LISA's POV
"Bambam nakikinig ka ba?" tanong ni Minnie
Nung pumunta kasi si Bambam sa room namin bigla ba naman ako sinama sa lakad nilang dalawa ni Minnie. Eh minsan na lang sila magsama dalawa tas ganto pa siya.
"Ah sorry. Ano nga ulit yon?" nag iwas ng tingin sakin si Bambam. Kanina pa siya panay titig sakin. Nakakahiya kay Minnie baka kung ano isipin.
"Wala ka ata sa mood ngayon? Okay lang naman kung umuwi na tayo agad" tanong ni Minnie
"Oo wala rin talaga ako sa mood-" di ko na napigilan ang sarili ko at agad hinila si Bambam palayo bago pa siya may masabi na kung ano ano
"Excuse me lang Minnie ah" giit ko at mahinang ngumiti sakanya
"Lisa san mo ba ko dadalhin? Uuwi na ba tayo?" tanong ni Bambam nang huminto ako sa tapat ng cr malayo kay Minnie
"Hoy umayos ka nga Bambam sinisira mo diskarte mo kay Minnie eh. Alam mo namang ilang na yung tao kasi pinilit mo ko isama dito tas ngayon sasabihin mo wala ka sa mood sa lakad niyo. Ano ba talaga problema mo?"
"Eh ano naman masama kung isama ka? Ganon naman tayo dati ah?"
"Syempre nahihiya lang yun mag sabi sayo. Makiramdam ka naman"
"Eh kung di siya okay na lagi kita kasama edi di kami mag wowork" nanlaki naman ang mata ko non
"Naririnig mo ba sarili mo Bambam? Ano pinapalabas mo? Na titigilan mo na pag porma sakanya?"
"Di ko alam. Basta alam ko lang pag kasama ko siya parang may kulang. Parang di ako masyadong masaya"
"Shit ka wag mo ko idamay sa kalokohan mo. Uuwi na ko. Ayusin niyo ni Minnie yan" sabi ko at sinakbit ang bag
"Lisa sandali. Uuwi na rin ako antayin mo ko"
"Hindi diyan ka lang. Liwanagin mo kung ano meron sainyo. Wag mo siyang iwan sa ere at paasahin" gaya ng pag paasa mo sakin
"Lisa naman"
"Sige na enjoy na lang kayo. Uuwi na talaga ako" mabilis akong tumalikod at nag lakad papalayo
Kung di ko ginawa yun baka di na kita kaya pigilan pa. Baka lalo lang akong umasa sa mga kinikilos mo sakin. Mas mabuti nang ganto para hindi masyadong masakit.
BINABASA MO ANG
𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗼𝗳 '𝟵𝟳
Fanfiction𝘈 𝘨𝘳𝘰𝘶𝘱 𝘰𝘧 𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥𝘴 𝘢𝘣𝘰𝘶𝘵 𝘵𝘰 𝘴𝘦𝘵 𝘵𝘩𝘦𝘪𝘳 𝘭𝘢𝘴𝘵 𝘺𝘦𝘢𝘳 𝘪𝘯 𝘤𝘰𝘭𝘭𝘦𝘨𝘦 𝘢𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘰𝘴𝘵 𝘮𝘦𝘮𝘰𝘳𝘢𝘣𝘭𝘦 𝘰𝘯𝘦 ✎ '97 liners boys ✎ '97 liners girls ❀