82

68 3 0
                                    

MINA's POV




"Uy salamat sa pagsama sakin dito ah" giit ko kay Eunwoo


Sobrang siksikan kasi talaga after nung game tas yung iba naming tropa sabi mauuna na daw sila sa victory party venue para makareserve na kami ng upuan. Si Eunwoo lang pumayag na puntahan namin si Mingyu after the game.


"Wala yun. May pupuntahan din ako dito eh"


"Ah friend mo rin?-" di ko na natapos sasabihin ko dahil pag kabukas pa lang namin ng locker room naabutan kong magkaakap si Chaeyeon at Mingyu.


Para akong nanghina. Akala ko kasi ako unang yayakap sakanya para icongratulate siya. Pero mali ako.. Oo nga pala may Chaeyeon


"Uy pre congrats!" masayang bati ni Eunwoo kay Mingyu


"Oh nandito na pala kayo eh. Thank you pre!" giit ni Mingyu at nag apir sila


"Aalis na ba tayo?" tanong ni Chaeyeon kay Mingyu. Anong sinasabi niyang aalis na ba tayo? San sila pupunta? Eh diba may victory party pa? Tumango lang si Mingyu bilang sagot. Napasinghap ako. I can't believe this is happening. Sa harap ko pa talaga ah di na nahiya "I'll get my bag lang" at ngumiti pa saming dalawa ni Eunwoo. Wow.


"Mina andito ka" masayang pag yakap sakin ni Mingyu. Nakapoker face lang kasi ako dahil di mawala sa isip ko silang dalawa ni Chaeyeon "Oh ayos ka lang ba?" tanong niya


"Congrats" mahinang ngiti ko "Mauuna na ko sa party ah" akmang alis ko nang pigilan niya ko


"Andale. Akala ko sabay tayo papunta dun?"


"Mukang may kasabay ka na eh"


"Huh?" Kunwari pa siya


"Tapos na ko. Tara na" masayang sabi ni Chaeyeon. Halos mapairap ako


"I have to go now" mabilis kong lakad palabas ng locker room


"Teka nga sino ba tinutukoy mo si Chaeyeon ba?" pag habol niya sakin


"Wag na tayo mag lokohan pa, Mingyu. Tigil na natin tong pag papanggap natin" Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko misko ako nagulat dahil sa nasabi ko


"Mina"


"Mukang di ka naman na ginugulo ng mga ex mo eh kaya ano pa saysay nito?"


"Kalma ka muna please"


"Hindi ayoko na" diin kong sabi. Parang nag iba naman ang expression niya nun


"Sige ayoko na rin" giit niya. Para naman nawasak puso ko nun. Di ko akalain papayag din siya "Tigil na natin tong pag panggap natin kasi gusto ko maging totoo na tayo" Nanlaki naman ang mata ko non. Gusto niya maging kami na? For real? "I like you a lot, Mina" pag akap niya sakin


"Pero pano si Chaeyeon? 'Di ba may something kayo?" natawa naman siya sa sinabi ko


"Hindi ko yun pinopormahan. Nanghingi lang ng tulong sakin si Eunwoo para mapormahan niya si Chaeyeon dahil madalas siyang kasama ng team"


"So ibig mong sabihin si Eunwoo ang may gusto kay Chaeyeon?"


"Oo. At wag kang maingay dahil crush din ni Chaeyeon si Eunwoo" nanlaki naman ang mata ko. So matchmaker lang pala si Mingyu?


"Nakakainis ka bat di mo agad sinabi sakin?"


"Sorry. Secret lang daw kasi eh" di ko na mapigilan mapangiti. Umamin na siya sakin "Hmm ikaw ba? Gusto mo rin ba maging tayo?" tanong niya. Napabuntong hininga na lang ako


"Mag seselos ba ko kung hindi?" masayang ngumiti naman siya



I can't believe we're actually dating now. For real this time.

𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗼𝗳 '𝟵𝟳Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon