YUJU's POV
"Happy Birthday po Tita!" masayang bati ni DK kay mama
Nasa venue kami ng birthday ngayon ni mama at tuwang tuwa ito sa bigay na regalo ni DK na halaman. Pinipisil pisil pa nito ang pisngi niya, akala ata ni mama bata pa rin 'to si DK eh. Halos buong buhay ko kasi magkapit-bahay na kami niyan kaya close talaga families namin.
Hinila ko siya papunta dun sa buffet dahil gutom na gutom na ko tas umupo kami katabi ng mga kamag anak ko.
"Yuju siya na ba boyfriend mo? Grabe ang pogi ah? Bagay na bagay kayo" bati samin ng isa kong tita
Halos mabilaukan ako sa sinabi ng tita ko. Anong boyfriend? Muka ba kaming mag jowa?
"Huy ayos ka lang ba? Uminom ka nga ng tubig" pag abot sakin ni DK ng tubig at agad ko namang ininom yun
"Grabe oh ang sweet pa at maalagain" dagdag ng tita ko
Mukang kinikilig pa siya kasama ang ibang kamag anak ko. Hala sige tita gatong pa nakakahiya kay DK.
"Tita ano ba hindi ko siya boyfriend. Si Doekyeom yan" giit ko
"Ay weh siya na ba yun? Ang laki na ah. Grabe ang pogi! Wag mo na pakawalan 'to oh panigurado marami nag kakagusto dito"
"Nako di naman tita" Nahihiyang sabi ni DK
Halos mapa face palm na lang ako sa mga pinag sasabi ni tita. Grabe nakakahiya talaga panigurado pag tsitsimisan ako ng buong pamilya ko pagkatapos ng party na 'to.
"Pasensya na kanina ah" banggit ko kay DK nang matapos kami kumain
"Pogi pala ako?" pag tawa niya
"Oh masyado naman lumaki ulo mo"
"Di nga? Totoo ba?"
Leche anong tanong yan. Pano ko sasagutin yun?
"Huy ano nga?" pag lapit niya ng muka sakin. Taragis apaka pogi niya
"Oo na oo na pogi ka na" pag iwas ko ng tingin sakanya at naglakad palayo
"Uy Yuju!" tawag niya sakin pero di ko na siya nilingon. Bahala siya diyan, sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗼𝗳 '𝟵𝟳
Fanfiction𝘈 𝘨𝘳𝘰𝘶𝘱 𝘰𝘧 𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥𝘴 𝘢𝘣𝘰𝘶𝘵 𝘵𝘰 𝘴𝘦𝘵 𝘵𝘩𝘦𝘪𝘳 𝘭𝘢𝘴𝘵 𝘺𝘦𝘢𝘳 𝘪𝘯 𝘤𝘰𝘭𝘭𝘦𝘨𝘦 𝘢𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘰𝘴𝘵 𝘮𝘦𝘮𝘰𝘳𝘢𝘣𝘭𝘦 𝘰𝘯𝘦 ✎ '97 liners boys ✎ '97 liners girls ❀