LISA's POV
"Grabe iwas na iwas si JK ah" giit ni Jihyo
"Oo nga bigla ba naman humiwalay satin" dagdag ni Yuju
"Ano ba kasi nangyare sainyo nun?" tanong ni Jihyo kay Eunha
"Wala space daw kami. Di ko naman alam wala nang balikan"
"Oh my god! Yun pala nangyare sainyo?" pag tigil ni Rosé kumain. Ngayon lang talaga siya huminto, kanina pa siya lamon ng lamon diyan. Nandito na kasi kami sa bahay nina Jihyo
"Uyy ayos ka lang ba?" tanong ni Mina kay Eunha. Mahina naman itong tumango. Hayst mga lalaki talaga
"Nako dapat sa mga ganyang lalaki binubugbog" giit ko
"Tama tama. Wag ka papaapi!" dagdag ni Yuju
"Kung ako sayo dinala ko na yun sa solar system. Space pala ah" giit ni Rosé
"Potek loko to" pag tawanan namin
"Jihyo!! Tao po!" napakunoot naman ang noo ko sa tumatawag sa labas. Sino yun?
"May susunod pa ba satin?"
"Wala. Tayo lang girls inaya ko"
"Eh sino yun?"
"Teka nga puntahan ko na. Ang ingay amp" pag tayo ni Jihyo
"Hello girls!!" masayang bati ni Bambam. Anong ginagawa nito dito?
"Di ka sumama kina Jungkook?" tanong ko
"Pumunta lang ako para sa libre. Tas dumiretso na ko dito"
"Gago ka talaga!" tumawa lang siya at umupo sa sofa
"Oyy bat ka andito? Mas malapit sa school natin yung pinuntahan niyo ah" tanong ni Yuju
"Wala. Sabay lang kami ni Lisa papasok. Baka madapa yan eh tanga pa naman" natatawang sabi ni Bambam
Medyo nanlaki naman ang mata ko. Ano daw? Tama ba ako ng narinig? Pumunta pa siya dito sa bahay ni Jihyo para sabay kami papasok??
"Wow bestfriend goals!" kantyaw ni Rosé. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Alam kasi netong babaeng 'to ang totoong feelings ko kay Bambam. Nginisian lang niya ko
"Bakit kayo rin naman ni Jaehyun ah?" biro ni Bambam
"Gago di nga ko pinapansin nun kahit anong kulit ko. Tiga north pole ata yun sa cold eh"
"Ah kawawa ka naman" pag tawa ni Bambam. Cute niya talaga kainis
Napatingin naman siya sakin at Shit! Titig na titig pa ko sakanya nun nakakahiya
"Oy Lalisa tara na! Iwan mo na yang mga yan ambabagal eh"
"Aba ang kapal" giit ni Jihyo
"Oh ano? Tapos ka na ba diyan?" tanong pa niya
"Oo na eto na tangina nito" nag tatawa naman siya habang ako nag mamadali mag ayos ng gamit. Mga ginagawa ko talaga para sa lalaking to
"Mauuna na kami guys. Kitakits sa school!" pag paalam ni Bambam sa girls
"Ge ingat kayo use protection!" nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Roseanne. Walangya! "I mean mag payong kayo. Ang init kaya sa labas"
"Wag ka mag alala. Lagi akong may dalang protection Rosé" pag singgit ni Bambam. WTH my innocent ears
"Mga kalokohan niyo talaga. Alis na nga kayo!" pag taboy samin ni Jihyo. Ganyan siya mag mahal
Pag labas namin ng bahay ni Jihyo nag labas si Bambam ng payong. May protection nga HAHAHAH
"Teka Lisa hawakan mo muna payong natin may kukunin lang ako" tumango naman ako at kinuha ang payong
May bitbit kasi siyang paperbag pag dating niya. Eto siguro libre ni Jungkook sakanila
"Nag take out ako french fries kanina. Paborito mo yun diba?" tangina bes
Parang huminto mundo ko sa sinabi niya. Bat naman siya ganto lalo akong nafafall eh 😭
"T-thank you" pag kuha ko nung pag kain
"Kainin mo na yan habang mainit pa. Baka di na masarap yan mamaya" tumango na lang ako at siya naman na ang nag hawak ng payong namin
Potek sana araw araw ganto. Thank you Lord sa blessing!
BINABASA MO ANG
𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗼𝗳 '𝟵𝟳
Fanfiction𝘈 𝘨𝘳𝘰𝘶𝘱 𝘰𝘧 𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥𝘴 𝘢𝘣𝘰𝘶𝘵 𝘵𝘰 𝘴𝘦𝘵 𝘵𝘩𝘦𝘪𝘳 𝘭𝘢𝘴𝘵 𝘺𝘦𝘢𝘳 𝘪𝘯 𝘤𝘰𝘭𝘭𝘦𝘨𝘦 𝘢𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘰𝘴𝘵 𝘮𝘦𝘮𝘰𝘳𝘢𝘣𝘭𝘦 𝘰𝘯𝘦 ✎ '97 liners boys ✎ '97 liners girls ❀