73

65 3 0
                                    

LISA's POV


"Mag patugtog ka ng gitara Roseanne!" masayang sabi ko


Nakapabilog na kaming mag trotropa sa bonfire. Marami rami na rin kami nainom na aalak dahil medyo kanina pa kami dito.


"Uy pwede kanta kayong dalawa? Namiss ko na eh" giit ni Jihyo kina Jungkook at Eunha


Well totoo naman. Madalas pag nag iinuman kami tas may jamming, silang dalawa lagi ang kumakanta. Dun nga sila nag kainlaban dalawa eh. Dahil madalas sila sumali sa mga singing competition before tas ayun nag kadevelopan na rin sila.


"Si Rosé na lang kumanta siya naman na nag guguitara eh" sagot ni Eunha


"Ayos lang sakin" biglang pag salita ni Jungkook


Sinubukan kong di mag mukang nagulat pero grabe talaga ang pagkabigla ko. Di lang ako kundi pati na rin ang iba.


"Yun! Sige ano kakantahin niyo?" masayang sabi ni Jihyo


"Best part na lang" giit ni Jungkook "Alam mo naman kantahin yun 'no?" tanong niya kay Eunha. Tumango lang ito bilang sagot


Napahawak ako sa braso ni Bambam dahil sa nangyayare. Lahat kami malaki ang ngiti ngayon dahil nag kakausap na sila ulit.

Nagsimula nang mag gitara si Rosé at sinundan na ng pagkanta nina Eunha at Jungkook. Grabe ang ganda talaga ng boses nila walang kupas.


"Ang cute nila" mahina kong sabi at napasandal sa balikat ni Bambam


"Oo nga eh" pag ngiti niya sakin. Hayyy pano ba ko makakamove on neto kung sa gantong lalaki ako nag kakagusto?


Napatingin ako sa mga katabi ko. Akap akap ni Mingyu si Mina ngayon habang nag jajamming kami. Ang sweet talaga nila, hanggang taga sana ol na lang ata talaga ako. Dagdag mo pa na ang lamig ng panahon dahil sa lakas ng hangin. Ang sarap tuloy mag emote.


"Nilalamig ka ba?" tanong ni Bambam sakin


"Ayos lang ako" sagot ko pero di niya yun pinansin at hinubad ang kanyang jacket at pinatong sakin "Uy di na talaga kailangan"


"Ayos lang ako. Di naman ako lamigin eh" giit niya


"Uh thank you" ngumiti lang siya sakin


"Oh baka nag kakalimutan tayo yung ikot ng tagay" masiglang sabi ni Yugyeom. Naghiyawanan naman sila


Makalipas ang isang oras ng puno ng inuman at kwentuhan naka ramdam na rin ako ng pagkahilo. Heavy drinks kasi itong mga pinili nila.


"Pre lab na lab kita pre" pag pumilit na pag akap ni Eunwoo kay Jaehyun


"Taena umayos ka nga Eunwoo. Si Dokyeom yakapin mo single yan" pag tulak ni Rosé sakanya


"Ah eh bat si Jaehyun taken na?" tanong ni Mingyu


"Ayieee ano meron sainyo?" hiyaw ni Mina. Sobrang pula na niya lasing na ata


"Buhatin mo na nga yang si Eunwoo sa kwarto. Ang gulo" giit ni Rosé


"Okay wag ka umalis dito. Balikan kita saglit lang ako ah" sagot ni Jaehyun. Tumango lang si Rosé. Under kay master ah hahahah


"Hoy pigilan niyo si Yugyeom balak ata mag swimming sobrang dilim na!" sigaw ni Jihyo


"Ang bobo talaga nito" giit ni Bambam at biglang napatayo


Sumunod na rin ako sakanya para pigilan si Yugyeom. Kung saan saan kami nag lakad para mahanap si Yugyeom at hilong hilo na ko. Iba na talaga ang epekto ng alak sakin.


"Hoy Yug parang tanga bumalik ka nga dito!" pag hila ni Bambam sakanya


"Uy pre andyan ka pala! Tara swimming!" pag tawa ni Yugyeom


"Lasing ka na gago pumunta ka na sa kwarto"


"KJ naman" pag kamot ng ulo ni Yugyeom at nag lakad na pabalik


"Pasaway talaga" giit ko


"Oh ayos ka lang? Sobrang pula mo na ah? Nasobrahan ka ata" tanong ni Bambam


"Ayos lang ako" sagot ko at napasandal sakanya


"Oh ayan ba ang okay? Bagsak ka na oh?"


"Ayos lang" pag pikit ko. Si Yugyeom kasi hinabol pa namin lalo tuloy akong nahilo


Di ko masyado maalala ang nangyare pero pag ka mulat ko hinihiga na ako ni Bambam sa room namin ng girls. Aalis na sana siya ng hawakan ko ang kamay niya.


"Sorry nagising ba kita?" tanong niya. Napasinghap naman ako at napaayos ng upo


"Bam may itatanong ako sayo"


"Ha? Ano yon?" kinagat ko ang labi ko at napabuntong hininga


"Gusto mo ba talaga si Minnie?" bigla kong tanong. Kita ko ang pag kagulat sa muka niya. I can't stop myself anymore. Iba na epekto ng alak saakin


"Bat mo naman natanong yan?"


"Wala na ba akong pag-asa talaga?"


"H-ha?"


"Bat di na lang ako? Ako naman laging nadyan para sayo ah?"


"Anong sinasabi mo Lisa?" confused niyang tanong. Napaka slow naman ng lalaking 'to


Napapikit na lang ako at onting onting lumapit sakanya. Ilang segundo pa ay nag lapat na ang labi namin. Di ako oa pero parang may kung anong akong naramdaman. Eto ba yung sinasabi nila na parang makakaramdam ka ng sparks sa gilid? Duon lang ako natauhan.


Fuck I just kissed my bestfriend.

𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗼𝗳 '𝟵𝟳Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon