala ito.
Naging mahirap ang pinagdaanan niya ng parehong mawala sa sunog ng kanyang mga magulang. Hindi siya kinikilala ng abuela niyang si Erma Martinez. Na isang malaking palaisipan sa kanya. Napag alaman niya sa Tito niya na may batang sumulpot ng araw na yon sa mansyon at siyang nagsimula ng apoy. Malabo sa kanya ang iilang detalye gawa ng brain trauma. Pero sa tulong ng kanyang Tito Demetri naging malinaw ang lahat.
Isa pa naguluhan rin siya dahil nung magising siya noon ay Lily na ang tawag sa kanya nito. Pero wala narin siyang ginawang pagtutol noon gawa ng trauma niya sa nangyaring sunog. Naging malinaw sa kanya na yung batang nagngangalang Lily ang nagsimula ng apoy. Kung kaya ganon nalang kagustuhan niyang tulungan si Demetri. Sa katunayan siya mismo ang gumawa ng surgery nito. Kahit papano alam niya ang ginagawa.
BINABASA MO ANG
Owning a Perfect Wife [COMPLETED]
General FictionMeet Zandro Monteclaro mayaman, strict at moody! A dashing bachelor successful business owner, running his own chain of stores, micro, medium and small enterprise nationwide. Hanggang sa mapasakamay ang isang Rose Flores. Ang anak ng isang ka-sosy...