Chapter 26

1 0 0
                                        

Dalawang araw na nagpapahinga si KC dito sa unit ko. Minabuti na muna namin ni Zeke na 'di makalabas ang nangyari kay KC hangga't wala pang resulta ang paghahanap ng mga tauhan namin.

Hindi pa ulit ako nakakabalik sa University dahil na rin sa mga sunod sunod na pangyayari na nagaganap sa amin.

"Did he call you?" naputol ang pag-iisip ko ng marinig ko ang boses ni KC sa likod ko.

"Bakit ka tumayo? Dapat nagpapahinga ka." agad akong lumapit sa kanya para alalayan siyang makaupo sa sofa.

Mahina siyang napatawa. "Hindi ako sanay na ganito ka sa akin. Mas gusto ko na nagsusungit ka dahil sa kakulitan namin ni Zeke, and besides, nakakapagod din ang humiga. Baka lalo akong hindi gumaling."

"Do you need anything?"

"Makita lang kitang ligtas ngayon, ayos na ako, Nami" nakangiti niyang sagot.

Ang alam ko hindi siya sa ulo tinamaan, bakit ganito siya magsalita ngayon?

"Ang dami nila, I think three vans. It looks like they want to capture you again."

Napapikit ako sa narinig ko. Wala na ba silang maisip na ibang paraan? Kaya nga mas dumami ang security in the past few years dahil sa nangyari sa akin noon.

"Sa mga oras na ito, paniguradong alam na ng Emperor ang nangyari sa iyo. Ang sakit nila sa ulo."

Muling napatawa si KC dahil sa narinig niya sa akin. Stress lang talaga ang binibigay sa akin ngayon.

"About doon sa pinapaasikaso mo, within this week maibibigay na sa akin yung resulta."

"Tumawag na ba si Zeke sa'yo?" nakakapagtaka at hindi pa tumatawag sa akin si Zeke.

"Paniguradong nalulunod na 'yun sa mga tanong ni Lolo sa nangyari sa akin kagabi. Alam mo namang mabilis makasagap ng balita si Lolo lalo na patungkol sa ating tatlo."

I checked my phone. Still no call from Jenthrix. Ano na kayang nangyari sa kanya? Hindi naman siya ganito dati.

I checked his social media accounts hoping to get an update about his whereabouts. As I scrolled through his profile, I didn't see anything unsual except on one picture. Familiar ang lugar na iyon sa akin. Other than that, wala na akong ibang nakita. Some of the pictures are taken to the places that we've been.

"Still no message from him?" I closed my phone.

Tiningnan ko ang singsing na nasa kamay ko. Sanay naman akong wala siya dahil sa work niya. He's a well-known model, local and international. Hindi rin naman siya nakakapag-message sa akin dahil sa schedule niya pero nagagawan niya naman ng paraan kapag nagkakaroon siya ng free time. Agad naman siyang tumatawag kapag nakakakuha siya ng pagkakataon.

But this time... no contact at all.

"Do I need to be worried?" I ask him.

"Nangyari na ba ito before? No contact from him?" he asks me. "No." sagot ko.

"Gusto mo bang ipahanap ko siya?"

"Para gamitin siya ni Lolo para lamang matuloy ang kasal na gusto niya? Hell no, cous!"

Hindi ko gagamitin ang koneksyon na meron ako para lamang ipahamak si Jenth. Iniingatan kong huwag siyang madamay sa gulo na meron ako sa pamilya ko.

"My god, Nami! Hindi ka pala talaga yelo." namamangha siya dahil na nakikita niya sa akin.

Binato ko sa kanya yung pillow na nasa tabi ko. Kahit kailan talaga, hindi pwedeng hindi niya ako naaasar. Ito talaga ang love language nila ni Zeke sa akin.

A Princess ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon