JUNGKOOK's POV
"Sa wakas pre nag bilyar din tayo! Namiss ko 'to!" giit ni Eunwoo
"Oo nga eh. Pahirap kasi yung prelims parang di pang tao yung mga tanong eh" sagot ni Mingyu
"Teka kumpleto na ba tayo?" tanong ko
"Si DK na lang kaso di pa nag rereply eh"
"Luh baka mang indyan yun ah. Si Jaehyun nga andito tas siya wala?"
"Baka otw na rin yun" sabi ni Jaehyun
"Musta nga pala kayo ni Rosé pre?" tanong ko. Bigla naman siyang lumayo sakin "Ang damot ayaw mag kwento!"
"Ay oo nga pala pre diba close kayo ni Roseanne. Patanong nga kung bakit ayaw ako pansinin ni Lisa?" giit ni Bambam
"Kung ayaw ka pansinin, respetuhin mo na lang. Give her space dahil for sure naman may dahilan siya" sagot ni Jaehyun
"Oh ayan boys words of wisdom" pag akbay ni Eunwoo samin
"Gusto ko maayos kami ni Lisa. Baka magaya kami kina Jungkook pag masyado ko siyang binigyan ng space" natawa naman sila sa sinabi ni Bambam. Nadamay pa ko ah
"Eh iba naman sitwasyon namin ni Eunha sainyo pre eh. Kaya di naman siguro mangyayare yon sainyo" sagot ko
"Saka isa pa naging sila.. eh kayo ba ni Lisa? Diba hindi? Ni hindi mo nga siya gusto diba pre?" dagdag ni Yugyeom. Napasama naman ang muka ni Bambam nun
"Aba gusto ko 'to realtakan" pag tawa ni Eunwoo
"Sorry guys ang traffic!" hinihingal na sabi ni DK andito na pala siya
"Hi guys!" masayang sabi ni Yuju
"Oh bat kasama si Yuju? Diba all boys tong galang 'to?" tanong ni Mingyu
"Grabe ka naman sakin Mingyu. Sumbong kita kay Mina diyan eh" giit ni Yuju
"Sinama ko na guys kasi miss na rin daw niya mag bilyar. Saka one of the boys naman siya eh" sagot ni DK
"Osige na sige na. Mag laro na tayo" giit ko
Ilang oras kaming masayang nagkwentuhan at nagtawanan habang nag lalaro. Last shot ko na bago matapos ang laban. Malapit na rin kaming manalo nina Mingyu at Jaehyun.
"Washroom lang ako saglit ah" paalam ni Yuju saka ito umalis
"Jungkook may tatanong pala ako" panimula ni Yugyeom
"Ano yun?" pag pwesto ko sa pag tira
"Ano ba talaga totoong dahilan bakit ka nakipag hiwalay kay Eunha?" nahintuan naman ako non. Di ko inakala na tatanungin niya yon
"Bat mo naman natanong pre?"
"Wala naman. Muka kasing okay na kayo eh or at least muka kayong friends. Gusto ko lang malaman bakit kayo nag kahiwalay para alam mo na.. maka move on na rin kami sa issue na 'to" natahimik naman ang iba naming kaibigan at napatingin na rin sakin. Shit. Mukang mapapakwento ako ng di oras ah.
"Satin satin lang 'to ah" tumango naman sila "Naalala niyo pa naman siguro si Eight diba? Yung magaling sumayaw tas naging blockmate namin ni Eunha last sem?"
"Ah oo. Marami kaming common friend nun ni DK" giit ni Mingyu
"Ayun nga.. may nagsabi sakin na may something silang dalawa. Ayoko sana maniwala kaya lang nakita mismo ng dalawang mata ko nung pumunta sila sa party. Di alam ni Eunha na pumunta ako pero nakita ko sila nun magkasama"
"So nag cheat si Eunha?" tanong ni Eunwoo. Di na lang ako nag salita. Nasasaktan pa rin talaga ako pag sumasagi sa isip ko yung ginawa niya
"Shit totoo ba?? Anong sabi ni Eunha?" di makapaniwalang sabi ni Bambam
"Di ko sinabi sakanya. Gusto ko siya ang mismong umamin sakin sa mga ginawa niya kaso lang patuloy siya sa pag deny na hindi niya alam bakit ako nakipag hiwalay sakanya. Nakakainis parang ginagawa naman niya kong tanga"
"So ibig sabihin nakipag hiwalay ka lang basta basta? Na di niyo man lang pinag usapan problema niyo? Kinimkim mo lahat yun Jungkook?" tanong ni Yugyeom. Mahinang tumango naman ako non.
"No offense Jungkook ah. Pero parang kasalanan mo rin eh. Pano kung namisinterpret mo lang yung nangyare? Ni hindi mo man lang binigyan ng pagkakataon mag explain si Eunha. Kasi kung ako yun, mas gusto ko pag usapan muna namin kaysa bigla bigla akong mag dedesisyon ng ganon" giit ni DK
"Alam ko nakita ko pre. Di ako bulag"
"Eh pano kung di naman pala yun yung buong storya? Di mo ba gusto malaman totoong nangyare?" tanong ni Mingyu
"Di na pre. Mahirap na ibalik yung dati"
"Eh gago ka pala eh!" pag turo sakin ni Yugyeom "Makikipag hiwalay ka ng walang explanation tas di mo man lang naisip kung gano kalaki epekto nun kay Eunha? Parang ginawa mo rin siyang tanga. Binalewala mo lang buong pinagsamahan niyo kung di mo siya kayang pagkatiwalaan" inis na sabi ni Yugyeom. Sinubukan naman siyang pigilan nina Bambam
"Eh bat di rin ba niya naisip kung gano kalaki epekto non sakin? Di lang siya ang nasaktan saming dalawa ah"
"Pinag kaiba niyo lang bobo ka at duwag! Kung sana hinayaan mo siyang mag paliwanag edi sana nasalba niyo parin relasyon niyo kahit pagkakaibigan lang. Hindi yun parang pilit na for the sake masabi lang na mag kaibigan kayo" dagdag pa ni Yugyeom
"Edi sakanya ka na kumampi! Tutal mas close naman kayo diba? Lagi mo ngang sinasamahan diba?" inis kong sabi
"Talagang sakanya akong kakampi! Di ka nag iisip eh. Atsaka ilugar mo yang pag seselos mo wala kang karapatan"
"Aba gago ka ah!" inis kong sabi at akmang sumugod sakanya. Pero pilit kaming pinag hihiwalay ng tropa
"Putek anong nangyare dito nag cr lang ako??!" sigaw ni Yuju
Inayos ko ang damit ko at inalis ang mga kamay na nakahawak sakin. Bahala sila diyan, uuwi na ko!
BINABASA MO ANG
𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗼𝗳 '𝟵𝟳
Fanfiction𝘈 𝘨𝘳𝘰𝘶𝘱 𝘰𝘧 𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥𝘴 𝘢𝘣𝘰𝘶𝘵 𝘵𝘰 𝘴𝘦𝘵 𝘵𝘩𝘦𝘪𝘳 𝘭𝘢𝘴𝘵 𝘺𝘦𝘢𝘳 𝘪𝘯 𝘤𝘰𝘭𝘭𝘦𝘨𝘦 𝘢𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘰𝘴𝘵 𝘮𝘦𝘮𝘰𝘳𝘢𝘣𝘭𝘦 𝘰𝘯𝘦 ✎ '97 liners boys ✎ '97 liners girls ❀