74

71 4 0
                                    

EUNHA's POV


"Pare tayo na lang kasi choosy ka pa eh" pag akbay ni Yugyeom kay Jungkook


"Pare di tayo talo" natatawang sabi ni Jungkook at tinanggal ang pag akbay niya


"Oh ayan na pala si Bambam eh!" giit ni Jihyo


Nang napatingin ako kay Bambam sobrang siyang maputla. Di ko alam ang nangyare pero sa itsura niya muka siyang di okay.


"Isama mo na tong si Yugyeom sa kwarto niyo Bambam. Nanggugulo na eh. Kami na bahala mag ligpit dito" utos ni Jihyo. Napatango lang si Bambam at agad na hinili si Yugyeom


Kaming tatlo na lang nina Jihyo at Jungkook ang nandito. Yung iba pumunta na sa kanya kanyang kwarto dahil sobrang bagsak na dahil sa alak.


"Wait lang guys ah. Tumatawag sakin bebe ko. Kayo na muna bahala" kilig na sabi ni Jihyo


Halos malaglag ang panga ko sa biglang pag iwan samin ni Jihyo. Shet na malagket bat naman ganon. Nag iwas na lang ng tingin at nag patuloy na sa pag linis.

Medyo matagal na rin kami natapos maglinis at hanggang ngayon di pa rin bumabalik si Jihyo dito. Wala na ata siyang balak bumalik at natulog na jusq.


"Di ka pa ba matutulog?" panimula niya


Parang huminto ang mundo ko ng bigla niya akong kausapin. Aaminin ko naman na kahit matagal na kaming hiwalay ay may feelings pa rin ako sakanya.


"Matutulog na rin" giit ko


"Lika na. Sabay na tayo papunta" tumango lang ako


Tahimik lang akong nakasunod sakanya habang nag lalakad kami. Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon. Gusto ko na siyang kausapin at yakapin. Gusto ko na mag kaayos kami.


"Room na namin 'to nina Eunwoo. Yung sainyo diyan lang sa may tapat 'no?"


"Jungkook pwede ba tayo mag usap?" tanong ko


Nahintuan naman siya at dahan dahan na humarap sakin


"You really want to have that talk right now? Could you just spare me this day since birthday ko naman?"


"Kook naman"


"Don't call me that" inis na sabi niya


Anong nangyare? Parang kanina lang ang caring niya? Parang buong trip ang bait bait niya sakin pero ngayon parang katulad siya ng dati na galit na galit sakin


"Bakit ka ba galit? Pag-usapan natin 'to please kasi di ko na kaya maging ganto pa tayo"


"Wala na tayo dapat pag usapan tapos na tayo"


"Please give me a chance"


"Just stop" giit niya "Look I'm trying to be civil to you and all para matapos na yung issue pero mukang di naman gumagana. Gusto mo ata bumalik tayo sa dati eh" para naman akong naluluha nun. Grabe ang cold niya, di siya 'to


"Ano bang nagawa ko?"


"Wag mo kong gawin tanga please lang. Sobrang pinagkatiwalaan kita pero binalewala mo lahat yon" Hindi ko talaga siya maintindihan. Malalim siyang bumuntong hininga at nagsalita "Sige na matutulog na ko" saka siya pumasok sa kwarto nila


Para namang nanghina yung tuhod ko. Wala na ata talaga kaming pag-asa para mag kaayos pa.

𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗼𝗳 '𝟵𝟳Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon