"Nami! Sabi mo makakapag-relax tayo, eh bakit mo naman kami dinala rito?!"
Kanina ko pa naririnig ang mga reklamo ni Zeke na akala mo ay huling araw na niya sa mundong ibabaw.
"Dapat hindi ka na lang sumama kung natatakot ka rin lang naman pala." sabi ko habang hinanap ang target ko.
Hindi sumama sa amin si KC dahil nakiusap siya sa akin na siya na muna ang titingin ng mga dapat kong gawin sa kumpanya pero hindi ko sinabi sa kanya kung saan at kung ano ang gagawin ko.
Dahil hindi mapapanatag ang loob niya na hindi siya ang kasama ko, tinawagan niya si Zeke para ito na lang daw ang papalit sa kanya. Mas panatag daw ang kanyang loob kung si Zeke ang kasama ko.
"Pag-uwi talaga natin, babatukan ko si KC! It's not fair!" sigaw ni Zeke habang tumatakbo palayo sa akin para magtago. Nagulat kasi siya ng paglingon niya ay sa kanya nakatapat ang pana na hawak ko.
Dito ko siya dinala sa Archery Sanctuary dahil gusto kong mabaling sa iba ang atensyon ko.
Isang linggo na ang nakalipas ng sabihin ng Lolo ko na makikipagkita kami sa mga Ryu. Hindi naman ako pwedeng basta basta kumilos dahil malalaman niya kaagad ang mga pinag gagagawa ko, at isang linggo na rin akong hindi kinakausap ni Jenthrix.
Tinawagan ko na rin si Stenard para magtanong kung alam niya ba kung nasaan si Jenth, kahit siya ay hindi pa rin nakakausap ang kanyang kaibigan.
Maraming nangyari sa loob ng isang linggo. Nakuha na namin ang listahan ng mga taong sumisira sa kumpanya na agad nalaman ni Lolo. Pati ang mga affairs sa University ay inalam niya. Parang gusto ko na lamang bumalik ng Japan dahil hindi na nila ako nilulubayan dito sa Pilipinas.
Mabilis akong yumuko ng marinig ko papalapit na pana.
"What the hell, Zy Kenji?! Are you going to kill me?!" singhal ko sa kanya ng makitang nakatutok sa pwesto ko ang pana niya. "Are you fucking nuts?!" I draw my bow and point on him.
"Bakit ka ba kasi nakaharang?" seryoso niyang tanong sa akin habang nakatutok pa rin sa akin ang kanyang pana. Mas lumapit pa ako sa kanya at itinapat ang dulo ng kanyang pana sa ulo ko. "What the hell, Nami?!" Pinipilit na niyang higitin ang pana sa pagkakahawak ko.
"C'mon, if you want to kill me make sure you go for the head or else, I'm the one who will kill you." malakas kong binitawan ang pagkakahawak ko sa pana niya dahilan para mawalan siya ng balanse.
Kung mawawala naman ako, paniguradong si KC ang ipapalit nila sa akin. Iikot lang sa aming tatlo ang responsibilidad na hawak ko ngayon.
"Then kill the future heir of our line? I don't have a death wish."
Napatigil ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya.
"Nakalimutan mo na ba? Sa ating tatlo, ako ang may matalas na pandinig." Napahakbang ako papalayo ng nagsimula na siyang lumapit sa akin. "I felt betrayed because you didn't tell me about it."
Agad akong hinawakan ni Zeke ng bigla akong mawalan ng balanse dahil sa paghakbang ko papalayo sa kanya.
"Naiintindihan ko naman kung bakit mo tinago, pero sana sinabi mo pa rin sa akin. Tayong tatlo na nga lang ang magkakampi."
Tiningnan ko lang siya dahil sa mga pinagsasabi niya at napayuko ako dahil doon. Hindi ko kasi akalaing ganoon niya mararamdaman ang mga nangyari. Hindi ko naman intensyong itago sa kanila, lalo na sa kanya—sa kanila ni KC. Pero sa dami ng nangyayari, hindi ko na rin alam kung alin ang dapat unahin, kung alin ang dapat panghawakan.
"Zeke..." mahina kong tawag sa kanya, pero hindi ko naituloy ang sasabihin.
"Alam mo, Nami," patuloy niya, habang tinutulungan akong makaupo sa isang bangkong gawa sa kahoy sa gilid ng training area, "Hindi mo kailangang akuin lahat. Lalo na ngayon."
BINABASA MO ANG
A Princess Choice
RomanceAsakura Series 2 Everyone sees me as a tough, cold and empowered but little did they know that I'm stuck between my royal duties and fighting for the person I love. Natsumi is the owner of Tri-Zumi University and the missing secret princess of the A...
