LISA's POV
"Ano nanaman kakain nanaman tayo sa fishballan?" kakatapos lang kasi ng klase namin at andito na agad si bambam sa tapat ng room namin
"Mag best friend talaga tayo" pag akbay niya sakin
Halos mapatalon ako sa gulat. Di niya alam gano kalaki ang epekto nito sakin.
"Uy Bam" pag bati ni Minnie sakanya. Bumati naman ito pabalik at hinayaang umalis si Minnie ng room
"Ano yun? Bat di mo inaya lumabas?" tanong ko
"Eh wala naman kami plano ngayon eh"
"Kahit na. Di mo ba ihahatid pauwi?"
"Di na" giit niya "Oh ano na? Tara na gutom na ko"
"Bwiset. Ilibre mo naman ako sa ibang kainan. Puro ka na lang fishball diyan eh"
"Bukas labas tayo" nahintuan naman ako sa sinabi niya
Naalala kaya niya? Bukas kasi 7 yrs na kaming mag best friend. Usually inaaya ko siyang lumabas non pero di ko sinasabi na parang friendsary namin yun kasi naman ang corny ko nun. Pero siguro naman napapansin niya?
"San tayo pupunta?"
"Bili tayo bulaklak"
"Hah? Bat tayo bibili ng bulaklak?" alam niyang mahilig ako sa mga bulaklak ganon. Di kaya...
"Isusuprise ko si Minnie bukas. One month na kaming nag uusap eh" nawala naman ang mga ngiti ko sa labi. Ah si Minnie
"Yoko. Ikaw na lang bumili"
"Luh bat naman? Bilis na samahan mo na ko saglit lang naman 'to"
"May gagawin ako bukas"
"Tutulungan kita gawin yun basta samahan mo lang ako please" pag hawak niya ng kamay ko
Ano ba namang laban ko diyan. Mata pa lang niya nanghihina na ako eh. Hay Lisa napaka tanga mo na kung papayag ka pa dito
"Oo na nga sige na. Basta saglit lang ah" martyr ng taon yern?
"Thank you lisa! The best ka talaga" pag akap niya sakin
Sana pwede ko ihinto ang oras. Sana ganito na lang tayo. Sana akin ka na lang. Pero hanggang sana na lang ako.
BINABASA MO ANG
𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗼𝗳 '𝟵𝟳
Fanfiction𝘈 𝘨𝘳𝘰𝘶𝘱 𝘰𝘧 𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥𝘴 𝘢𝘣𝘰𝘶𝘵 𝘵𝘰 𝘴𝘦𝘵 𝘵𝘩𝘦𝘪𝘳 𝘭𝘢𝘴𝘵 𝘺𝘦𝘢𝘳 𝘪𝘯 𝘤𝘰𝘭𝘭𝘦𝘨𝘦 𝘢𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘰𝘴𝘵 𝘮𝘦𝘮𝘰𝘳𝘢𝘣𝘭𝘦 𝘰𝘯𝘦 ✎ '97 liners boys ✎ '97 liners girls ❀