LISA's POV
"Ano pala yung sasabihin mo?" tanong ko kay Bambam. Pauwi na kasi kaming dalawa at nabanggit niyang may sasabihin siya sakin
Ilang araw nakalipas matapos namin mag usap ni Rosé. Pinagisipan ko rin talaga yung sinabi niya at tingin ko tama siya. Aamin na ko kay Bambam ngayon, sure na ko don.
"Kuya bayad po dalawa" pag abot niya sa driver ng jeep na sinasakyan namin. Sino ba kasing di kikiligin sa ginagawa niya. Hatid sundo tas madalas pa kong ilibre dagdag mo pa sobrang gentleman niya. Pakiramdam ko kung itatago ko pa tong feelings ko di ko na kakayanin. Kailangan ko ng sabihin sakanya 'to
"Bambam" giit ko. Nilingon naman niya ko ng may ngiti
"Ay oo nga pala may sasabihin ako sayo"
"Ako rin may sasabihin"
"Talaga? Ano?"
"Di ikaw muna"
"Ah kasi Lisa matagal ko na tong gusto sabihin sayo" pag hawak niya sa batok niya. Bumilis naman ang tibok ng puso ko nun "Di ko alam kung pano sabihin kasi baka mabigla ka" Shit shit shit. Ano ba tong sasabihin niya sakin? "Ah Lisa..
... pwede mo ba ko tulungan pormahan si Minnie? diba magkaklase at close kayo?"
Parang huminto ang mundo ko nun. May iba siyang gusto? Pero akala ko...
"Kuya para!" mabilis kong pag tayo
"Huy teka san ka pupunta??"
"May nakalimutan pala ko sa room mauna ka na umuwi"
"Teka lang oy!" hindi ko siya nilingon at mabilis nang bumaba ng jeep
Onti onti na rin nag sipatakan ang luha galing sa mata ko. Akala ko ako na.. akala ko lang pala.
BINABASA MO ANG
𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗼𝗳 '𝟵𝟳
Fanfiction𝘈 𝘨𝘳𝘰𝘶𝘱 𝘰𝘧 𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥𝘴 𝘢𝘣𝘰𝘶𝘵 𝘵𝘰 𝘴𝘦𝘵 𝘵𝘩𝘦𝘪𝘳 𝘭𝘢𝘴𝘵 𝘺𝘦𝘢𝘳 𝘪𝘯 𝘤𝘰𝘭𝘭𝘦𝘨𝘦 𝘢𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘰𝘴𝘵 𝘮𝘦𝘮𝘰𝘳𝘢𝘣𝘭𝘦 𝘰𝘯𝘦 ✎ '97 liners boys ✎ '97 liners girls ❀