69

73 6 0
                                    

ROSÉ's POV



"Shet ang hot ni Jaehyun" mahina kong sabi. Natawa naman si Lisa, narinig ata ako.


Matapos kasi naming mag boodle fight kaninang lunch nag pahinga lang kami saglit at nagswimming na. Nandito nga lang kami ngayon ni Lisa gumagawa ng mga sandcastle.


"Hoy ano yan? Type mo si Jaehyun?" pang asar na tanong niya


"Wag ka maingay kayo lang ni Eunwoo may alam" nanlaki naman ang mata niya


"Oh my gosh! So totoo nga?" di makapaniwalang tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot "Gags di ako makapaniwala! Parang dati lang lagi kayo nag tatalo niyan ah?"


"Well I find him attractive kasi naman what's not to like? He's a perfect ten"


"Kinikilig ako sayo Roseanne buset ka" pag sabunot niya sakin


"Wag ka magulo masisira mo yung gawa kong sandcastle" pag pigil ko sakanya pero patuloy pa rin siya sa pag alog sakin


Nag lalaro ng volleyball ngayon sina Mina, Mingyu, Jungkook, at Eunha. Oo tama kayo ng nababasa. Magkalaro ng volleyball yung mag ex. Ni hindi ko alam kung pano nila napapayag yang dalawang yan basta bigla ko na lang sila nakita nag lalaro apat. Yung iba naming tropa nag swiswimming lang sa dagat tas naglolokohan. Napagod lang ako mag swimming kaya inaya ko umahon saglit si Lisa.


"Lisa tara na. Inaaya tayo makipag laban nina DK" pag ahon ni Bambam papunta dito


"Ayoko dito muna ko" giit ni Lisa


"Tara na" akmang pag buhat ni Bambam sakanya. Kita ko naman ang pag pula ng muka ni Lisa.


"Oo na sasama na" pag tayo nito. Rupok talaga "Swimming lang kami saglit Roseanne ah"



"Sige lang take your time" masaya kong sabi. Sinamaan lang ako ng tingin ni Lisa hahah


Umalis na silang dalawa na hawak hawak ni Bambam ang kamay ni Lisa. Clingy din tong isang 'to eh kaya di ko masisisi si Lisa kung nafall siya sa bestfriend niya eh.


"Sasakalin talaga kita Dokyeom! Wag mo ko dalhin sa malalim!" tili ni Yuju


Pano ba naman kasi hatak hatak siya ni DK pinag tritripan ata. Tas yung dalawang kolokoy na sina Eunwoo at Yugyeom panay tawa lang sakanila. Wala atang balak tumulong.


"Hawak naman kita eh. Wag ka matakot diyan" giit ni DK


"Pag talaga ako nalunod mumultuhin kita"


"Mag tiwala ka kasi sakin. Di mo ba nakikita tong mga muscles ko?"


"Ay jusko malulunod na talaga ako. Wala akong makitang muscles. Tulong!" natawa naman ako sa sinabi ni Yuju. Loko talaga



"Ano pre di ka sasali? Andito na si Lisa oh" giit ni Bambam nang biglang umahon si Jaehyun. Shet na malagket kitang kita ko buong abs niya dito oh. Kumpletong kumpleto


"Wala rin naman akong kapartner eh" sagot ni Jaehyun


"Ayan si Roseanne oh. Wala naman ginagawa" pag turo sakin ni Bambam. Nanlaki naman ang mata ko nun


Nanahimik lang ako dito tas dinadamay ako ni Bambam leche. Ayokong makipaglaro sakanila.


"Mukang ayaw eh. Past na lang pre" sagot ni Jaehyun


"Anong ayaw? Gusto niya yan. Kunwari lang yang ayaw" giit ni Eunwoo. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Ang pahamak talaga


Nag katinginan kami ni Jaehyun at nahuli niya akong ang sama ng muka. Kita ko ang pag simangot niya.


"Mamaya na lang kami" sabi niya saka ito nag lakad papunta sa kubo namin


Pasimple ko lang siyang pinanuod umalis at tinuon na ang atensyon sa mga kaibigan ko. Di ko mapigilan matawa at mapailing sa mga kalokahan nila. Ang bilis ng panahon nasa senior year na kami. I can't believe we've been friends for four years already. Time really flew so fast.


"Oh" pag upo ni Jaehyun sa tabi ko na may hawak hawak na plato ng manga


"Lagi mo na lang ako pinapakain. Yung totoo gusto mo ba akong patabain?" tanong ko


"Baka malipasan ka eh"


"You're still worried about that? I told you it's not your fault"


"I'm just concern" hindi na lang ako nag salita at kinuha na ang dala niyang pagkain


He rested his arm behind my back and both our shoulders were touching. Para tuloy siyang naka akbay sakin sa lapit. Ano kaya naisip nitong lalaking 'to at ganto siya? I mean he always initiate naman to give me food pero iba yung lapit niya ngayon sakin eh. Hayyy Nakakaconfuse.


"Hmm so you and Miyeon natuloy ba kayo last week?" tanong ko


"Ha?"


"Diba may study date kayo?"


"Ah that. I didn't go"


"Bakit naman? Muka namang mag ka vibes kayo ah? Saka kala ko free ka non?"


"I only said yes because I was pre-occupied at that time" napakunot naman ang noo ko non. Napapaoo lang siya nun because??


"By what?"


"You"


"Ha??"


"You and Eunwoo to be specific"


"Di kita magets" anong pinagsasabi nito? napabuntong hininga naman siya


"Nevermind. Wag mo na lang pansinin sinabi ko" natahimik na lang ako


This is by far the longest conversation I had with him sa tagal naming magkaibigan and It actually felt nice. Saka ewan ko parang natuwa ako na di sila natuloy? Ang sama man pakinggan pero mukang tama nga ang hinala ko na he gets annoyed with people like that.


"Hoy sali na kayo dito!" sigaw nina Lisa samin. Napatingin naman ako kay Jaehyun at halos mapatalon sa sobrang lapit ng muka namin


"Do you want to join?" tanong niya


"Hayy okay fine" pagbigyan ko na nga, minsan lang naman eh


He smiled. At that moment I swear I saw the most beautiful smile ever.

𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗼𝗳 '𝟵𝟳Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon