ROSÉ's POV
"Andito na ako. I'm so sorry" hinihingal kong sabi
"Sa wakas andito ka na rin. Ano bang nangyare bat ka late? Buti na lang last tayo nako kung hindi mag rereport talaga kami nang wala ka" giit ni Miyeon. Sumama naman ang tingin ko sakanya. Wag siyang epal ngayon ah pagod ako
"Andito na ko oh. Wag na ibig deal" inis kong sabi at nag tali ng buhok. Nakakastress siya jusq
"Naka ilang tsansing na yan" bulong ni Eunwoo sakin sabay tawa. Sinapak ko naman siya sa braso. Nang aasar pa eh, alam na ngang badtrip ako
"Roseanne" pag hila ni Jaehyun sa bewang ko palapit sakanya "Pawis ka na" saka niya nilabas yung panyo niya at pinunasan ang batok ko
Nanlaki naman ang mata ko sa nangyare, anong ginagawa niya? Haggard na haggard naman ako oh bat nilapit pa niya ko sakanya.
"Grabe yon. Baka langgamin kami dito" bungisngis ni Eunwoo. Nang tignan ko sila nakita ko halos mapanganga si Miyeon habang nakatingin samin. Ano gulat ba siya? hmp
"Ano tara Jaehyun mag practice na tayo ulit ng lines" pag hila ni Miyeon sakanya. Tinitigan ko si Jaehyun kung sasama ba siya o hindi at ang loko nag patianod nanaman
"Sinasabi ko sayo yari ka sakin pagkatapos nitong report" bulong ko habang padabog na nilabas yung mga paper namin
Hindi ko na muna sila inisip dalawa dahil mas kinabahan ako sa presentation namin. Nakahinga lang ako ng maluwag nang sabihin ng panel na we did great.
"Congrats guys!" masayang bati namin sa isa't-isa
"Uy tara sabay sabay tayo kumain ng lunch. Sakto next class natin three pa" pag aya ni Eunwoo. Umuoo naman kaming lahat dahil gutom na rin at pagod.
Nakahanap na kami agad nang mauupuan at sinasabi ko sainyo balak ata sirain ni Miyeon buong araw ko. Pano tabi ba naman sila ulit ni Jaehyun, naiirita na talaga ako. Di ko na lang sila tinitignan dahil lalo lang ako nababadtrip.
"CR lang ako ah" masayang sabi ni Miyeon. Edi wow siya na masaya
"Ay ako rin pala" pag tawa ni Eunwoo at mabilis na tumayo. Pinagtripan pa ata ako para maiwan kaming dalawa ni Jaehyun dito tsk
"Roseanne galit ka ba?" tanong niya. Di ko siya pinansin at nag patuloy sa pagkain "Hey" pag tapik niya sakin. Bahala siya diyan manigas siya
Ilang segundo pa ay bigla siyang tumayo at tumabi sakin
"I'm sorry. Di ko alam bakit siya lapit ng lapit sakin" giit niya
"Alam mo ang manhid manhid mo" inis kong sabi "Malamang gusto ka ng tao. Tas ikaw din di mo siya hinihindian. Edi ngayon tingin niya gusto mo siya"
"I don't like her" sagot niya
"Then show her. Sa nakikita ko ngayon parang siya pa gusto mong pormahan eh"
"So you're jealous?"
"Shut up!" natawa naman siya
"I think I haven't said this before but do you know why I'm cold to you all these years?"
"I don't know. Tingin ko lang may galit ka sakin without any reason"
"Well it's because you frustrate me so much. I have a big crush on you since first year and you don't notice it at all" Laglag naman ang panga ko sa sinabi niya. Siya may crush sakin? Ha? Paano?
"I don't believe you" di makapaniwalang sabi ko
"I gave you so many hints before pero di mo talaga napapansin. I try to annoy you para mapansin mo ko kaya nga di kita pinapansin or sinusungitan kita lagi eh. It did work because you always try to talk to me pero hanggang dun lang. You don't notice my feelings na halos sumuko na ko sayo. Pero everytime I see you with Eunwoo di ko mapiglan sarili ko mag selos. That's why this year I decided to pursue you"
"Holy Shit"
All those years crush na pala niya ko. Akala ko he just hates my guts so much pero it turns out to be his own way of showing his feelings to me. How the hell did I not notice it? Potek sobrang torpe pala niya.
Jung Jaehyun if you like someone just confess already. Ika-crush back naman kita eh.
BINABASA MO ANG
𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗼𝗳 '𝟵𝟳
Fanfiction𝘈 𝘨𝘳𝘰𝘶𝘱 𝘰𝘧 𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥𝘴 𝘢𝘣𝘰𝘶𝘵 𝘵𝘰 𝘴𝘦𝘵 𝘵𝘩𝘦𝘪𝘳 𝘭𝘢𝘴𝘵 𝘺𝘦𝘢𝘳 𝘪𝘯 𝘤𝘰𝘭𝘭𝘦𝘨𝘦 𝘢𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘰𝘴𝘵 𝘮𝘦𝘮𝘰𝘳𝘢𝘣𝘭𝘦 𝘰𝘯𝘦 ✎ '97 liners boys ✎ '97 liners girls ❀