ROSÉ's POV
"You'll have a groupwork today. Kayo na bahala pumili ng group mates niyo basta apat lang per group. Kunin niyo na lang sa desk ko yung paper work"
Mabilis na umingay ang klase namin at nag hanap ng mga kagrupo. Agad na tinawag ni Eunwoo si Jaehyun at hinila palapit samin.
"Oh sakto isa na lang kulang natin. Mag aya na lang kayo" giit ni Eunwoo
"Ikaw na. Ikaw naman marami kakilala dito" sagot ko
"Miyeon may kagroup ka na?" sigaw ni Eunwoo. Napasama naman ako ng tingin sakanya "Ano? Sabi mo ako mag aya eh"
"Mababadtrip yang si Jaehyun satin"
"Huh? Bat ako mababadtrip?" tanong ni Jaehyun. Napairap naman ako
Kunwari pa siya. Eh alam naman ng buong klase na may gusto si Miyeon sakanya matagal na. Bawat taon nga may regalo yan sakanya eh
"Ah ako ba? Wala pa naman akong kagrupo bakit?" pag lapit ni Miyeon samin
"Sama ka na lang sa group namin" masaya siyang ngumiti sa sinabi ni Eunwoo
"Talaga ba? Sige ba!" at naghila ito ng upuan palapit samin
Sinipa ko ang paa ni Eunwoo at tinawanan lang niya ko. Kabadtrip talaga ang isang 'to
"Bat ka ba galit? Mabait naman si Miyeon ah?"
"Wag mo kong mangitian ngitian diyan naiinis ako sayo"
"Uy Jaehyun tara tabi tayo" giit ni Miyeon tas etong si Jaehyun tumabi naman. Gusto rin tsk "Pano natin pala hahatiin parts? By pair na lang kaya? Okay lang ba kayo mag kapair Rosé at Eunwoo since close naman kayo" nanlaki naman ang mata ko. Wow ah? Lakas lang maka tsansing kay Jae?
"Oo sige ba ayos lang" sagot agad ni Eunwoo. Nakakainis talaga siya!
"Wag" giit ko "Mas okay kung sabay sabay nating apat sagutan yan para incase mag tanong may masasagot tayo"
"Ah kaya pala selos" bulong ni Eunwoo sakin. Sinapak ko naman siya "Aray ko potek ang brutal mo talaga!"
"Ang cute niyo naman" kinikilig na sabi ni Miyeon samin. Yuck anong cute? "Kayo na ba? Pansin ko lang kasi super close niyo eh"
Napatingin naman ako kay Jaehyun at agad nag tama ang mata namin. Para akong malulusaw sa mga titig niya. Bat ba ganyan siya lagi makatitig sakin? Tsk
"Sa chat na lang natin pag usapan yung group work. Gutom na ko pupunta muna kong canteen" giit ko
Di ko alam kung bakit ako nawawalang gana sa nakikita ko
BINABASA MO ANG
𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗼𝗳 '𝟵𝟳
Fanfiction𝘈 𝘨𝘳𝘰𝘶𝘱 𝘰𝘧 𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥𝘴 𝘢𝘣𝘰𝘶𝘵 𝘵𝘰 𝘴𝘦𝘵 𝘵𝘩𝘦𝘪𝘳 𝘭𝘢𝘴𝘵 𝘺𝘦𝘢𝘳 𝘪𝘯 𝘤𝘰𝘭𝘭𝘦𝘨𝘦 𝘢𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘰𝘴𝘵 𝘮𝘦𝘮𝘰𝘳𝘢𝘣𝘭𝘦 𝘰𝘯𝘦 ✎ '97 liners boys ✎ '97 liners girls ❀