JIHYO's POV
"Sabi sayo pre effective yung bible study eh" pag apir nina DK at Eunwoo
"Gago napa rosaryo ako sainyo. Baka palayasin ako ng nanay ko pag di ko pinasa yon" giit ni Yugyeom
Punong puno ng malakas na tawa ngayon sa may table namin. Pinag titinginan na nga kami ng ibang tao dahil sa lakas ng tawa nila eh. Celebration namin 'to dahil lahat kami nakapasa at gragraduate on time. Sobrang proud ako sakanila kahit na ang kukulit nila may brains pa rin.
"Libre daw tayo ni Jungkook!" masaya kaming nag hiyawan sa sinabi ni Eunha
"Sabi na mahoholdap ako dito eh" giit niya
"Hayaan mo na last naman na eh" sagot ni Eunha. Natahimik naman kaming lahat
Ngayon lang nag sink in samin na ito na nga yung isa sa mga huling araw na magkakasama kami bago gumadruate ng college. Matagal tagal rin na panahon siguro bago kami mag kasama ulit na kumpleto.
"Oy wag nga kayong ganyan bat bigla kayong natahimik?" sabi ni Eunha
"Grabe ang bilis pala ng panahon 'no? Parang kelan lang mga freshmen lang tayong mga di pinapasok nung orientation" panimula ni Bambam
"Dun tayo lahat nag kakilala 'no? Yung ayaw tayo papasukin sa stadium kasi late na tayo tas kailangan pa natin mag pasundo sa proctor" dagdag ni Mingyu
"Oo kupal yung guard ang init init pa naman sa labas tas tumakbo pa ko kasi nga late na tas ayaw din ako papasukin" reklamo ni Yugyeom
"Tas magkakilala na non si DK at Mingyu diba? Eh sakto friends din kami ni DK non kaya nung sabi niyo gala muna tayo sumama kami" pag tawa ni Yuju
"Oo nga gulat nga ko non sumama ka eh. Kasi humindi ka na nung inaya ka una ni Bambam tas nung inaya kita sumama ka rin hahah. Inaya mo pa nga si Eunha kasi friends kayo nung senior high diba?" giit ni DK
"Bigla rin akong hinila pasama ni Eunha kasi nalaman namin don na mag ka block pala kami" dagdag ni Mina
"Tas nag pasundo pa ko kay Rosé kasi di ko macontact proctor namin. Pano kasi sumabay ako kay Bambam kaya late rin ako" sabi ni Lisa
"Tas nung lumabas si Rosé sa stadium kita ko mga tingin nitong si Jaehyun. Nahihiya pang lapitan inlababo naman" Natatawang sabi ni Jungkook
"Shems love at first sight ka sakin? Grabe simp" pag tawa ni Rosé
"Wala na talaga akong dignidad dahil sayo Jungkook" giit ni Jaehyun
"Tas nag kasabay kaming lumabas ni Rosé kasi tinext din ako ni Mina nun na di na siya papasok eh wala pa rin akong friends non kaya sumama na rin ako sainyo" sabi ko
"Nung kumain tayo non sa dimsum treats gumawa agad gc tong sina Bambam at Yugyeom eh"
"Oo pre ang solid kaya natin non. First time lang mag kakasama tas ansaya"
"Grabe ang galing 'no nagkita kita talaga tayo lahat nung araw na yun. Tas hanggang ngayon magkakasama pa rin tayo"
"Guys thank you. Naging masaya college life ko dahil sainyo" Aniya ni Mina. Nang sabihin niya yon parang naiiyak na ko
"Alam ko kahit busy tayo madalas pero gumagawa pa rin tayo time makapag meet"
"Kayo rin talaga naging support group ko kaya feeling ko di ko kakayanin college kung wala kayo"
"Sobrang solid natin through the years kaya thank you sainyong lahat. Alam ko soon lahat tayo dito magiging successful"
"Walang kalimutan ah? Sana active pa rin gc natin kahit working na tayo"
"Oh walang mang ghoghost ng gc ah"
"Promise natin sa isa't isa na mag memeet tayo kahit once lang every year. Promise yan ah dat may penalty pag di sumama"
"Gago ang tanda na natin. Parang ang tototoy lang natin dati ah"
"Guys thank you kasi kasama ko kayong lahat mag grow. Sana tulungan pa rin tayo pag tanda ah"
"Parang ewan naman kayo oh. Bat kayo nag papaiyak" puna ni Bambam
Halos lahat kami umiiyak na or paiyak na. Sobrang love ko talaga sila at sobrang importante nila sakin. Thankful ako dahil sila ang friends na binigay ni God sakin.
"Oh group hug nga para kayong tanga. Kanina lang panay tawa tayo dito tas ngayon nag iiyakan. Baka kung ano na iniisip ng mga tao satin"
"Hayaan mo na pre wag mo sila pansinin"
"Makakakita lang naman sila ng poging umiiyak blessing pa nga yun eh"
"Putangina hanggang dito ang hambog eh"
"Syempre ako pa ba" nag tawanan na lang kami
Thank you '97 liners
BINABASA MO ANG
𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗼𝗳 '𝟵𝟳
Fanfiction𝘈 𝘨𝘳𝘰𝘶𝘱 𝘰𝘧 𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥𝘴 𝘢𝘣𝘰𝘶𝘵 𝘵𝘰 𝘴𝘦𝘵 𝘵𝘩𝘦𝘪𝘳 𝘭𝘢𝘴𝘵 𝘺𝘦𝘢𝘳 𝘪𝘯 𝘤𝘰𝘭𝘭𝘦𝘨𝘦 𝘢𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘰𝘴𝘵 𝘮𝘦𝘮𝘰𝘳𝘢𝘣𝘭𝘦 𝘰𝘯𝘦 ✎ '97 liners boys ✎ '97 liners girls ❀