MINA's POV
Driver
Bambam Lisa Yugyeom DK
Jungkook Jihyo Yuju
Jaehyun Rosé Eunwoo
Eunha Mina Mingyu"Oy usod nga kayo ang sikip" reklamo ni DK
"Sino ba kasing nag sabing sumiksik ka saming tatlo dito? Nasisikipan na rin sayo si Lisa eh" giit ni Bambam
"Eh baka bigla akong masuka eh" mabilis kasi mahilo tong si DK kaya pumwesto siya sa tabi ng pinto ng van
"Uminom ka kasi gamot para di ka mahilo parang tanga" puna ni Yuju na nasa likod niya
"Nakalimutan ko mag dala"
"Dinalhan kita" pag abot ni Yuju kay DK ng gamot
"Ayon! Thank you!" masayang pag kuha niya
"Tabi nga diyan dun na ko sa likod" pag tayo ni Yugyeom. Katabi kasi niya sina Bambam, Lisa at DK dun sa harapan at siksikan sila.
"Pre naman natapakan mo white shoes ko" reklamo ni Eunwoo
"Kasi naman alam na dadaan ako ayaw pa umusod"
"Oh ayan na" pag akbay ni Jaehyun kay Rosé at hinila ito palapit sakanya para makadaan si Yugyeom
Nanlaki naman ang mata ni Rosé at malakas na tumawa si Eunwoo. Sa third row kasi ng van mag kakatabi si Jaehyun, Rosé, at Eunwoo.
"Sige pre daan ka na" masayang sabi ni Eunwoo
Umupo na si Yugyeom sa tabi namin ni Mingyu
"Ay nako thirdwheel pala ako dito" giit niya
"OA nito" sagot ni Mingyu
"Kay Eunha na lang ako tatabi. Usod diyan"
Umusod na nga kaming dalawa ni Mingyu. Pano tumabi kasi sakin agad yan. Eh si Jihyo hiluhin din kaya di pwede dito sa dulo. Nauna kasi kami dumating ni Eunha sa meeting place kaya sa dulo na kami umupo. Nag book si Jungkook ng resort at sa beach kami papunta ngayon.
"Jihyo paabot naman ng chips" giit ni Eunha
"Ay wala sakin nasa bag ni Jungkook"
Unconsciously kaming natahimik lahat at pa simpleng napatingin sa dalawa
"Ha? May kailangan ba kayo sakin? Parang narinig ko pangalan ko?" tanong ni Jungkook na kakatanggal lang ng earphones
"Penge daw chips si Eunha pre" sagot ni Yugyeom. Agad naman siyang siniko ni Eunha
Napatingin muna si Jungkook sa pwesto ni Eunha saka niya binuksan ang bag niya
"Cheetos favorite mo diba?" tanong ni Jungkook
"A-ah O-oo" pag sagot ni Eunha
Jusme miski ako parang pinag papawisan sa pag uusap nila, di kasi talaga sila nag uusap. Siguro sa room lang pag kaming tatlo lang pero pag mag kakasama kaming mag trotropa hindi talaga.
"Thanks" sabi ni Eunha nang matanggap na niya yung cheetos. Tumango lang si Jungkook bilang sagot
"Grabe the world is healing. Nag papansinan na silang dalawa" biro ni Yugyeom. Di ko naman napigilan matawa.
Yeah he's right. One of the few times na decent ang conversation nilang mag ex. Kasama nila ako madalas kaya ramdam ko yung hirap. Sana lang mag tuloy tuloy na 'to.
"Nag dala ako extra pillow neck ikaw na lang gumamit" pag abot ni Mingyu sakin
Di kami masyado nag kakasama these past few weeks kasi busy siya sa mga game niya at ewan medyo iniiwasan ko rin siya kasi baka may something nga sila nung Chaeyeon.
"May gusto ka bang kainin. May mga snacks ako dito sa bag" alok niya
"Mamaya na lang. Medyo antok pa ko eh ang aga kasi namin nagising ni Eunha"
"Oh okay pahinga ka na. Do you want to listen to music ba?"
"Hmm sige"
Nilabas niya yung earphones niya at nakinig na kami ng music sa playlist niya. Madalas din namin tong gawin dati ngayon nga lang naulit. Di ko mapigilan mapangiti dahil sa mga sweet gestures niya. Di naman siguro masama mag kacrush 'no? Okay lang naman kung di niya ako gusto. Ang importante alam ko na feelings ko sakanya. I like Mingyu.
BINABASA MO ANG
𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗼𝗳 '𝟵𝟳
Fanfiction𝘈 𝘨𝘳𝘰𝘶𝘱 𝘰𝘧 𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥𝘴 𝘢𝘣𝘰𝘶𝘵 𝘵𝘰 𝘴𝘦𝘵 𝘵𝘩𝘦𝘪𝘳 𝘭𝘢𝘴𝘵 𝘺𝘦𝘢𝘳 𝘪𝘯 𝘤𝘰𝘭𝘭𝘦𝘨𝘦 𝘢𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘰𝘴𝘵 𝘮𝘦𝘮𝘰𝘳𝘢𝘣𝘭𝘦 𝘰𝘯𝘦 ✎ '97 liners boys ✎ '97 liners girls ❀